@arhryzzel, unfortunately yes and it's one cause of stress for me at the moment. Why sis?
Baka pareho na naman tayo ng story. He he...
To everyone,
Pasintabi sa thread setter, medyo related din naman itong enquiry ko.
The kids doesn't carry husband's name yet on the birth certificate. Napag usapan na nila nung ex niya na pipirma si husband to acknowledge the child pag nagkita sila, parang gagawa ng annotation dun sa birth certificate nung bata tapos ilo-lodge na sa munisipyo.
Hindi pa rin sini-share ni husband sa akin ito hanggang ngayon. Nalaman ko lang siya sa pagkakalkal ko. How do you think should I open this to my husband? By the way, yung iba dito alam ang back story ko. Sabihin na lang natin na recently lang nagkaroon ng communication si hubby w/ the ex and the kid, hindi sila kasal. Si hubby ang nag open ng communication dahil nagi-guilty na siya. Never ding nagkusa na makipagcommunicate na yung mag-ina kay husband since nung nagkahiwalay sila. Ngayon, OK na sila at ang concern na lang nila yung bata.
Kung ako ang tatanungin, ayoko sana na pumayag si hubby na ilagay surname niya pero I'm sure out ako dito kahit na ako ang legal wife. Magmumukha akong selfish...
Kung kayo nasa sitwasyon ko, OK lang ba sa inyo ang step na gagawin ni hubby?
Pag nasagot nyo to, pedi pakisagot din enquiry ni thread setter ha. Kakahiya eh..LOL!