My baby will turn 4 months tomorrow and he has 15 Avent bottles - 1 4oz cloudy (free sa sterilizer), 4 9oz cloudy, 4 4oz honeytint and 6 9oz honeytint. Super sulit kasi I was not able to breastfeed him. Si yaya ang nagstesterilize every 5am and enough naman yung bottles hanggang the following morning.
Na-experience ko na rin yung leaks recently. Sa cloudy, dahil nga ata sa hindi tamang pagsara. May time nagtimpla ako ng madaling-araw so super konting light lang from the lamp ang gamit ko. Swirl ako nang swirl ayun pala nagtatalsikan na sa bed yung milk. Sa honeytint naman, I think dahil hindi napull nang mabuti yung nipple. chineck ko naman, tama naman yung pagkakahila pero naglileak pa rin. nung tinanggal at nilagay ko ulit, hindi na nagleak.
Gusto ko pa sana bumili nung 4oz kaso hindi na magagamit nang matagal. mas madali kasing hawakan lalo na pag antok rin ako habang nagfifeed si baby. Mas prefer ko yung honeytint dahil nga mas convenient i-assemble and mas kita ko pag madalim kung ubos na yung milk. I am planning to buy more honeytint kaso wala nang buy 3 take 1 ngayon.