just got back yesterday from taiwan. first impression namin ongpin manila ang dating (mas malinis nga lang syempre). suuupppeeerrr daming food

kahit saan ka magpunta hindi ka magugutom

and of all chinese countries na napuntahan ko (china, hk and taiwan) dito may pinaka yummy na food. nakakatuwa rin kasi doon pala nauso yang mga tea drinks yung parang chatime. kahit saan ako magpunta eh puro tea talaga inumin. i'm impressed din with their creativity sa street foods nila. kakaiba.
must try for me:
ice-cream : since mahilig ako sa ice cream super nag enjoy ako sa ice cream nila dito. meron dito yung nasa cone na ice cream tapos super taas niya. yung parang softy ice cream dito satin pero ang taas ng ice cream lol

meron pa yung nakabalot sa lumpia wrapper with crushed peanuts. yum! pinakalove ko sa lahat is yung isang ice cream we bought sa isang night market. hindi ko alam tawag eh. pero meron siya mga pearl sago na toppings. kakaiba. super lambot niya kainin. eto yung mamimiss ko sa taiwan

chiang kai shek memorial - nag enjoy ako doon sa parang museum niya. meron doon parang mannequin pero tao sila gumagalaw nasa loob sila ng glass. he looked at me tinuro niya ko parang nag signal siya na "i'm watching you"

then nag wave ako, nag thumbs up siya. nung paalis na ko nag wave ulit ako for goodbye, nagwave din siya. lol super cute

night markets - nag enjoy din ako dito lalo na sa food. out of all places i've been, dito ako madaming nabili talaga. meron din shopping sa mga malls. natuwa naman ako kasi cheaper yung mac lipsticks nila ng 200php kaya napabili ako ng 2.

overall super fun yung stay ko sa taiwan for one week. ganda rin ng weather nung pumunta kami. medyo malamig kaya madaming napuntahan unlike pag mainit. nice din yung mga tao. napagkakamalan kaming tiga hk and singapore. minsan nag aask pa samin ng directions sagot ko nalang "wo bu shi taiwan ren"
