Get weekly updates via email!
tip of the day WED 23 APR 14
Research has shown that drinking an ice slushie before exercise can extend runner's endurance--by around 10 minutes, on average.
  • Good House Keeping
    Find your bliss this summer! GH's guide to a calmer, luckier, and happier you. On stands now for only P120.
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Real Living’s April 2014 issue is a thing of beauty, literally! The magazine’s Beautiful Homes issue features 43 pages which will inspire you to rethink your own space.
    Real Living
  • Women's Health
    Everything you need to score your hottest, sexiest summer EVER is in the Women’s Health March issue!
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: problems of our kids sa school (bullying etc..)  (Read 24423 times)

cutiemom5775

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 96
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #100 on: September 25, 2012, 10:09:53 PM »
hirap talaga pag binu bully ang anak. Yung daughter ko ilang beses ko na atang kinausap teacher nya para ilipat sya ng upuan dahil lahat ata ng seatmate nya inaaway sya at binubully. Chubby kasi ang daughter ko kaya lagi syang tinatawag na tabatsoy or taba minsan sinasaktan pa sya, kaya sa inis ko sinasabihan ko na sya na matutong lumaban ayun lumaban nga kaya yung mga nang aaway sa kanya na mga boys umiiyak one time may parents pa na nagreklamo sa akin na nananampal daw ang anak ko samantalang yung anak nya ang nagsisimula. Mahaba ang pasensya ng daughter ko pero kapag nainis siguradong maiiyak ka sa sakit nyang manampal.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8319
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #101 on: September 25, 2012, 10:34:10 PM »
I think yan na yata dapat ang trend ngayon, teach our kids to defend themselves. Hinde ako papayag na  buhay reyna sa bahay ang anak ko tapos ibu-bully sa school, lalo na yung sasaktan.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4836
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #102 on: September 25, 2012, 11:22:47 PM »
^^perhaps pwedeng kausapin yun adviser at isulat yun napag-usapan para may record. Maaari rin siguro na mag-usap kaharap yun parents na nagsasabi ng masakit sa anak mo sis. Kahit kasi ako yun nanay ng sinampal ng anak mo e irereklamo ko rin ang anak mo sis. Una, hindi ako aware na binubully pala ng anak ko yun anak mo at pangalawa, hindi tama ang manampal kasing mali ng panunukso na mataba o tabatchoy ang daughter mo.

Tayo na parents, ang mga teachers at ang school admin ang adullts. Tayo ang mas may alam ano ang tama.

Mas mainam na kung ano yung tama yun ang gawin natin.

Kaysa magturo tayo na gumanti anak natin baka mapasama pa lalo mga anak natin. Of course, sinasabi ko ito kung sobrang bata pa ng mga anak natin. Pero kung may isip na, alam na umintindi e pwedeng-pwede ng turuan paano dumipensa sa sarili.



 

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8319
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #103 on: September 25, 2012, 11:42:23 PM »
I really hope wag ako umabot sa point na kelangan ko ituro sa anak ko yan. My daughter is only 2 years old and I feel anxious tuloy. I am against spanking and I try my best to discipline my daughter in the calmest way possible, ang hirap especially since first time mom ako.

I guess as a parent, it's hard to see and to accept na you teach your child good manners and how to be good to others pero there are parents na hinde naituturo ng mabuti ang values na to and other kids have to suffer the consequences. The most rational thing to teach your child is walk away from the bullies peropag dumating sa point na masasaktan ang anak ko, hinde ako talaga papayag. My stand really is to stand up against bullies.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

