eto yung akin.
yung boss ko ayaw nya sa akin. he's open about that naman. I try to ignore it pero syempre nakaka-demoralize talaga kasi lagi na lang nya ako pinagtataasan ng boses at parang gusto nya talaga na pahiyain ako. lagi nya ako hinahanapan ng butas at kung ano ano na rin ang narinig ko tungkol sa inis nya sa akin. anyway, one time, nag-vent ako sa fb page ko. I didn't mention yung name ng boss ko. Ni hindi nga ako nagreklamo ng matindi, sinabi ko lang, yung boss ko hindi marunong mag-thank you. yun lang.
I only have a few friends sa fb ko, private din ang page ko. wala akong co-worker na nasa friends list ko. nagulat ako kasi the next day, kinausap ako ng isa pang boss ditto sa company at pinapabura yung status ko. I defended myself naman saying that 1) I never mentioned any name and 2) no one has access to read that page.
ang problema, may screenshot ang evil boss, I don't know how. troll kasi yan. anyway binura ko na yung status para wala na lang problema pero ang ginawa nya pinasa nya yung shot na yung sa ibang mga tao sa office. I think he wanted t send the message that I am this "b!tch" who complains about his attitude, alam mo yun talagang pinapahiya nya ako.
honestly, since ayaw naman ng mga tao sa kanya, hindi ako ganun ka-bothered kasi nga hindi nya rin maitaas yung reklamo nya sa HR kasi nga wala naman pangalan at wala naman kaso na magaganap kaya nga ganyan ang ginawa nya. pinasa nya sa ibang tao, may print out din sya at nilagay nya sa office nya para lahat ng pumasok dun, Makita yun. anyway, yan na ang pinakamatinding kahihiyan ko sa amin.