Ako, nameet ko yung dad nya, di pa kami, as work colleagues pa lang (tatlo kaming ka opisina na inintroduce sa dad). Tapos a year into the relationship, napameet ako sa mom and dad nya through skype (nasa magkaibang country kami noon). And then, second Christmas namin dinala ako sa kanila for the holidays, 2 weeks din yung doon kami nakatira sa kanila. Dun ko lang sila nakilala nang husto. Also at the same time nakilala ko din yung ibang family members niya including yung lola nya. Buti na rin na nakilala ko yung lola nya - in fact nung una, worried pa yung bf ko na baka dahil nga matanda na yung lola nya, magkamali ng name - at tawagin ako by his ex's name. Matagal tagal din sila kasi nung ex nya. Pero thankfully, wala namang ganung nangyari. A few months after that his lola passed away so I was very glad that I still got to meet her.
Ngayon husband ko na sya. And I get along very well with my parents in law, although paminsan may pagka maselan sila. And sinabihan din ako nila na bago namatay yung lola, nagsabi daw sa parents in law ko na she has a feeling na na meet na daw nya ang future Mrs. XXX. Ako na nga yun! Nakakataba ng puso. (to think na sobrang kaba ko and sleepless nights prior to meeting his family!)