cutiemom5775

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 96
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #104 on: September 27, 2012, 06:30:07 PM »
in my daughters case kasi napuno na talaga sya kaya lumaban. Sino ba namang parents ang matutuwa kung tuwing uuwi sa school anak mo eh magsusumbong sayo na sinuntok sya sa likod,tinulak sya at tumama ang dibdib nya sa kanto ng upuan na bakal pa naman at nagkapasa then the next day umuwi na puro sulat ng pentel pen yung uniform nya iba pa yung sinasabihan sya ng taba. Nung una lagi ko syang pinapaalalahanah na umiwas nalang, wag pansinin at nilalayo ko nalang ng upuan pero sadyang may mga bata talaga na mahilig mang asar at lumalapit pa para lang mang inis. Kaya nya naman nasampal yung boy na yun kasi pagpasok sa school hindi nya pinapansin as in iniiwasan nya then bigla nalang daw syang sinuntok sa ulo dinedma nya parin pero nung break time nila pag tayo nya bigla nalang daw itinaas yung palda nya as in sobrang taas at nakita yung panty ng daughter ko ng mga claassmate nya.6 years old lang ang anak ko pero alam nya na kung nababastos na sya kaya naman nasampal nya yung batang lalaki ng pagkalakas lakas. Kinausap ko teacher nila hindi na daw mauulit yun. Sinubukan ko ring kausapin yung parents nung bata pero hindi nagpakita sa akin siguro nalaman nya na rin kung ano talaga attitude ng anak nya sa loob ng room kaya nasasampal. Hanggat maaari sinasabihan ko talaga ang anak ko na umiwas, na wag nalang patulan, wag nalang pansinin lahat ng nangbubully sa kanya pero bilang magulang kapag nakikita mo kasing sobra na siguro its about time na turuan mo naring lumaban lalo na kapag nababastos na ang anak mo.

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3301
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #105 on: September 27, 2012, 07:43:00 PM »
In the news, the camp of bantilles is saying na Hindi naman daw bully yung anak niya. The kid was merely trying to break the fight between his friends and Jamie kaso daw it ended up na sinampal daw siya ni Jamie. Big BS! Sige granted Hindi bully anak niya and sinampal siya ni Jamie, this does not give the elder bantilles na manutok ng baril

DV

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1434
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #106 on: September 27, 2012, 08:07:20 PM »
^Tama, kahit sino o paano pa nagsimula ang away ng mga bata, CRIME pa rin yung ginawa nya.

I'm so annoyed din sa letter ng rector (from the CSA facebook page). My goodness, a crime happened in the school at reputation pa rin ang pinapahalagahan! Gun-toting na yun ha, ganun ang pag-handle, paano pa kung less grave cases? Swept under the rug na lang? Kung inasikaso agad yan at nabigyan ng proper action plans, wala nang kailangang ipag-alala tungkol sa reputation.

More news:
http://www.interaksyon.com/article/44171/csa-bully-dads-dasma-car-linked-to-friend-peping-cojuangco
« Last Edit: September 27, 2012, 08:28:06 PM by DV »
"The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go."    --Dr Seuss, I Can Read With My Eyes Shut!

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5896
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #107 on: September 27, 2012, 08:31:06 PM »
^ Actually, the way CSA handled the situation was very disappointing.  If their security people were doing their job properly, the Bantilles guy would not have even gotten inside the school with a gun. 
Also, as you said, walang fast and responsive action plans ang school after the incident and the lola had to go to media to probably get the school's attention.

 And now, they are worried about the school's reputation?   :o

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3301
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #108 on: September 27, 2012, 08:44:31 PM »
If a parent can bring a gun to school, what more a student. Nakakatakot ang mala-columbine high school scenario

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1748
  • stressed...=P
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #109 on: September 27, 2012, 10:07:35 PM »
But the Bantilles camp is now denying that there was a gun involved, as per their lawyer.  Saw this in a morning show, Unang Hirit if I'm not mistaken.
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 8319
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #110 on: September 27, 2012, 10:13:58 PM »
^Denying it is a stupid thing to do especially because the gun poking was done in front of other witnesses.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4836
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #111 on: September 27, 2012, 11:15:58 PM »
@marose, i guess thats the right term sis disappointing.

