Get weekly updates via email!
tip of the day WED 03 SEP 14
When you read the newspaper in the morning, check out the funnies too--they'll put a smile on your face before you head for work.
  • Good House Keeping
    Forever young Cheska Garcia-Kramer talks about her stay-gorgeous secrets, mommy bliss, and the surprising success of #TeamKramer in the August issue a.k.a. the Anti-Aging Special of Good Housekeeping!
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Build the confidence to strut in a pair of jeans with our 28-day pound-shedding, lean muscle-building workout, and learn the best cuts for your body type with our easy style guide.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?  (Read 36331 times)

angelshines

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #20 on: April 15, 2011, 09:04:49 PM »
nakaka-inspire si sis jhenrheign, be thankful kahit wala pa, sabi nga di ba "claim it!"

sis TS, be strong and mas matuto ngitian na lang yung mga nagtatanong ng ganun. nakaka-pressure na nga makabuo, dadagdag pa sila, hehe. pero yun nga di rin maiiwasang ma-depress at malungkot. kami ni hubby ttc palang tapos i found out of my endo. sad pero mahabang patience talaga since i need to go under medication pa muna, so di pa pwede mag ttc. ayun, nakakatuwa lang pag ganyang nakaka-frustrate saka ka may makikitang  mga babies at madalas pa makakasalubong ng buntis. hay, bongga pero a simple prayer will help you get through :) as in. talaga naman pinagpe-pray ko na kunin ni Lord lahat ng depression, lungkot na nararamdaman ko regarding pagbe-baby... mag super pray ka talaga para maka-cope sa mga ganyang situation. its okay to be sad, di ka nag-iisa... pero alalahanin na yun nga, mas masarap na sa pinagdadaanan nating mga ganito, alam natin na mas love tayo ng hubby natin :)

*bow* hehe
Baby blessings to all!

simply_wife

  • a happy mom to my sweet little princess...
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 71
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #21 on: April 16, 2011, 09:07:16 AM »
sis cuddly: we're on the same boat sis... ako 5 yrs and 4 months na TTC. may PCOS ako and turning 33 this june.. and i will say it's not easy. the roller coaster of emotions and depression is there, minsan nga para na akong luka-luka kasi minsan kinaksausap ko tummy ko and lagi ko hinihimas pero syempre pag ako lang mag-isa or kami lang ni hubby. I cried every time my period comes pero sa katagalan, masasanay na rin tayo.. pero the feeling of depression and disappointment is on and off. minsan nga naiiyak ako pag may nakikita akong bata na minamaltrato ng parents nila and yung mga pinapa-abort or tinatapon, parang kinukurot puso ko pag naririnig ko yung news na ganun.. sabi ko nga, sana binuhay nalang nila at binigay sa akin.. tatanggapin ko ng maluwag.

i think it's a natural feeling na mainggit, though alam naman natin na d magandang value yon.
minsan iniisip ko nalang na maybe it's not yet the right time for us to have a baby yet.. Si Lord lang nakaka-alam ng lahat. and everything has a purpose.

sa mga insensitive people around us, we can't do anything to change them or maybe they don't really mean what they say.. sometimes people hurt us with their words unintentionally. we can't please everybody and it is not our obligation to tell them everything. i just choose a few friends na pinagsasabihan ko kung ano nangyayari sa work ups namin.. they understand me, they don't ask me anymore na "wala pa ba?"/ "bakit di ka buntis, sino ba may diperensya?"/ "oi, naunahan ka ni __." i hate those lines. what my really close friends would tell me which uplifts me is "darating din si baby mo" and "we are praying na magkababy ka na din".

hubby assures me na  may baby or wala.. walang magbabago sa love nya sa akin.

napahaba sis.. ;)


sis jhenrheign: got inspired with your story naman..

sa lahat ng TTC: Thank you, Lord for our babies! For God be the glory..
A hopeful TTC wife, trusting the Lord that one day, He will bless us the baby we are waiting...

