Get weekly updates via email!
tip of the day MON 24 NOV 14
Have a loved one with cancer? Remind him that he's not alone by spending time with him and doing things that make him smile (e.g., watch
  • Good House Keeping
    The New Mrs. Pitt, Angelina Jolie, is on the cover of the November issue of Good Housekeeping!
    Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: Anxiety?  (Read 9128 times)

litr15

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Anxiety?
« Reply #20 on: August 09, 2012, 04:34:54 AM »
Not sure if I'm on the right page, di ko rin alam kung mabibilang itong sakit ko sa anxiety or panic attacks. Nagpatingin na ko sa doctor ko and he diagnosed me with CAD even though he said to me directly that it's just stress. These are my following symptoms:

- Lightheadedness and cold sensation usually felt on left back of the head, followed by
- Sweating a little usually sa nape of the neck
- Difficulty in breathing but the chest X-ray has no abnormal findings
- Naiihi kahit walang abnormality sa kidney or bladder
- CBC results show high Low Density Liproprotein (LDL)

These symptoms just come suddenly, anytime na parang mabibigla na lang ako when I'm in a relaxed state. Sabi ng ibang mga friends ko, madami daw akong iniisip. Sabi ng mom ko, nasisiraan na daw ako ng ulo. I'm sane enough to complain about these symptoms, inisip ko na lang na hindi nila alam ang nararamdaman o naeexperience ko.

Natatakot ako.. but I still continue to keep on praying to God for these symptoms to be gone. God help me please, sana mawala na po itong mga nararamdaman ko.


blushydamsel

  • from miss to mrs! i'm also a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
Re: Anxiety?
« Reply #21 on: August 09, 2012, 04:53:29 PM »
sis Cheesecak3, tama ka just stay positive.  :) minsan yung mga negative thoughts talaga nakakapag worry sa atin, tapos ayun na, hindi na tayo matatahimik. :) try to divert your anxieties to sports, or kahit anong hobby, para dun mag focus yung mga thoughts mo. :)

ganun din for you sis litr15. try mo din yun. pero saang doctor ka nagpatingin, cardiologist ba?
if you're on a relaxed state, or kuware busy ka sa work, etc, nangyayari ba ito? or kapag may iniiisip ka lang?

Cheesecak3

  • Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1374
  • missing my baby so much....
    • Jan's Travel and Tours
Re: Anxiety?
« Reply #22 on: August 09, 2012, 05:45:53 PM »
last May and June was worst kasi umpisa ng business ko at dami kong iniisip but lately ok na ako. I tried acupuncture din and I avoided coffee. I also found out that I have vertigo kaya pala nagkaroon ako ng anxiety attack. So far na manage ko naman.


blushydamsel

  • from miss to mrs! i'm also a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
Re: Anxiety?
« Reply #23 on: August 10, 2012, 04:56:35 PM »
buti naman sis! :) stay positive! talunin natin ang masasamang mga enerhiya! hehe :)
stay happy sis :)

iheartkulot

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 129
    • Doon sa South
Re: Anxiety?
« Reply #24 on: August 14, 2012, 11:22:42 AM »
sis litr15

parang we're on the same boat.

hugs..

Psalm 118:6 The Lord is with me, I will not be afraid. What can mere mortals do to me.

kvandenhaak

  • Penny Pincher, Contest addict and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1572
  • Former stay-home mom!
Re: Anxiety?
« Reply #25 on: August 14, 2012, 12:14:25 PM »
I was diagnosed with anxiety disorder this year lang. Almost 10 times na akong nag-dial ng 911. I had all the lab tests that the doctor in the hospital can think of, all of them returned negative results. But I think side effects ng thyroid pills ko ang panic attacks. Medyo mataas yung dosage na nireseta sa akin and we settle for the lower dosage and since then hindi na ako inatake ng sobra. Nakakatakot ah! Anyway, my doctor told me though that I'm a worrier, palaging worst scenario ang iniisip ko. And 99.9% of the time, yung kinakatakutan ko hindi naman nangyayari. He said, I may have chemical imbalance in my brain that is causing me to be like that. He prescribed an anti-depressant but I don't like taking any pills for that. I don't think I'm that bad to take those pills. Exercise helps a lot, in my experience. Talk to people with positive attitude. Right now I am reading "The Purpose Driven Life". It helps also, parang assurance that whatever happens, your life has a purpose.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

