^and^^ thanks mga sis!
Naku, pag napigilan ang paglabas ni baby at pinauwi kami, nakikita kong nakakulong na naman ako sa kwarto at bawal bumaba. Bed rest lang. Higpit pa naman ni hubby.
Pero sana nga maging ok na. Kung di man kayanin ang pagpigil at kinakailangan ng ilabas si baby, sana lang makaya ni baby, yun lang naman ang worry ko eh. Kaya k naman yung pain and procedures na pagdadaanan, si baby lang talaga iniisip ko.
Overnight observation ko naman, every 30-45 minutes ang pagcontract ng tummy ko. Sana mabawasan naman, at maging ok na. I can still feel my baby's movement, and sa fetal monitoring ng mga nurse, normal naman yung heartrate nya average n 145-150bpm. Nakadextrose pa din with isoxilan, last shot nung IM kanina. Soft diet pa din simula kagabi. Sana magkaroon ng improvements today.