Thank you in advance for our babies :-)

http://www.dataentryjobs.us/43981.html

cUddLY

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 232
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #22 on: April 17, 2011, 10:55:40 PM »
thank you mga sis! i didn't know na marami rami pala tayo. hearing your stories made me feel a lot better and less alone in this ordeal.

sis jhenrheign , your story is very very inspiring. thank you for sharing  :)

@ sis red_one : buti ka pa you feel happy sa mga balitang yan, ako hirap na talaga maging masaya pag may nababalitang ganyan. you're right, it's not our fault. it's just so hard not to feel sorry for ourselves noh kahit lam naman natin yun.

@ sis hairt mini : i can definitely relate to that. ayoko rin maglalalabas ngayon. wala talaga ko balak na pumunta in any of the family gatherings sa side ng hubby ko. i'm sure i will be bombarded again by the same questions and comments about how hindi pa kami nakakabuo and all that.

naku sis anne211, we're almost on the exact same boat. i just realized this now though, since hindi na sila umaasa satin for their first apo, shouldn't it take the pressure off then? di kaya dapat ganun nalang perspective natin? grabe naman yang uncle mo. dapat sa ganyan pinapako sa krus, maghholy week na naman. kidding!

i-eliminate mo lahat ng possible reasons why di kayo magkababy

thanks sis Lei_Glee . i'll be keeping this in mind. i know, naisip ko na rin mang block ng pregnant friend sa facebook. sa sobrang irita ko nga naisip ko pa sa friend ko na ano ba to napaka insensitive naman nito. di nya ba alam marami hirap magbuntis tapos sya araw-araw mag update sa fb about sa pregnancy nya na parang nananadya. but i knew i was the one who was being sensitive about it..


sis runea, you're right, everything happens for a reason. i'm hoping He makes us wise enough to see whatever that reason is...

sis palamig, pareho pala tayo naiiyak sa mga nababasa natin dito. kaya hinintay ko muna mag sunday bago ko mag log in para at least nasa kwarto lang ako  :) tama yang sinabi mo na babae lagi nasisisi. lam mo ba nung bago lang kami kasal yung lola (grand aunt) ng hubby ko nagtanong bat di daw ako mabuntis, na parang kasalanan ko nga. eh that time di pa kami nagpapa check up nun. tapos nung nagpa check-up na kami malaman laman namin si hubby pala may diperensya. but inspite of that, sa mga family get together nila, tinatanong pa rin nila ko na, wala pa ba, etc. na parang gusto ko sagutin minsan na itanong nalang nila sa pamangkin nila pwede sya naman yung may problema.

@ sis atty.rain : thank you for sharing. good luck on your HSG. yes, let's keep on praying..

sis princessleia , thanks. iisipin ko din ikaw nga more than 5 years na di pa nawawalan ng pagasa. pag ganyan na ba katagal nagttry nadadagdagan ba yung pressure or nababawasan naman? tingin ko kasi nagppeak na ang pressure samin since going 3 years na nga naman kami. pretty soon, macoconsider na rin namin yung possibility that we just might never have an angel and the pressure will go down then. pati na rin siguro yung mga taong nakapaligid satin di na rin mageexpect kaya tatahimik nalang, ganun ba mangyayari by 5th year?

hi sis honeys and sis angelshines , i feel the same way. only prayers can help and heal us.. just this week i started hearing wednesday (Mother or Perpetual Help) and thursday (St. Jude) masses again. it's the only way i can feel better, aside from reading your stories i mean  :)

thank you sis simply_wife, that was helpful. natawa ako dun sa paghimas himas mo sa tummy mo   ;D tama ka, we just have to choose the persons to be with. yung hindi nagpapa depress satin with those unnecessary questions. kasi nga naman, kung meron na talaga eh di dapat alam na nila di ba? either makikita nila sa tyan natin or nabalitaan na sana nila. what's the point in asking, lalo na kung paulit-ulit. i have a friend who's like that pa naman na everytime nagkakausap kami or lumalabas kami palaging nagtatanong nyan. you're all right, those who really care about us will not do that kasi alam nila nasasaktan tayo and they wouldn't want to add to the pressure.

sis incay, thanks!



naisip ko pala mga sis, next time somebody asks me bat di pa kami nakakabuo, i'll tell them, "wala na, di na kami mag-aanak" para tapos agad ang usapan and tumigil na sa pangungulit for good.

and i also started praying for all of us sis, na sana He grants babies to as many of us as He can. and to those who doesn't to give strength nalang for acceptance.

