hello sis BABYKAT: di ko rin alam kasi siguro ang mga hubby natin sanay na sila ang inaasikaso
natin lagi, pinag sisilbihan... si hubby mo ba, ilan sila sa family?? ang hubby ko kasi mag isa lang siyang
lalaki..... 4 sila, and super spoiled siya sa mga kapatid niya....
ganyan din ang asawa ko watching tv for sure ang magiging routine niyan pag dating niya dito
in 2 weeks time..... kesyo napapagod na daw siya dun, atbp.
kagabi, talagang umiyak na ako, kasi sabi ko ako rin naman marunong din mapagod, ayaw ko
kasi minsan tinatago ko na lang nararamdaman ko kasi... maikli lang ang buhay baka bukas hindi
na ako magising... LOL
last year nung dumating siya first day pa lang niya nag drive dito at trapik pagod na daw siya..
ako naman daw ... hello , ako nga isang taon ako nag dridrive ng wala siya..
mahirap talaga sis, sabi ng mga iba kong friend at nababasa sa book, parang ang hirap hirap
na hindi tayo dapat pwedeng umangal.. wala tayong karapatan..
tayo ang mga SUPERWOMAN na tinatawag...
Pero sa totoo lang, dapat open tayo sa mga asawa natin. Pag usapan pero dapat yung maayos ang mga boses para di magkatampuhan. Para aware din sya kung ano ang mga sa tingin mo ay nagbabago sa samahan nyo. Wag natin silang gagawing manghuhula, mahirap yun.
katulad nga ng sabi ni sis runawaywithyou... maging open daw tayo on what we really feel, ang hirap kasi pag iniipon, parang bulkan na sasabog.. haaaaaaaaayyyy..
balitaan mo ako sis ha... i hope nakatulong ako sau.
