Hi! just registered but been reading threads since last year..
I know if I'm desperately needing help talaga, dapat sa gynecologist ako pumunta kaya lang mga sis never pa ako nakakapagpacheck

hindi naman sa talagang nahihiya ipacheck sa gyne yun private ko kasi nakapagpawax na ako, pero sa totoo lang dun sa mga makakakita na pupunta ako. naisip ko pacheck sa manila pero hindi ko alam kung saan okay and sana konti lang yun tao? sa may clinic sa megamall sana ako magpapacheck pero nahiya ako pumasok

anyways, problema talaga kasi nagkaroon ako ng physical contact sa partner ko, (oral sex lang and sya first ko), and since then lagi ako nagkakaroon ng boils

(nagkaroon din ng boil yun partner ko

and sinasabi nya sa akin daw nya nahawa yun pero madami na sya nakasex dati and sinabi nya sa akin na nagkakaroon sya ng boils noon bata pa sya, meron pa nga daw na 6 boils at the same time, and meron pa na lumaki yun boil tapos parang inopera pa? as far as I know from staph bacteria sya and pimples din may staph bacteria? wala akong ganun sa mukha, makinis, pero sya tagihawatin din.. I feel so bad lang kasi na ako yun sinisisi nya... yun unang boil sa may private ko at napakasakit talaga kala ko may ingrown hair lang. tapos nag antibiotic ako, pero pabalik balik pa rin. sa thighs, face, eyes, butt

parang halos once a month nagkakaroon ako ng boil, kaya monthly din umiinom ako ng antibiotic pag lumalabas yun boils, hanggang sa parang nagkakaroon na ako ng yeast infection kaya tinigil ko na at nireplaced ko nalang ng pag inom ng yakult - luckily parang tumalab naman yata kasi nawala yeast infection ko. and pag apply ng fucidin antibiotic cream instead of taking antibiotic pills. pero yun boil bumabalik pa rin.. minsan may weird discharge din

I always wash my private with either lactacyd and/or betadine femine wash.. any idea kung anong klaseng infection kaya ito? ever since bata ako never pa ako nagkaroon ng boils eh..
by the way, nakapagpacheck na ako dati sa doctor (not gyne) for general check up actually, blood chem normal, xray, urine, normal naman then... and naimention ko rin na nagkakaroon ako ng boil halos monthly but he said it was normal. sinabi ko sa kanya na never pa ako nagkaganoon na situation, I asked if he pwede ako magpatest sa blood to see if I have any kind of blood infection pero he insisted that it was normal naman daw ang boils. he didn't even prescribed any medication para man lang malessen or mastop yun pabalik balik na boil.

and when my eye became reddish and painful and parang medyo namamaga, nagpacheck din ako sa opthalmologist and he confirmed that it's a boil - kuliti. he prescribed antibiotic and oinment. and gumaling naman.