Manners are a sensitive awareness of the feelings of others. If you have that awareness, you have good manners, no matter what fork you use.

raven03

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 457
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #23 on: April 17, 2011, 11:50:49 PM »
last year, may nakausap ko, mom sya ng barkada namin ni hubby, nag kwento sya sa akin na may nakausap daw sya na madre... preggy na sya nun, sinabi nya sa madre na ipagdasal sya na sana boy maging baby nya kasi puro girls ang baby nya, ang sabi sa kanya ng madre, wag mo ihiling na maging boy ang baby mo, kundi ang sabihin mo ay "Thank God for a baby boy". And then ayun baby boy nga ang naging baby nya...

simula nung nakwento sa akin yun, nag start na din ako magdasal, pero ang dinadasal ko non, "Thank God for a baby." kahit san ako magpunta kahit anung oras basta naisip ko yun sinasabi ko yun... after ilang weeks, nalaman namin ni hubby preggy na ko uli... thru TUVs nalaman namin kung kelan sya nabuo kasi irreg ako eh, kaya sa ultrasound lang nalaman kung ilang weeks na sya... i counted the days, and alam mo ba, sa mismong date na kinuwento sa akin yun at nag start ko dasalin yun, yun yung mismong date ng conception nya... sobra akong natuwa... miracles do happen... wag ka lang mawawalan ng hope and faith...

I got goosebumps reading your post sis, I believe in the power of prayers too. Pero thanks for sharing I have a better way of praying now.

On topic, I recently found out that my bestfriend/cousin based in the US is pregnant na, we were born just 5 months apart and shared many milestones together, para na nga kaming twins. Nung sinabi niya sa kin na she is, although hindi kami seryosong TTC ni hubby. 3 days bago ako nakapag-react, parang nainggit ako na napag-iwanan ako. Inisip ko na lang, at least makakapag-enjoy pa kami ni hubby nang kami lang and I can help my sister finish university pa.
« Last Edit: April 18, 2011, 07:47:54 PM by raven03 »
Backreading is a virtue

philophobic

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 50
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #24 on: April 18, 2011, 06:26:13 AM »
I feel happy and more hopeful if i hear somebody is pregnant. At the back of my mind I'm the next one. Like what i have read about regine velasquez. At her age she got pregnant so there is a big chance ill be pregnant too. keep on praying and leave the rest to God.

lexenmel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #25 on: April 18, 2011, 10:21:19 AM »
hi mga sis! ttc here, too..
just like other sisses here, praying really helps to cope up.. nakakainggit nga pag may nababalitaan akong buntis na...minsan may nagsasabi sa akin:"naunahan ka na ni ...." ang sagot ko na lang - "di naman po ako nakikipag unahan"... or sometimes i just joke about it...

babydust sa ating lahat:-)

bluish_mommy

  • ako ang bluish na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2283
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #26 on: April 18, 2011, 10:25:50 AM »
At her age she got pregnant so there is a big chance ill be pregnant too. keep on praying and leave the rest to God.

basta eto ang iisipin nyo lagi mga sis... hanggat may ovaries, kahit 1 na lang yan, may pag-asa pa! keep your faith high! goodluck sa inyo mga future mommies =)

simply_wife

  • a happy mom to my sweet little princess...
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 71
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #27 on: April 18, 2011, 10:44:57 AM »
tama si sis younis.  and nothing is impossible with God.

sometimes, to ease the disappointment and frustration... i just pray and think of the nice things
that happens to me.. like [textspeak!] mga kulitan with hubby or kulitan with pamangkins.

wag tayo pa stress out sa mga taong insensitive.. i found strength and inspiration here in GT, i found virtual friends here na nakakaintndi sa akin..

Have a great day everyone!
A hopeful TTC wife, trusting the Lord that one day, He will bless us the baby we are waiting...

