Meron kaming co-worker dito na may attitude problem (babae pa naman). From what I've heard, nilipat-lipat na sya ng dept. Meron din daw syang naka-away sa orig department nya. Ang ayaw ko naman sa kanya yung ugali nyang tamad at mahilig magpasa ng trabaho sa aming mga ka-department nya. Sya ang senior sa amin dito pero wala syang alam sa trabaho, ang gusto lang nya ay magfield. Di ko gusto ginagawa nya kaya nakikipagusap lang ako sa kanya pag tungkol lang sa trabaho, other than that, wala na. Then this morning, nung nasa pantry kami, while putting my food sa loob ng ref, and sya naman nasa tapat ng microwave, aba, binagsak ba naman yung door ng microwave! Ang sabi ko "galit ka yata?" then sabi nya, "obvious ba?". Sabi ko, kung galit ka, "wag mo pag-interesan yung microwave at baka masira, kausapin mo yung tao." Then from there, medyo nagkasagutan na pero di naman kami nagsigawan. Siguro nakakahalata na ayaw ko as kanya, pero diba kung ayaw syo ng tao, wag mong ipilit. May attitude din kasi sya na gusto lagi syang pinapansin ([textspeak!] yata). How do you handle this kind of co-worker?