well ang pinaka painful naman talaga ay yung first. He was my 1st bf for 6 years. Nag livein na din kame for 2 years and ikakasal na sana october this year.
Ok lahat for me, pero sa kanya hinde na pala. Nagulat nalang ako nakikipag break na sya, kase gusto lang daw nya mapagisa. At first pumayag ako kase baka nga nagkakasawaan na. KAse sa 6 years lage talaga kame magkasama, as in everyday.
Nasa opis ako nung nilapitan ako ng officemate ko. He said nakita nya si Bf sa sinehan may kasama girl. Deny to death pa ko nung una na hindi sya yun pero super lakas ng pakiramdam ko na totoo yun.
Nasakanila pa lahat ng gamit ko that time and may susi pa ko ng room namen, so after office dumerecho ako sa kwarto, at ewan ko ba sa dinami dami ng bag nya sa taas ng aparador nakuha ko yung bag na yun na may 2 ticket ng sinehan at dated yesterday (nung day na yun). Iyak ako super.. Lumapit ako sa mom nya, pinakita ko yung nakuha ko sa bag nya, pati mom nya super shock. Nagiyakan kame ng mom nya, (nahawa sa kakaiyak ko)

hinintay ko sya umuwi, at 11pm na sya nakauwi from 1pm nya na out sa opis, nagusap kame, inamin nya na may iba na sya nagustuhan, at kaya sya late kase hinatid nya pa sa batangas yung girl. Iyak lang ako ng iyak mga sis, para ako batang wala ng nasabi iyak nalang ng iyak.
After non, since na inamin na nya na may babae sya. Pinapalayas na nya ko. Kinuha nya lahat ng damit ko, inimpake nya then pinapalayas ako. Di ako pumayag, (ang tang* ko talaga that time.) Ginawa nya para umalis ako kinuha nya photo albums namin tapos isa isa nya pinunit mga pix namin sa harap ko. Nagmatigas paren ako, di paren ako umalis, gulong gulo ako that time talaga. Sinabihan nya ko "BOBO" etc etc. Sumingit na mom nya kase naaawa na sakin mom nya, sabi ng mom nya "anak ano ba nangyare? bakit may babaeng involve?" sagot nya "mom, biyaya na ang lumapet, ikaw ba mom pag dumating biyaya sayo tatangihan mo ba?" niyakap nalang ako ng mom nya tapos iyakan kame. Yung dad nya nag walk out kase di na kinaya yung mga pangyayare. Nag decide na ko umalis nung narinig ko na yung "biyaya" thing. Lahat pala ng ginawa ko sa kanya di pa pala biyaya. Super ouch kaya tinext ko na bestfriend ko, nagpasundo na ko.
After that ni sorry wala ako narinig sa kanya. Sya pa nag cut ng mga connection namin. Nagtry ako kausapin sya or ayusin pero ayaw nya talaga makipag usap, muntik na masira buhay ko dahil dun, kahit gutom ako wala ako gana kumain, daig ko pa may sakit. Lagi din ako absent sa depression, buti nalang may taong kumausap sakin masinsinan at pinakita ang reality sakin. Unti unti ko inayos sarili ko, kahit nalulungkot ako smile paren, basta bigla nalang ako nagising isang araw na sinabi ko sa sarili ko THIS IS TOO MUCH! and I DONT DESERVE THIS!. Dami kaya nagkakagusto sakin para sayangin ko lang sa kanya. Haller!!. Hahaha, In short nag ayos talaga ako, as in ginamit ko yung slim ko na body para mag model, hahaha, bumalik na ko sa pagbabanda na pinigilan nya ko dati kase puro daw boys kasama ko. Hahaha.
Nagkasalubong kame one time pauwi ako from work, ewan ko san sya galing, as in napahinto sya nung nakita nya ko, ako naman kunware di ko sya nakita, buti nalang madami tao, dumaan pa ko sa gilid nya (papansin) tapos sya talagang hinaharap nya muka nya sakin, pero kunware parin ako malayo tingin ko. hahaha.. Bahala sya ngayon..
7 months palang ako single pero masasabi ko ok na ko. Di ko na sya hinahanap hanap, minsan naalala ko sya pero gang dun nalang yun, napapa smile nalang ako pag naalala ko yung past. Masaya na ko for him kase balita ko ikakasal na sya. Buti nalang at kahit ganun ugali nya nakahanap paren sya na magmamahal sa kanya. Sana na lang wag nya ulitin o gawin sa girl na yun ang ginawa nya sakin. God Blessed him.