Thank you in advance for our babies :-)

http://www.dataentryjobs.us/43981.html

i_v_y

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 352
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #28 on: April 18, 2011, 01:33:42 PM »
ttc for almost 5 years here. I guess nasanay na din ako sa mag pregnancy news. Ngayon na alarm na naman ako dahil naunahan pa ako ni regine at ogie. anyways, kapag may buntis parang di ko alam kung msaya ba ako talaga or nalulungkot pero i guess mixed emotions.

jhenrheign

  • Proud to be a WIFE, a MOM and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 902
  • Finally, another baby, another blessing... :)
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #29 on: April 18, 2011, 01:43:37 PM »
palamig, angelshines, simply_wife, cUddLY, raven03- thank you mga sis for being inspired with my story, i hope kahit papano i was able to help you all, kasi i understand what you've been going through... just keep on praying, hoping and have faith...
a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN...

simply_wife

  • a happy mom to my sweet little princess...
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 71
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #30 on: April 18, 2011, 02:26:44 PM »
ttc for almost 5 years here. I guess nasanay na din ako sa mag pregnancy news. Ngayon na alarm na naman ako dahil naunahan pa ako ni regine at ogie. anyways, kapag may buntis parang di ko alam kung msaya ba ako talaga or nalulungkot pero i guess mixed emotions.

hi sis! pareho tayo, more than 5 yrs na kami TTC. i know how you feel kasi ganyan din ako, maybe it's because we are wishing na sana tayo din mapreggy na and expecting na mauna tayo kasi matagal na tayong married and until now wala pa din. Pero God has a purpose for everything naman.. our time will come..

Sa homily nga ng priest kahapon, sabi nya, lahat nga ng paghihirap at sakripisyo natin ay may katapusan like what Jesus have experience.. so we need to be patient and keep our faith to the Lord, that our little angel will be given to us soon..  :)

Thank you Lord for our healthy babies! Amen..
A hopeful TTC wife, trusting the Lord that one day, He will bless us the baby we are waiting...

Thank you in advance for our babies :-)

http://www.dataentryjobs.us/43981.html

bhey0624

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 514
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #31 on: April 18, 2011, 03:14:07 PM »
yes, I already have a 4 year old daughter and Im pregnant again now... But before I got pregnant again almost 2 years kami nag try na magkaron uli ng baby... sobrang nakakalungkot minsan na you want to get pregnant then malalaman mo preggy yung friend mo or relatives mo,  nakaka disappoint minsan... pero what i do para di ako ma depress is nagpapray lang ako... ayoko din kasi ma pressure ako, pag stressed kasi may effect din minsan para di maka conceive... sabi ko kay God na sya na ang bahala kung bibigyan nya kami uli ng baby... minsan ayaw ko na din mag expect...

last year, may nakausap ko, mom sya ng barkada namin ni hubby, nag kwento sya sa akin na may nakausap daw sya na madre... preggy na sya nun, sinabi nya sa madre na ipagdasal sya na sana boy maging baby nya kasi puro girls ang baby nya, ang sabi sa kanya ng madre, wag mo ihiling na maging boy ang baby mo, kundi ang sabihin mo ay "Thank God for a baby boy". And then ayun baby boy nga ang naging baby nya...

simula nung nakwento sa akin yun, nag start na din ako magdasal, pero ang dinadasal ko non, "Thank God for a baby." kahit san ako magpunta kahit anung oras basta naisip ko yun sinasabi ko yun... after ilang weeks, nalaman namin ni hubby preggy na ko uli... thru TUVs nalaman namin kung kelan sya nabuo kasi irreg ako eh, kaya sa ultrasound lang nalaman kung ilang weeks na sya... i counted the days, and alam mo ba, sa mismong date na kinuwento sa akin yun at nag start ko dasalin yun, yun yung mismong date ng conception nya... sobra akong natuwa... miracles do happen... wag ka lang mawawalan ng hope and faith...

very inspiring sis! i will definitely share this to a friend who's been trying to conceive for more than a year now. 

mga sisses, napadpad lang po ako sa thread na ito :) i actually have a 15 month old baby.. i like this kind of topic kasi, as i've mentioned i have a friend who's been trying to conceive and baka nagiging insensitive na ko sa kanya. reading this kind of posts making me realized what are the DOs and DON'Ts.. plus ini-imagine ko kasi isa ako sa inyo, i'm trying to put myself in your position... basta hirap pong i-explain but i hope you won't misunderstood me..

and please don't get us (mga mommies) wrong if we update/post pics of our babies sa fb or any social networking site, thankful lang po kami sa blessings and medyo proud lang po  ;D

after giving birth to my son, i actually prayed that all married couples na magka-baby. i thought that they deserve such a wonderful blessing..

