Get weekly updates via email!
tip of the day THU 20 JUN 13
Having trouble keeping up with your schedule at work? Don't be afraid to ask for help. It will lessen your load and give you room to
  • Good House Keeping
    It's our newlywed special!
    Check out Cheska and Doug Kramer on the cover of our June issue! Find out how to turn stress into energy, and more about the Kasambahay Law!
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Small Spaces and Organizing
    From the A-Z of decorating to 78 small space secrets, creating the ideal hope just got easier with the June issue of Real Living.
    Real Living
GIRLTALK

Author Topic: fertility dance.. obando bulacan  (Read 24483 times)

misisef

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #200 on: May 18, 2012, 02:59:46 pm »
buti pa kayo nakabalik. kami hindi na, kasi me mga pasok na kami. dami nga tao kahapon. masaya pala dun. lalo na ng nasa simbahan,. masarap sana kahit lakad lang sa prusisyon. dun kami kay st. pascual dahil sabi dito dati patron of childless couple sya. kaso nung prusisyon na, hirap magdasal kasi [textspeak!] mga bata sa likod namin kwentuhan ng kwentuhan, mga teenagers pa lang, ang lalakas ng boses. wala ginawa kung di magkuwentuhan buong prusisyon, buti na [textspeak!] nung pabalik na, wala na sila. sana lang dinggin ang prayers namin ni hubby kasi ngayon lang sya sumama sa ganito at kusang-loob, hindi man sya masyadong sumayaw e hindi ko naman sya naringgan ng reklamo e ubod ng reklamador yun, masaya naman sya lalo na nung nagsasayawan sa simbahan at asa harap kami ni san pascual kahit pawisan na sige ang talon ng lahat .masaya naman talaga. gusto ko sana bumalik kaso baka wala naman ako balikang trabaho paano na kami ng baby ko(kung mgkaron na bigla hehe)

cel_lim

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #201 on: May 18, 2012, 04:07:12 pm »
Hello mga sis!

Hubby and I attended mass and procession earlier.  Our first time! kakaiba ang crowd.  Sayang nga medyo mahina and nawawala wala yung tugtog kaya di masyadong nkakasayaw mga tao.  Kmi pa yung nabibitin.  Umulan at umaraw, go pa din!  We are devotee of St. Clare ever since, kaya tlagang naniniwala kmi na she will help us to grant our desires na magka baby.  After all, lahat ng hiniling ko saknya binigay nya.

Baby dust to us all na TTC!  ;)

palamig

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 167
  • gusto ko ng baby...
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #202 on: May 18, 2012, 04:27:58 pm »
nakakainggit naman buti pa kayo nakapuntaba hanggang bukas yung pista hindi ba?

sallee

  • i'm forever...
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 158
  • i love coupdetat ;)
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #203 on: May 18, 2012, 06:09:52 pm »
super sulit pumunta.. ang saya-saya lalo na sa loob ng simbahan.. kahapon, ako lang mag-isa kasi di puwede mag-leave si hubby.. na-OP ako kahapon kasi wala ako partner  :P nawawala ako sa linya.. wala nga gaano sumasayaw kasi hindi marinig yung combo pero kapag nag-stop, dun meron nagsasayaw kasi nakakalapit sila sa combo..

kanina kasama ko na si hubby and nagtataka siya bakit walang sumasayaw.. yes umulan pero gora lang kahit mabasa.. blessing din naman yun eh.. sacrifice lang talaga sis.. and nagulat ako kay hubby kasi di ko inexpect na ganun ang magiging participation niya sa feast.. lalo na nung nasa loob.. sana nga mabless na tayong lahat dito ng anak.. :) kahit isa lang.. pero kung puwede humirit, baka puwedeng dagdagan...  ;D

plan ko is pumunta tom, kaso pagod na ngayon since birthday ni hubby kaya eto nagprepare pa ng handa niya..

katuwa kasi yung ibang nakita ko kahapon, eh nakita ko rin kanina.. sis monlin baka nga nagkita tayo kanina eh.. same tayo ng arko na sinasabayan and kahapon sa likod lang din ako ng arko ni San Pascual nakakapit at kanina, sa likod kami ni Santa Clara...

same rin ang time ng procession tomorrow, 8am din.. may procession din sa gabi pero walang sayaw...

God's delays are not God's denials.
God's timing is PERFECT.
PATIENCE is what we need in prayer

m0nlin

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
  • kakapagod naman ng avatar ko hehe
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #204 on: May 18, 2012, 09:34:20 pm »
@sis palamig yup sis bukas meron pa kay Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion de Salambao naman.
@sis salle oo nga eh yong nakita ko rin nung first day nakita ko rin kanina,malamang sis nagkita nanga tayo kasi tama ka pareho lang tayo sis ng arko na sinusundan at nakahawak pa sa arko,yong sobre nga pala na binibigay dun sa simbahan nung una kumuha ako at may laman picture ni st.pascual tapos may dasal na sa likod,tapos kanina kumuha ako ulit nagulat ako picture ni santa clara at may dasal din sa likod sabi ko buti na lang kumuha ako dahil kung hindi hindi ko malalaman na iba iba pala ang laman ng picture kada araw.bukas kay Nuestra Señora de  Salambao namang arko ang susundan namin,sana nga bigyan na tayo lahat ng mga baby.triple nga gusto ko  hahhaha!! pero kung isa ok lang naman sakin basta meron diba at malusog  ;D dahil sunod naman ulit yong iba  ;D
hope for the best