Dun sa sis na tinaas ang palda kaya nanampal ang anak, sorry i forgot your handle hirap mag browse pag cp lang ang gamit, bakit ikaw ang gagawa ng step para makausap mo yung parents nun gumawa nun sa anak mo? Marami na pala instances na may ginawa sa anak mo dapat na-escalate na yan sa principal if walang konkreto na aksyon yun teacher.

Kaya importante na kada kausap sa teacher may record, pirmado ng magkabilang partido. Pati kung anong aksyon ang gagawin nakasulat para kung may mangyari ulit pwedeng iakyat yung reklamo kung saan dapat ito iakyat. Negligence yan ng teacher at pag aware na sila pero paulit-ulit pa rin mangyari e negligence na yan ng school.

Pwedeng turuan ang anak idepensa ang sarili pero may magagawa pa rin ang magulang para ipagtanggol ang anak nya nang d nananakit ng iba.

Nabubully rin ang anak ko sa school at kumukulo rin dugo ko at masarap patulan yung bully kaso @ 6yo d pa maga-grasp ng anak ko paano titimbangin kailan talikuran na lang at kailan dapat dumipensa. Ayaw ko ng war freak na anak, ayaw ko rin na ang anak ko ay nananakit ng iba ayan lang ang malinaw sa akin.

Pero unti-unti tinuturo ko na ang wag pa-apekto sa sinasabi ng iba, para d mabilis mapikon.

OT: kahit naman kasi sa mga parents na sumusundo or kahit pag may activities, merong pa-bibo at feeling sikat kung iassert ang sarili. Napi-pick up ng mga anak yung ganun ugali kaya d nakakapagtaka may mga batang kay babata pa feelingerang tunay na.

cutiemom5775

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 96
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #112 on: September 27, 2012, 11:53:50 PM »
ganito kasi yun sis, nung sinampal ng daughter ko yung anak nya nagsumbong agad sa parents yung bata siguro dinagdagan ng bata yung kwento at di sinabi ang totoo kaya naman yung parents mega react kahit di alam ang totoong nangyari at pumunta sa school ang masama nun hindi nya kinausap yung teacher ang ginawa nya hinintay nya yung anak ko nung uwian at dun nya pinagalitan. nung araw na yun hindi ako ang sumundo sa kanya,kundi yung papa nya. Nakita nalang daw ng husband ko na may kumakausap sa anak namin tapos pagdating nya sinabi nung mother ng bata na nanampal yung anak ko etc..etc dami daw reklamo pero dinefend rin naman ng husband ko yung daughter  namin pero syempre di naman makikipagtalo yung husband ko sa babae. the next day pumunta ako sa school kinausap ko yung teacher at nalaman ko na talagang bully daw yung batang yun at marami ng parents na nagrereklamo sa kanila. Infairness naman sa teacher inilayo nya yung anak ko dun sa bata kayalang everytime na lumalabas si teacher lumalapit yung bata at dun nang iinis. Hindi ko makausap yung parents nung kid kasi naka service at kapag pinapatawag ng teacher hindi naman pumupunta.Siguro nalaman narin ng parents yung attitude ng anak nila sa school kaya iniiwasan na ang ibang parents baka nga naman mas maraming magreklamo sa kanila dahil sa pinag gagawa ng anak nila. As of now hindi nya na binubully ang anak ko at di narin nya  nilalapitan mula ng masampal sya.

cherrhys

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1748
  • stressed...=P
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #113 on: September 29, 2012, 11:14:14 AM »
^Denying it is a stupid thing to do especially because the gun poking was done in front of other witnesses.

That was also my reaction when I heard the denial.  Parang ano yun everybody who witnessed the entire incident were just imagining things or all have poor eyesights.  Bad strategy talaga.