BABY DUST TO ALL! (sana lucky ako  :) )

melisande

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
  • just one breathe is a million sighs..
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #32 on: April 18, 2011, 03:36:53 PM »
yes, I already have a 4 year old daughter and Im pregnant again now... But before I got pregnant again almost 2 years kami nag try na magkaron uli ng baby... sobrang nakakalungkot minsan na you want to get pregnant then malalaman mo preggy yung friend mo or relatives mo,  nakaka disappoint minsan... pero what i do para di ako ma depress is nagpapray lang ako... ayoko din kasi ma pressure ako, pag stressed kasi may effect din minsan para di maka conceive... sabi ko kay God na sya na ang bahala kung bibigyan nya kami uli ng baby... minsan ayaw ko na din mag expect...

last year, may nakausap ko, mom sya ng barkada namin ni hubby, nag kwento sya sa akin na may nakausap daw sya na madre... preggy na sya nun, sinabi nya sa madre na ipagdasal sya na sana boy maging baby nya kasi puro girls ang baby nya, ang sabi sa kanya ng madre, wag mo ihiling na maging boy ang baby mo, kundi ang sabihin mo ay "Thank God for a baby boy". And then ayun baby boy nga ang naging baby nya...

simula nung nakwento sa akin yun, nag start na din ako magdasal, pero ang dinadasal ko non, "Thank God for a baby." kahit san ako magpunta kahit anung oras basta naisip ko yun sinasabi ko yun... after ilang weeks, nalaman namin ni hubby preggy na ko uli... thru TUVs nalaman namin kung kelan sya nabuo kasi irreg ako eh, kaya sa ultrasound lang nalaman kung ilang weeks na sya... i counted the days, and alam mo ba, sa mismong date na kinuwento sa akin yun at nag start ko dasalin yun, yun yung mismong date ng conception nya... sobra akong natuwa... miracles do happen... wag ka lang mawawalan ng hope and faith...


nakakinspire naman po ang kwento mo :)
im sure to everyone who read this will have this sort of hope and faith na someday they will have a little angel too .
'Thank God for a baby'
I can't go back and make a brand new start, but can start from now and make a brand new ending

a_y_e_n

  • I'm on PMS (Purchasing More Shoes) mode. i love being a newbie mommy and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
  • a girl can never have too many shoes!
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #33 on: April 18, 2011, 04:45:20 PM »
i know the feeling yung may nangungulit kung bakit wala pa baby. dumaan din kame dyan eh. im thankful na im pregnant right now and ako naman naiinis pag kinocompare ako sa sis in law ko na naunang ikasal samen pero TTC pa din.

lam ko kase na yung mga TTC couples are sensitive about this. dahil na din sa mga thread na kagaya nito.  i feel bad for her kase lagi sila nakakantyawan ng mga relatives namin. sana nga magkababy na din sila.

pero while wala pa, masasabi ko lang sa TS, try to appreciate nalang muna kung ano yung meron kayo na wala ang mga couple na may anak, like alone time together. that this as an opportunity na makapagtravel or do something na di nyo na magagawa pag may baby na. baka kase pag lalo ka affected sa mga sinasabi ng iba, baka makadagdag lang sa stress on conceiving a baby.

anyway, i really really do hope magkababy na ang TTC couples.
there once was a little girl who never knew love until a boy broke her HEART
http://kerenkeng.blogspot.com/
http://mylomolove.blogspot.com/

cUddLY

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 232
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #34 on: April 18, 2011, 07:27:58 PM »
thank you a_y_e_n and bhey0624 for being considerate. sana marami matulad sa inyo na naiisip that it's bad enough for us na hindi magka baby, and it gets really worse when we're confronted unnecessarily about it.
Manners are a sensitive awareness of the feelings of others. If you have that awareness, you have good manners, no matter what fork you use.