hanshellite

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 235
Re: Anxiety?
« Reply #26 on: August 14, 2012, 12:35:15 PM »
Sana may like button dito sa GT para malike ko yung mga posts ng mga sisses dito. I feel so anxious these past few weeks, and until now di pa rin ako makatulog ng maayos. At dahil dito feeling ko magkakasakit na ako or parang hindi na ako makakain and nasusuka ako pag kumain ako ng madami. Hindi naman ako dating ganito. I have personal problems at home, and everytime umuuwi ako, puro negative na naiisip ko. To the point na nagsasalita na ako na mag-isa sa CR or sa kwarto kasi hindi ko masabihan ng problema ang mga kasama ko sa bahay dahil sila mismo ang problema. I'm glad na positive and maaayos ang mga workmates ko, kaya nakakatulong din na sila ang mga kasama ko sa office. Pero at the end of the day, tayo pa rin naman ang may hawak ng sarili natin, tayo pa rin ang in control sa mind and emotions natin. Pray pray na lang tayo, mga sisses na may pinagdadaanan.

 HUGS and GOD bless us=)

MissOnline

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: Anxiety?
« Reply #27 on: February 09, 2013, 04:57:02 AM »
I thought ako lang ang ganito.. I keep on praying everyday..

KZ_2008

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Anxiety?
« Reply #28 on: July 12, 2013, 06:02:16 PM »
Hi guys... Thank God i found this site. I thought ako lang nagkakagnito sa phils. Common [textspeak!] to sa uk.. Ang hirap magkaron ng anxiety lalo na pag matagal na at di parin nawawala. Ang hirap magkaron ng normal life. Haysss but im still hoping na maging maayos na ang lahat.

yelle

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
Re: Anxiety?
« Reply #29 on: July 14, 2013, 08:10:07 PM »
^sis hindi ka nag-iisa. Just hang on, and share your experience here.

I would like to share my experience here too. My anxiety disorder and panic attack started last August of 2010, grabe hindi ko makalimutan yun. Ngyari siya ng tanghali, I was folding my clothes in our room when suddenly I felt dizzy yung tipong hihimatayin. Bigla akong napatakbo sa sala, I thought mawawala na, boy I was wrong... Umpisa pa lang pala yun. I felt dizzy again and then BAM! Full blown anxiety attack na. That time wala akong idea kung anong ngyayari sa akin, I thought I was dying kasi habol ko ang paghinga ko nun tipong lalagutan na ako ng hininga.

KZ_2008

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Anxiety?
« Reply #30 on: July 19, 2013, 05:37:33 PM »
Mine, I guess started last 2002. nagkasakit ako then na depress and un nauwi na sa anxiety attack. Matagal din bago ako naging ok ulit. It took years,  kasi I never shared it with my family and friends kasi feeling ko non baka iba ang isipin nila sakin. Pero un kahit ang hirap kasi parang lagi akong nag woworry and takot halos sa lahat ng bagay naging maayos parin naman ang buhay ko. Then natuto narin akong ikwento siya sa mama ko at bf ko na ngayon husband ko na., nakakatuwa lang na meron tayong support system kapag may nararanasan tayong ganito..  Saka since i had it dasal lang ang naging weapon ko and hope na eventually magiging ok din ang lahat. :)

swim_fatale

  • Basta swimmer sweet lover na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1001
  • Girls who behave don't make history.
Re: Anxiety?
« Reply #31 on: September 15, 2013, 07:08:06 PM »
Sisses, ako my first panic/anxiety attack was back in 2004. Nasa jeep ako nun pauwi from work at na stuck ako sa traffic tapos yun, I had the symptoms. I thought I was having a heart attack/dying! I looked up my symptoms later and found out na it was a panic attack. Hatid-sundo ako ni hubby sa work for about 6 mos, then nawala naman nang kusa. I was prescribed Xanor (anit-anxiety) pero dinadala ko lang for peace of mind, bihira naman akong uminom. kaso, eto, fast forward to Dec 2012, the attacks came back! I started seeing a psychiatrist na. Same meds pero ngayon dahil 6mos na at napapadalas na ang attacks, she suggested na mag SSRI (anti-depressant/anti-anxiety maintenance) meds na ako. peo ayoko kasi medyo scary yung side effects when I did some research on it. Tignan ko muna kung kakayanin ko. Please pray for me din, mga sis. Sobrang hirap nang ganito. I really feel for those of you who are in the same boat.
The grass is always greener on MY side.

kvandenhaak

  • Penny Pincher, Contest addict and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1572
  • Former stay-home mom!
Re: Anxiety?
« Reply #32 on: September 15, 2013, 10:37:37 PM »
Updates on my anxiety disorder. My blood test show that I actually have low Vitamin D levels. I was prescribed to take 2,000 units of Vitamin D. Turns out that you tend to be depressed when you are low of this Vitamin D. Hayun, hindi na ako inaatake. Actually, very rare na lang at mild form na lang.
"Do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own" ---Matthew 6:34

cm012

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Anxiety?
« Reply #33 on: September 17, 2013, 08:41:15 AM »
Extremely High ang pagiging Hypochondriac ko. It's a good thing I found this thread. Akala ko ako lang mag-isa nagsa-suffer ng ganito. I don't wanna live like this. Halos lahat ng nararamdaman ko feeling ko hindi dapat.

