hayyy, i am currently in this situation right now. ang kaibahan lang eh nasa abroad sya. we have 2 kids but not married. just last month,bigla syang nagbago.di na sya nagtetxt kasi daw wala sya load which is very impossible.kung magtxt naman sya ilang araw na ang pagitan samantalang dati everyday.di kami makapagchat kasi nasira daw connection nya.pag tinawagan ko naman galit pa tapos ang lamig ng pakitungo sakin.
to make this story shorter,may kalandian na pala sya dun.katrabaho nya yung hayup na babae.puro kasinungalingan pinagsasabi sakin. pinilit ko lang sya magonline para makapagusap kami.todo deny pa ang hayup.eh may ebidensya na ko.gumawa pa sya ng sariling fb nila nung babae nya.eh t**** sya ayun nakita ko.
kahapon,nauwi na sa hiwalayan yung pag uusap namin.ang masakit dun eh mas pinili nya yung hayup na babae na yun.alam mo yung feeling na parang pinagsakluban ka ng langit at lupa.yung gusto mong lumubog sa kinatatayuan mo.grabe,sobrang sakit.to think na mag 12 yrs na kami next month.kakapanganak lang din ng bunso namin.preggy ako nung umalis sya.tinanong ko kung mahal nya yung babae.isang mabilis na oo sagot nya.nung tinanong ko kung mahal pa ba nya ko,ang sagot eh magagalit daw ba ko.ang galing diba.pinagpalit nya ko sa babaeng ilang buwan nya pa lang nakikilala.
sobrang sakit

galit na galit din ako sa kanya.lahat ng mura,lahat ng masasakit na salita gusto ko sabihin sa kanya.kagabi tinext ko sya,pinagmumura ko.tinakot ko din na baka kung anong magawa ko sa sarili ko at pag nagkataon sya may kasalanan nun.
pero sa totoo lang,umaasa pa din ako na magiging ok kami.na babalikan nya ko.pinagdadasal ko na sana marealize nyang mali yung ginawa nya,
tingin nyo tama bang umasa pa ko sa kanya??