anne211

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #35 on: April 18, 2011, 09:01:24 PM »
mga sis - regarding sa posting on FB ng mga pregnant women, i also feel the same way, di ko lam kung matutuwa ba ako o hindi...di ba nga i have 2 sis-in-law na parehong pregnant and everytime we see each other, they always show me their ultrasound result updating me about their babies, everytime they do that i can't help but think na napaka-insensitive naman nila pero on the other hand, alam ko rin na excited lang sila and they just want to share the good news with me, hay...mixed emotions to the max talaga...pero what can i do, part of their family na ako and we see each other regularly pa...

i recently found out din that my friend (who is also TTC) is pregnant, syempre happy ako for her kasi almost 1 year din syang nag-antay at APAS pa sya...we have the same OB kaya masaya na rin ako kasi ibig sabihin magaling ang OB namin, haha!

babies, babies and more babies for all of us!!! :)

 

kettlekorn28

  • a very happy wife & mom and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 789
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #36 on: April 18, 2011, 10:37:08 PM »
hay, mahirap talaga mag-cope up especially kung halos lahat ng mga kakilala/kaibigan mo ay nabubuntis ng walang kahirap-hirap. honestly, naiinggit ako sa kanila. kasi yung iba, a month after the wedding buntis na. yung iba, bago ikasal, buntis na rin. hay...walang kahirap-hirap! samantalang ako, ngayong month (last week of april), 4 years na kaming kasal ni hubby, at eto, wala pa ring swerte sa pagkakaroon ng anak.

naikwento ko na rin minsan sa isang thread yung ginawa sa akin ng isang mahaderang ale sa baranggay namin. sukat ba namang sabihan ako ng "hoy bakit di ka pa rin nagbubuntis. BAOG ka siguro ano?" grabe, sa harap pa ng ibang tao. eh di ko naman sya kaano-ano tapos sasabihan nya ako ng ganun.

tapos yung sa FB, yung mga nagpo-post ng mga results ng ultrasound nila, tapos pics ng mga baby nila afterwards, hindi ko na tinitingnan. parang lalo lang ako naaawa sa sarili ko. tapos one time, may isa akong facebook friend na nagpost na kesyo mahirap daw yung first pregnancy nya, na ang pinakapangit na parte ng pregnancy ay ang pagkakaroon ng stretchmarks. naku, nung nabasa ko yun, gustong-gusto kong mag-post ng comment. sa isip-isip ko lang, masyado kang mareklamo, samantalang napakaraming babae na tatanggapin kahit na gaano kadami at gaano kapangit nastretchmarks basta magbuntis lang. pinigilan ko lang ang sarili ko kasi baka sabihan ako ng pampasira ng moment at bitter-bitteran.

isa pang nakakasama ng loob ko ay ang MIL at SIL ko. mag-bf/gf pa lang kami ni hubby, naramdaman ko na agad na ayaw nila sa akin. kahit ngayon na asawa ko na si hubby, ramdam ko pa rin yon. madalas kapag nandon kami ni hubby sa house nila, aalis si MIL or SIL sandali. pagbalik nila, may dala-dala ng baby. sasabihin "eto anak ni ganito. one month pa lang nakakasal buntis na agad."  parang pinapamukha sa akin na ako, katagal-tagal ng kasal eh wala pang anak.

hay kaya ako, umiiwas na lang sa mga taong insensitive para mabawasan naman ang stress at pressure. tapos lagi lang akong nakatambay dito sa GT para naman ma-feel ko na di ako nag-iisa sa ganitong sitwasyon. i also have a friend na TTC rin for 4 years. lagi kaming nagkakamustahan sa FB. sabi nya, at according na rin sa OB nya, it's ok to "temporarily" retire from work-ups. kasi di ba nakaka-frustrate yung tuloy-tuloy na work-up tapos wala naman magandang resulta? kaya tuloy nai-stress tayo. kaya nag-decide na rin ako, with my hubby's permission, na mag-stop muna sa work-up. sabi ko kay hubby, ayoko na munang isipin yung sitwasyon. tsaka sabi ko sa kanya, when we do the deed, gusto ko isipin na lang namin na ginagawa namin yun dahil sa mahal namin ang isa't isa at hindi dahil sa gusto lang namin gumawa ng baby.

