Food & Home > Domestic Help
Food (Grocery) Budget/ Snacks Budget for Helpers
spnliz:
Hi for those who separate their maids or yayas meryenda and food like coffee biscuits, how much ang allotted budget nyo let's say for 2 weeks? Kasi before ka-share ko sa coffee ko ang maid then I noticed ang bilis maubos ng coffee at creamer, ako pa ang nauubusan. So what I did nagbukod ako ng pang maid and of course yun cheaper brand. Pero parang ganon din ang bilis maubos ng kanya.  For example binilhan ko sya ng parang oatmeal drink, I was thinking kasi para mabigat sa tyan instead of coffee, aba nasarapan ata masyado at 2 sachets consume for a day. and this is bukod pa sa coffee ha (2x a day) din with biscuits.
If you can also share kung anong mga pang meryenda binibili nyo sa kanila that will be helpful like do you also buy them their own chichirya or junk food?

Thanks!
mishmish:
My MIL usually buys kape barako from the province, so laging may stock dito sa house for them. It's up to my HH kung gusto nila o hindi. Pero napansin ko di nila masyado ginagalaw, so sila na bumibili ng mga 3 in 1 nila. Gusto ko sana sila bilhan ng mga sachets pero ayaw ni hubby kasi nga daw may kape barako na stock na.

Once a month lang kasi ako mag-grocery, usually nasa almost 1k din yung nagagastos ko for them -- included na dyan yung mga bread spreads like chiz wiz/mayo/peanut butter/jam -- usually small bottles lang, kasi pansin ko mabilis sila magsawa, pag-nagsawa na, ayan na nakatambak na lang.

I also buy mga lucky me instant noodles, breads, sandwich crackers, canned goods like mga wow ulam/sardines, tuyo, milo, minsan ice tea.

kolinetongue:
1500/month/pax yung budget nila sa food, napagkakasya naman nila.
basta kapag ubos na, wala na talaga akong binibigay na extra, kaya tipid to the max sila ;D
coldsiren:
noong wala pa yung 2nd maid namin, matagal maubos yung 1kg ng asukal at cream. as in months yung binibilang namin bago kami bumili ng asukal at cream. kasi di kami gumagamit ng asukal at cream, pag may bisita lang namin nagagamit yan. ngayon wala pang 1 month ubos agad. so ginawa ko bumili ako ng cheaper na brand ng cream. ubos pa din agad. nag grocery ako kahapon, talagang ni request ng maid namin na coffee mate ang bilhin ko. kyo ba pumapayag kyo sa mga request ng maids sa brand na gusto nila? namamahalan kasi ako sa coffee mate. kasi ang bilis maubos. pag di ko naman bibilin yun, bibilihin nya sa tindahan gamit yung sukli sa pamalengke or yung mga barya na iniiwan namin sa kanila, so mapapamahal pa pag sa tindahan bibilihin. yung mga meryenda like bread, cookies etc ok lang sa akin na kainin din nila kung ano yung meron sa bahay. pero yung nirequest pa yung brand na bibilihin ko kasi yun ang gusto nya, parang medyo nainis ako. sa inis ko natanong ko nga nung isang araw kung ginagawa ba nyang polvoron yung cream at ang bilis maubos.
ecnarfoj:
Ang sinasabi ko yaya ng anak ko pag nag-grocery kami, kumuha siya ng kaialngan niya. ACtually hindi ko na nga na-calculate basta kailangan all-in-all pasok sa budget ng grocery namen for that week. If I'm not mistaken, mga nasa 300 a week yung merienda niya at toiletries. Wala naman problema samen kasi naaalagaan naman niya yung anak ko ng mabuti. Kung maubos niya agad before the next grocery eh siya na dapat ang nagbudget ng merienda niya. Hindi porket ubos na eh bibilihan na siya agad. Kaya nga sinasabi ko, bili siya ng budget niya for 2 weeks or 1 week.
(1/8) > >>
Navigation
Message Index

Next page