ladybunny_janet1272

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #205 on: May 19, 2012, 12:55:59 pm »
Sobrang saya ng prosisyon kanina kahit na super lonely parin kami ni hubby dahil sA pagkawala ni baby pumunta parin Kami nanghihinayang Ako na hinde Ako nakapunta Nung unang dalawang araw. Yung mga mag asawa bigay todo sA pagsayaw kaya pati kami nadamay yung mga bata sinisigawan si hubby na f4 hehe. Nung nagsulat Ako para sa pamisa tinanung Ako Nung naglilista Kung me anak na kami gusto ko maiyak sabi Nya hayaan ko daw next year pag balik namin Meron na tapos binigyan Ako ng novena ni sta. Clara super na touch Ako sA Kanila, Sana pagbalik ko next year kasama na namin si baby. Sa mga sis ko na nagpunta sayang hinde tayo nagkita kita tuwing me couple iniisip ko taga GT kaya itong mga Ito.

Sticky baby dust. I know we will be good mommies.
1 Samuel 1:27
I prayed for this child, and the LORD has granted me what I asked of him.

angelshines

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #206 on: May 19, 2012, 01:26:03 pm »
^sis, San ka nagsulat para sa pamisa? Di kami nakalapit sa harapkasi super dami ng Tao, dun Lang kamisa dulo sa may pinto na. Naiisip ko nga rin na Taga GT rin yung Iba dun, hehe

ladybunny_janet1272

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #207 on: May 19, 2012, 01:34:18 pm »
Dun lang din sa labas sis si Manong inabutan Ako agad ng sobre at kinausap Ako
Siguro sign yun na wag kami mawalan ng pagasa ni hubby. Sayang sis hinde tayo nagkita super saya talaga ng prusisyon kahit mainit ok na ok. Naka hawak ka ba Kay sta. Clara at Kay San Pascual?
1 Samuel 1:27
I prayed for this child, and the LORD has granted me what I asked of him.

angelshines

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #208 on: May 19, 2012, 05:03:04 pm »
Hi sis, Hindi Ako nakahawakeh :( sa dami ng Tao... At di ko rin maabot eh haha

ladybunny_janet1272

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #209 on: May 19, 2012, 09:16:05 pm »
Oo nga mataas Ako din dun lang sA baba super pray Ako Kay sta Clara Nung pag labas ni sta Clara humawak na agad Ako. Sobrang nag enjoy Kami ni hubby.
1 Samuel 1:27
I prayed for this child, and the LORD has granted me what I asked of him.

marygabriellee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 57
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #210 on: May 19, 2012, 10:29:33 pm »
hi mga sis!

it was our first time to attend the fiesta in obando. ang saya! rain or shine tuloy pa rin. kahit sobrang umitim na, mabasa at pawis na pawis basta sacrifice lang para magkababy. gulat din ako kay hubby kasi mahiyain yun pero sige sayaw lang sya. 3 days kami nakifiesta and everytime we enter the church naluluha kami and parang kinikilabutan. it was really a wonderful experience! i believe that the Lord will answer all our prayers.

sticky baby dust to us all would-be-moms!:)

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1584
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #211 on: May 19, 2012, 10:54:02 pm »
o mga sis, basta post kapag may baby na ha ;D  intayin ko iyan
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

ja9

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #212 on: May 20, 2012, 10:33:12 am »
Hi! I'm new here but i've been reading your post for the past 7 days. thanks for all the info it's really a big help. We attended the  3 day mass and procession super happy  and felt blessed kami. we're very excited every morning to wake up and attend the mass, and the dance.. super nakakamiss nga e kahit lagi kaming pagod. First time din namin ni hubby ;) I know all our prayers will be granted, ang magkababy! ;D see you all next year for the Thanks giving naman! :- :-*
« Last Edit: May 20, 2012, 10:35:51 am by ja9 »

m0nlin

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
  • kakapagod naman ng avatar ko hehe
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #213 on: May 20, 2012, 12:15:07 pm »
thank u lord at natapos din namin yong 3 days na fiesta  :) nakompleto namin ni hubby na sumayaw sa loob ng simbahan na nakahawak sa arko ni st.pascual,santa clara and senyora salambao.yong last day namin ako naman ang binuhat ni hubby para makakuha ng flower kay senyora salambao  ;D kahapon mangiyak ngiyak ako kay senyora salambao kasi sabi ko last day na namin sana pakinggan at pagbigyan na ang ating mga hiling  :) ako rin pag nakakakita ng mag couple naiisip ko rin na taga GT kaya sila ;D kanina sa kabayan sabi ni hubby yong couple na kumakain nakita nya raw sa obando,at namukhaan nya talaga ha  ;D ewan ko lang kung namukhaan din kami ng mag couple na yon  ;D
hope for the best

jhoanne11108

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 111
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #214 on: May 20, 2012, 07:07:49 pm »
hi mga sis, sana pala 1st day pa lang ng feast sa Obando nag meet-up na tayo para masaya sabay sabay tayong hihiling ng baby :)
In God's perfect time!!!