Hindi naman ako dating ganito nag start ito just 2 months ago, sobra ang stress ko because my mom is a hypochondriac and she "doctor shop". Meron naman talaga syang signs and symptoms ng mga sakit na sinasabi nya but the doctor/s said normal lang naman lahat sa kanya.Hindi ko akalain na mas magiging worse pa ako sa kanya. Nagkakaroon na rin ako ng axiety attack na sobrang nagpapahirap sa akin, every morning. Isa lang naman daw ang gamot sa akin. "Peace of mind". But kahit na anong gawin ko ang hirap hirap para sa akin na magka peace of mind. Pag inaatake na ako, wala na akong magawa kundi magdasal na lang at isipin na malalampasan ko din ito. But lately, kapag inaatake ako at wala ang partner ko sa tabi ko, mas nakaka-isip ako ng masama. Parang gusto ko na lang mag-suicide. I really dont want to live like this. Affected na ang lahat lalo na ang partner ko, my mom don't know kasi baka mas lalo lang madagdagan ang stress nya. Dumating na rin sa point na ayoko ng madaming tao. Madalas ako sa kwarto pero hindi naman ako nakakatulog. Isip lang ako ng Isip. In the middle of night nagigising na lang ako na nagpapalpitate ako. tapos hindi na ulit ako makakatulog.

Wala na akong magawa kundi magdasal. I hope this will end soon

joannevictor

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Anxiety?
« Reply #34 on: September 28, 2013, 04:35:24 PM »
I think I am suffering from health anxiety too. I've been in the ER countless times in a span of two months ( August - September ) because ang dami kong nararamdaman. Lagi din naman akong nadidischarge. Ang dami ko na ring pinuntahang doctor, cardiologist, IM, ENT sa tuwing may nararamdaman akong sakit. I think this started because january this year 2013, I lost my baby, iyak lang ako ng iyak that time because I can't believe what happened. After dwelling on the pain, nakayanan ko naman, then pumasok ako ulit sa work and normal na lahat. Then come May, nabuntis ako ulit, July nakunan ako. Pinilit kong maging okay after that, sabi ko hindi pa talaga para sa akin. Tapos just this August nagsimula na lahat ng nararamdaman ko, konting sakit lang nagpapanic na ako, nagpapadala agad ako sa hospital. Naaawa na ko sa husband ko kasi kahit tahimik lang siya alam kong napapagod na siya. Gusto ko sanang magpunta sa psychologist for some counseling para maovercome ko lahat ng nararamdaman ko kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako okay.

blushydamsel

  • from miss to mrs! i'm also a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
Re: Anxiety?
« Reply #35 on: October 09, 2013, 05:14:12 PM »
hi mga sisses. i was the thread starter.  :)
I can say that in God's grace, i cam completely healed. Simula ng ikasal ako, I became really happy (although tired from household chores, okay lang  ;D). Nakalimutan ko yung mga worries ko. Siyempre I always pray to God and to Mama Mary too. Kapag may sumasakit sa akin, I always pray and claim na wala lang yun, then I shrug the worries off. Nagkaroon na rin ako ng peace of mind, thank God. I don't know what happened but it just happened. I just pray alot, kahit whatever time of the day, kapag worried or what, I pray, then the worries and anxities won't go big and will go away.  :) Siguro naka help din yung nagkahilig ako sa sports. I work out like twice a week, I play volleyball, basketball with my husband, and I laugh a lot. I watch feel good movies, cartoons (yes I do and I'm 29!) and everything that makes me laugh. I got a puppy who is now a dog whom I consider as my bestfriend (aside from my mom, sis and hubby)  :) My dog really makes a difference, promise. :)  I eat what I want as long as they are healthy but I do binge into unhealthy foods sometimes like milk tea, cakes and chips - but that's okay!  :D As long as it feels good for me and I don't do it everyday, that should be fine.

Ayun lang mga sis, share ko lang yung mga nangyari sa akin  :) Pero ang big part talaga ng pagkakaroon ko ng peace of mind is giving our worries, fears and anxities to Him. Let Him take the wheel, Let Him drive our lives. In Him, we are always safe and sound. In Him we can never go wrong.  :) God bless mga sisses and I pray that God would bring peace to your hearts, same thing He did for me and for many people who ask it from Him.  :)


 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.