It's a BIG NO! First of all, binigay na nila yun so akin na un. Unless, bawiin ulet ng nagbigay. Just give it back kesa naman magka-utang na loob ka pa at malasin kung isinumpa pala yung ng nagbigay after ng mga di magandang nangyare sainyo.

I think di naman common sa mga lalake yan, kase syempre ego nila yun but I have this EX-BF na binawi talaga ang lahat ng binigay saken after we broke up, hahaha! Naiintindihan ko naman kase siguro bitter sya. So what I did, everything that he gave me (cellphone, love letter, flowers, pictures, couple's ring etc) binalik ko sakanya na nakalagay lang sa paper bag. Di ako yung nag-abot sakanya kase I asked our common friend to give it to him, ayun nag-emote si Kuya! Habang naglalakad daw e isa-isa nyang sinisira at tinatapon sa daan ang mga gamit na sinoli ko. Syempre except sa cellphone which binigay na lang nya sa younger sister nya. Ang weird talaga nung EX ko na un, hehe' Pero oks lang kase atleast wala akong utang na loob sakanya at wala syang maisusumbat saken. Ayoko ring isipin nya na un ang habol ko sakanya.
After almost 5 yrs, nagreconcile kame (as in nagkabati lang, walang balikan). Nagsorry ako sakanya kase I know na nasaktan ko sya before and I know na parang nakarma na ako sa ginawa ko sakanya. (Para kaseng na-fall ako for another guy nung time na on the rocks ang relationship namen, medyo may pagka-brutal kase ang Kuya mo.) Ok naman ang pag-uusap, although minsan nagpaparamdam sya na gusto nya maging kame ulet. Pero hinde na talaga e' wala ng feelings. So tinapat ko sya, after nun medyo naglaylo syang magtext at makipag-usap saken.

Pero oks lang kase atleast di ko sya pinaasa. I know I've done my part at nasakanya na un kung magiging bitter pa den sya saken.