OT: kahit naman kasi sa mga parents na sumusundo or kahit pag may activities, merong pa-bibo at feeling sikat kung iassert ang sarili. Napi-pick up ng mga anak yung ganun ugali kaya d nakakapagtaka may mga batang kay babata pa feelingerang tunay na.

I so agree.  Nandyan yung mga nauunang manulak sa pila sa may gate or those who don't follow the simple rules of the school when it comes to picking up the kids.  Nakakadismayang makita.

cutiemom5775  I understand where you coming from.  Minsan kasi sadyang may mga batang sobrang palahanap ng away or makukulit and then yung parents mga deadma lang. And not being judgemental here, but these parents doesn't seem to know how to handle their own kids din.  Yung 6 year old daughter ko may classmates (2 boys and 1 girl) din na ganyan.  Three years ng "sakit ng ulo" ng anak ko.  Much worse this year, though she's not exactly bullied, pero nasasaktan din siya minsan.  May days na umuuwing madumi yung mga bags, yun pala hinuhulog ng classmates niya na yun and then steps on it or make it into a soccer game.  One time nasampal din siya.  But what i like is the teachers mismo doesn't tolerate it, nung nagsabi ako especially during the PTC, the teacher tried to find solutions. Like seperate them or if nahuli pinapa"time out" chair yung bata then kakausapin yung bata then the parents.

Kaso nga yung isa dun kinder pa lang sila sakit na ng ulo ng lahat (teachers and classmates), no matter anong kausap sa guardians parang ganun pa din.  The other one naman in denial yung mother, she doesn't accept na ganun yung anak niya.  So what I always tell my daugther is to just walk away or ignore these kids.  If they do these things during the class, call the teacher's attention immediately.  Huwag na huwag papatulan, kasi talo ka talaga in the sense na ikaw yung lalabas na trouble maker, which happened to her once, pati siya nadala sa office samantalang umawat lang siya.

But what I appreciate sa current teacher nila is tinuturuan sila on how to handle these "trouble makers" better.  Like she taught them to befriend these kids.  I think sinabi yata sa kanila na baka kelangan lang ng friends nung mga bata or misunderstood lang.  Kasi nagulat na lang ako one time na sabi ng anak ko na "Mama, friends na kami ni so and so.  And di na sila makulit or naghihit."  Yung ibang "victims" nitong kids na ito ganun din pala sinabi sa mga mommies nila.  So far, wala pang nauulit na incidents.  I guess, what I'm saying is depende din kasi yun sa paghandle ng mismong mga teachers and school.  Kasi kung parents lang, especially nung bully, wala talaga tayong masyadong maasahan kasi almost always kampi sila sa mga anak nila.
Stay-at-Home Mother of FIVE! :D

hunny_ally

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3301
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #114 on: September 29, 2012, 11:54:54 AM »
The camp of bantilles now is filing a case against Jamie for child abuse. Duh?! Mukhang malakas the bantilles camp cause reports say he's a very good friend of peping conjuangco

Oh another parent surfaced saying how dismayed he is with how CSA handles bullying. Apparently his kid was bullied too and it even came to a point he had to pull out his kid. There's an ongoing signature campaign as well among parents how unsatisfied they are with the way the school is handling this plus other incidences that they are threatening to pull out their kids too. CSA will issue a statement daw this Sunday