ladybunny_janet1272

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 166
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #215 on: May 20, 2012, 08:22:53 pm »
Oo nga mga sis sana nagkita kita tayo mukhang Mas masaya kung magkakasama kayong sumasayaw. Next year kita kits tayo
1 Samuel 1:27
I prayed for this child, and the LORD has granted me what I asked of him.

m0nlin

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
  • kakapagod naman ng avatar ko hehe
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #216 on: May 20, 2012, 10:52:25 pm »
oo nga pala dapat nagkita kita pala tayo,kung nataon isang grupo tayo na taga GT  ;D balitaan na lang sis ha kung sino na preggy  ;D sna sabay sabay tayo mabuntis para next year kita kitz naman tayo pasasalamat naman  oh diva  ;D
hope for the best

pillowski

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 243
  • Life is a long lesson in humility.
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #217 on: May 21, 2012, 06:05:23 am »
Hi TTC sisses, luckily we were able to made it the last day, Mass and procession, masaya naman kami feeling ko bibigyan na rin kami. No show pa rin si AF kahit ang layo ng nilakad, ako naman pinandigan ko faith ko, hihingi talaga ako at mamamanata if dun ibibigay ang precious baby....sobrang nagkaligaw ligaw pa kami.

Nasa likod kami ni San Pascual. Kapag nakakakita rin ako ng couple, naiisip ko rin if GTier.
I never knew how to worship until I knew how to love.

saj

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #218 on: May 21, 2012, 07:27:23 am »
we were there din ni hubby and mom..first time!

nung misa hindi kami nakapasok sa loob sobrang dami ng tao..pero nung communion carry na..siksik kung siksik..dun na hindi na ako lumabas humawak na ako kay sta. clara..tapos nagprocession..carry lang sa init at dami ng tao..salamat nga kay Papa Jesus na hindi umulan..

ang nakakatawa nga kasi si mom nagutom kakain muna daw kaya nauna na kami sa church para sa misa..tapos hindi na kami nagkakitaan kasi kay Our Lady of Salambao daw sia sumama sa procession, e kami kay Sta. Clara. Sumama nga daw sia dun sa mga matatanda na nakacostume. Aun pinapunta daw sia sa gitna nila at dun sila nagsayaw. enjoy daw!

after ng procession punta agad kami sa may altar..kasi nagpupuntahan [textspeak!] mga tao..sunod naman kami ni hubby..tapos nagsayaw..grabe!sobrang touching!parang ayaw na namin matapos [textspeak!] sayaw..hay!hangang ngaun naiiyak pa din ako kapag naalala ko un..

claim na natin mga sis!bibigyan na tayo nila Our Lady of Salambao, San Pascual at Sta. Clara ng baby!  :D

lhentweety

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: fertility dance.. obando bulacan
« Reply #219 on: May 21, 2012, 10:17:52 am »
hi mga sis, nandun din ako nung second day super saya nakaka overwhelm un pagtanggap ng mga tao sa obando sa mga dayo. first time [textspeak!] ng hubby ko punta sa obando, 5years na kaming walang anak and nagtry kay st. claire na sana mabigyan kami kahit isa [textspeak!]. sarap ng feeling after ng prosisiyon , i almost cried kasi hindi ako makapaniwala na nakaya ko un haba ng prosisyon at [textspeak!] ulan at init... sarap ng feeling after lalo na un binebless na un mga couples na gusto magkaanak after nung prosisyon .. nasa likod pala kami ng karo ni st. claire nung prosisyon as in malapit na malapit kay st. claire, baka kasi may mga nakasabay pala kami na taga GT dun.. sana next year makabalik ulit kami, mas masaya siguro if sama sama ang lahat ng taga GT..


baby dust to all of us ...

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
FN Exclusive: Behind the Scenes at Doug and Chesca Garcia-Kramer's Cover Shoot for Good Housekeeping
See what happened during this lovely couple's shoot for the magazine's June 2013 issue.
Wedding Wear Decoded: How to Dress for Beach, Garden, and Hotel Weddings
Get into a celebratory mood with these chic options!
Which novel would make for a great rainy day read?
The rainy season's upon us! Stay warm and cozy indoors with a great read. Take this quiz to find out which novel suits you best.
Carolyn, Enid, and Elizabeth: the Perfect Rainy Day Companions
FN staff writer Jen shares how rainy days helped shape her childhood.
Pop of Pink: Two Fab Makeup Looks Featuring Leona Lewis x The Body Shop
We shine the spotlight on the cruelty-free products with this tutorial.
DMCI DMCI