it also helps that my hubby is very supportive of me at mahal na mahal nya ako. di raw nya ako iiwan kahit na di kami magkaroon ng anak. yan lang ang pinanghahawakan ko para di ako mawalan ng pag-asa sa buhay. yan din ang pinagpapasalamat ko sa Diyos. kasi yung iba, buntis nga agad pero wala namang mapagmahal at supportive na asawa.

pasensya na mga sisses at masyado napahaba ang post ko. naglalabas lang ng sama ng loob.

sana lahat tayo magka-baby na. God bless!
God has given us the greatest gift of all. And that is you, Baby Matthew! :)

hairt mini

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 334
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #37 on: April 19, 2011, 02:12:25 PM »
Hi sisses. update lang.
I believe na little by little na o-overcome ko na ang ganitong situation.
Yung officemate ko preggy na, and pinakita nya sa akin yesterday yung ultrasound ng baby nya, and she's lucky kasi twins ang baby nya.

Nung nahawakan ko yung ultrasound result nya sobrang na eexcite ako, I feel so glad and at the back of my mind there's a little voice saying"ikaw na ang susunod" hehe..

Prayers lang din ang panlaban ko kapag nag a-ampalaya moment na naman ako  ;)

Regarding sa FB: I withdrew myself sa mga kaganapan sa FB  :P
Actually double purpose sya, kasi lenten season so abstain muna ako sa mga social networking sites and para hindi na rin ako maka balita tungkol sa mga nag bu-buntisang friendship ko  :-[


shekinahdale

  • Newbie
  • *
  • Posts: 19
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #38 on: April 19, 2011, 02:18:49 PM »
Hi mga sisses, I just want to ask your opinion..

May college friend kasi ako na nanganak na then yung mga friends ko nag-aaya na dalawin sya... I'm happy for her pero kasi nakakaramdam ako ng inggit at awa sa sarili ko kapag nakikita yung pics nila sa facebook, what more kung sa personal pa plus kasama din yung isang friend ko na buntis na dadalaw din..baka mag cry cry lang ako.. gusto ko munang hindi magpakita sa kanila pero baka masamain nila ang di ko pagpunta.... what do you think mga sisses, do i have to go with them?

Thanks in advance, mga sisses...

Godbless sa atin....

shinta

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1232
Re: How do you cope when everyone is getting pregnant but you?
« Reply #39 on: April 19, 2011, 03:16:48 PM »
i also share the same experience with most of you here. more than 1 year na kaming married and yung mga kilala ko na halos kasabay namin kinasal, may mga baby na ngayon. yung family and relatives ni hubby, yun din ang tanong, "buntis ka na ba?" at may isang mahaderang kapitbahay pa sila na napaka-insensitive magsalita. na kesyo daw ang essence ng lang pag-aasawa ay ang pagkakaroon ng anak. tapos tinanong si hubby kung ilang taon na daw ako.  nung nalaman niyang 31 na, bilis-bilisan daw namin at malapit na akong mag-expire. based sa expression ng mukha niya, parang gusto niyang sabihin na dapat mas bata yung pinakasalan ni hubby. di niya pansin na andun ako at naririnig ko mga sinasabi niya kasi di naman niya ako kilala, hehe. at ayun, ibinida pa yung anak niya ginastusan niya daw ng bongga nung kinasal pero hiwalay na sa asawa ngayon. pero okay lang daw kasi may anak naman.

hay, nakakairita talaga yung mga ganung tao. pero kami ni hubby, ngiti lang at deadma. at di din kami nape-pressure. what we do is enjoy our time together. kahit simple movie date lang or malling or travel out of town. syempre gusto din namin magkababy pero if di siya ibibigay, we're prepared to accept it wholeheartedly.

it helps a lot din na understanding at supportive si hubby. i've asked him many times before and after we got married na pano kung di ako magkababy. before we got married kasi medyo nagkakaproblema na ako sa repro health so parang alam ko na na di ako ganun kabilis mabubuntis. and his answer is always the same. marrying me is all that matters, bonus na lang if magkababy kami o hindi.

so for me, the best way to cope with this situation is to enjoy your time together. deadma na dun sa mga nagpopost sa FB ng mga pictures. instead, post photos of your dates and travels para makita nila na masaya tayo kahit wala pang baby.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.