jhenpretty

  • Supercalifragilisticexpialidocious..
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 994
    • NLigtas
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #115 on: September 29, 2012, 12:34:01 PM »
I have a nine year old son. He is a grade three pupil already. He is studying in a catholic school where I studied when I was in Grade school and high school. He was doing good in school nung Kindergarten siya  and was one of the honor pupils in his class. I notice nung naging Gradeschool na siya his teachers told me na nagiging playful siya and madalas walang focus sa pag-aaral. We tried our best na idiscipline siya in a good way and we tried to explain to him how important to have good academic records. He told us na gustong gusto niya talagang magbago in a good way. Naisip pa tuloy namin itransfer siya ng school. He's adviser told us na my son has a classmate na problem pupil talaga nila sa klase. So naisip namin na baka dahil talaga sa influence nung classmate niya. 2nd grading na nila and ipagpapaalam ko sa adviser niya kung pwede pa siya ilipat ng section. Sana pumayag ang school para at least magbago ang mga kaklase niya at may mabuting classmate siya na mainfluence siya na mag-aral at magfocus sa klase niya. Naisip din namin na magandang mailipat siya dun sa isang section kasi yung adviser dun ay lalaki. Nanotice ko din kasi na kapag sa akin hindi masyado kaagad sumusunod yung anak ko and kapag sa daddy niya sumusunod kaagad. Baka sakaling kapag lalaki yung adviser masmaging masunurin at mag-aral na ng mabuti. Napansin din ng aadviser niya ngayon na parang babyng baby pa daw ang anak ko, solong anak kasi.. Baka daw kapag nagkakapatid na siya medyo magmature na.. Pero siguro hindi muna yung pagkakaroon niya ng kapatid yung piliin naming solution. naisip ko din baka kailanagan ng son ko na mabantayan ko siya lagi. Sa ngayon kasi me and my hubby are both working.. Kaso baka hindi magkasya ang income namin kung sakali..  Baka yung paglipat na niya ng section yung maging solution.. I hope it works.. I love my son so much and all I want for him what's best for him.. I hope God would enlighten my son to have wisdom and kindness to be a good boy... ^_^
« Last Edit: September 29, 2012, 12:36:16 PM by jhenpretty »
♥ I love you. I am who I am because of you. You are every reason, every hope, and every dream I've ever had, and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life. I will always be yours.♥

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5896
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #116 on: September 29, 2012, 09:25:47 PM »
^ Is your son a bully or was engaged in bullying?

byutijunkie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 665
  • lover of all things fab!
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #117 on: September 30, 2012, 01:08:31 PM »

my son has become rougher and rowdier ever since nagbig school siya.  all boys kasi.  =(  so far wala pa namang bullying...at sana wala ever hehe.  happy ako academically and even sa extra-curricular activities nila, ang hindi ko lang gusto eh hindi ito coed. 
“The best color in the whole world, is the one that looks good, on you!”
                   --Coco Chanel

jhenpretty

  • Supercalifragilisticexpialidocious..
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 994
    • NLigtas
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #118 on: October 01, 2012, 02:16:00 PM »
My son is never a bully.. Actually iyakin pa nga yung anak ko kahit 9 years old na.. Medyo nawawalan lang ng focus sa pag-aaral kasi naiinfluence ng classmate niya and mahilig maglaro..
♥ I love you. I am who I am because of you. You are every reason, every hope, and every dream I've ever had, and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life. I will always be yours.♥

1choi_ko9

  • came from family of Drs./Clin.Psyc/Mom of 2 boys and a wife
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4010
Re: problems of our kids sa school (bullying etc..)
« Reply #119 on: October 01, 2012, 02:57:21 PM »
i also have my share sa pambubully. My 6 year old nabubully sa school. I just thank the Lord na nagkkwento ang anak namin saamin. And we entertain whatever he is saying. One time he makes kwento na there was one kid in his class na inaasar sya. Before yung hubby ko ang hatid sundo sa school, kinausap nya directly (in a nice way) yung bata and buti naman hindi na sya inaasar at according to my son good friends na raw sila. :)

But then another incident happened last month. Meron daw sya classmate na inaasar sya. So kinausap ulit ng hubby ko. Pero wala epek sige pa rin. So kinakausap nalang namin anak muna namin at pinarating ko sa teacher, nilipat sya ng pwesto ng seat. Pero hindi pa natapos don...napapansin namin anak namin madalas mangainip sa gabi at umiiyak. Always telling us,"ayaw ko na magka bad dreams". So syempre na bothered na talaga kami...something is up again. So pag wala ako pasok which is (tuesday and thursday) I see to it ako ang hatid sundo at I observe talaga. Pero syempre hindi naman gagawa ng pambubully pag alam may bantay.

