mga sis i need ur advice, as in...
nag aaway kasi kami ni hubby at nag hahamunan na kami mg hiwalay... mabait naman asawa ko kahit papano, hindi naman siya nambababae pero eto talaga lagi naming pinag aawayan eh, pag dating sa mama niya at kapatid niya feeling ko lagi kami nakikipag kumpitensya ng mga anak ko...
Hindi naman parati to, pero me ganitong issue kami nakaka baliw sa inis talaga saka ang sakit for me...
share ko lang [textspeak!] nangyari...
since mg school na panganay namin naisipan ni hubby mg loan sa office, we decided kc full payment kagad sa tuition para makatipid... nung nakuha na niya yung pera yesterday.. bigla niya sinabi punta siya cash and carry to buy vitamins for her mom... siguro mga 3k din magagastos niya parang ganun... syempre ng react ako... i ask him why blah blah... actually kc ayaw ko hindi naman sa madamot pero kasi naman the day before pinagtatalunan pa lang namin yung inuutang ng mama niya na pera na medyo malaki... hindi pa nga ako um-oo dun tapos eto nanaman..
kc may usapan kami ni hubby na before gumastos for somethng consult muna isat isa... yung inuutang ng mama niya sinabi niya pero yung vitamins hindi... tinatanong ko nga kung pinapabili ba yon sabi niya hindi dw naisip niya lang dw... sabi ko naman wow buti pa siya naisip mo ako hindi mo man lang maisip bilhan... kung iisipin medyo mababaw to eh... pero sa dami ng beses na ginawa na niya to parang sobra na for me...
yung mama niya alam na ngang mg eenrol ang anak ko sa amin pa talaga umuutang... hindi naman kami ganon kayaman eh... at eto pa kakatapos pa lang pala namin din sponsoran ang graduation blow out ng kapatid niya na supposed to be eh family affair na kain lang sa labas, pero nang imbita pa mama niya so ayun laki ng gastos namin... by the way siya din ngpapaaral sa kapatip niyang yun ha, buti na lang graduate nah hay!!...
so going back to the present issue... sabi ni hubby sa akin, bakit dw ba lagi ko siyang pinipigilan pag me gusto siyang bilhin for her mom...
sa galit ko sabi ko ayaw ko at hindi ko na din papautangin mama niya (by the way mas madaming beses hindi ngbabayad nanay niya, pag iniiyakan siya hindi na niya sinisingil)... asa akin na yung pera so wala siyang magawa... pero mula kagabi hindi ako kinikibo ni hubby at nung kanina ng usap kami sabi niya lilipat na dw kami ng bahay, ayaw niya dw na malapit sa bahay ng mama ko... at sinusumbat niya din yung mga tinulong ko sa tita ko (my tita na stroke with no other family than us at no money as in poor siya) at s mama ko...
sabi ko kung gusto mo ikaw umalis... mga sis hindi kc kami pwede umalis dahil andun yung laundry shop ko... kung pera niya lang at kung hindi kami maaapektuhan ok lang sana, saka ngwowrk din naman ako aside sa laundry shop ko... so diba dapat lang na may say ako kung san gagamitin yung pera... sa totoo lang sa dami ng in- ask na tulong ng mama niya at kapatid niya from us wala naman ako nahindian... sa una magagalit ako pero pag hindi ako pinapansin ni hubby at pag parang paawa effect siya ng g give in din ako, parati yun... ngayon lang parang nakakainis na...
dati pag hinahamon ko siya ng hiwalayan eh hindi lang siya kumikibo, parang hindi siya payag ganon... pero ngayon sabi niya sa akin "ok sige" maghihiway na ba kami mga sis... mali ba ko? madamot bako? help naman po!! tnx tnx sa mga mag rereply..