After the bad dreams, nagkwento sya ulit na si ___ (same kid na nagka bad dreams sya) dinuraan daw sya! Pero biniyan daw sya ng toy after gawin yung pandudura. We said to our son na ibalik yung toy next school day and explained to himthe possible things that could happen next if lagi nya accept yung mga binibigay nung kid. We also told him na it is not right he accepts things from this kid na ginagawan sya ng bad kase isipin nung bata he can do it again to you all over again kase bibigyan ka naman nya ng toy. We also told our son,hindi friend ang tawagpag ganon. He istaking advantage of you which is not nice.

Anyway, kinausap namin the next day si teacher about the incident. And hinayan lang nya kami na kausapin ko yung kid. I asked the kid:
ME: What you did to our son is not nice. Alam mo ba na ang saliva dirty. Maraming bacteria etc etc,,, Papatawag namin mommy or daddy mo.
KID: Wala dito mommy ko at daddy ko
ME: Kung sino kasama mo sa bahay papatawag namin...
KID: *walang imik*

What we learned from the teacher, pang 2nd na yung anak namin duraan nitong batang to. Yung isang classmate babae pa naman dinuraan! Galit na galit syempre yung parents. Mabait pa raw nga ako makipagusap. Abay sabi ko pinipigilan ko lang sarili ko dahil ayaw ko patulan ang bata. Pero they need to do something about it kase kung wala ako na mismo didiretso sa principal.

Nagsubside yung pambubully, pero hindi ako mapakali kaya ako na lang mismo nagdecide dumiretso sa principal at ipaalam ang incident. Sinabi ko na rin lahat lahat na hindi na maganda epekto sa anak namin kase nagkaka bad dreams na. Ayoko naman kako dumating sa point na ayawan nya pumasok because of that kid! Tinanong ako nung principal ano daw suggestion ko gagawin sa batang yon. At first I was shocked na itanong nila yon sakin. Parang para sakin hindi ba dapat they should know better? Anyway, eh di sinabi ko na "I thnk that kid needs to be counselled. SInce wala ang parents dito, obviuously no one is teaching him right manners and respect other people". I asked the principal na rin, hindi ba macoconsider as minor offense man lang pandudura??? hahahaha nakakainis kase etong bata. Naawa na naiinis ako actually. Ayoko rin naman pag laki nya ganyan pa rin sya. For me, umpisa pa lang kailangan lagyan na ng stop and malaman nya hindi tama ginagawa nya. Kase pag patuloy na hinahayan ginagawa nya hanggang pag tanda nyahe willalways think na wala syang ginagawang masama. :(

Nope hindi pa don natapos. Ang pinakarecent na nangyari...nagkwento anak namin na etong same kid, hinihila sya sa CR ng boys at pinapakita daw yung genitals nung bata sa kanya! OMG! Nakakapraning tong batang to! After non sinabi sa teacher, pinatawag yung lola nung bata and sa pagkaalam ko na suspend yung bata for 3 days kase patong patong na offenses nya. Hindi lang sa anak ko pati sa ibang classmates nya. Kinclarify ko nga sa teacher na sana maymatutunan sya sa pagka suspend nya. Kase baka masiyahan pa sya dahil walasyang pasok eh... Sana maturuan ng leksyon ng lola or yun nga sana pina counsel na yung bata. :( haaay sorry napahaba...

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
10 Ways to Wear Shorts in Your 30s
Why should twentysomethings have all the fun?
10 Signs You Need a Diet Makeover
When your body talks, you need to listen.
Be The Fairest of Them All: 5 Ways You Can Get Whiter Underarms
Discover the power of these whitening solutions for yourself!
5 Surprising Facts about Masturbation
There's more to it than the sex toys. No, really.