lahat naman kasi na 3rd party, sa simula pa lang alam nang "bawal" ang papasukin eh. aayaw-ayaw pa kunwari, kabig naman nang kabig.
dyan usually nag-uumpisa sa mga free lunch, free dinner, free snacks, free rides... hanggang sa free sex na. ayon, kabit na kalabasan mo.
kadalasan, jina-justify pa na kesyo friendly lang dates daw, official business daw. ahsauce! dyan nga nagsisimula yan.
tapos sabayan pa ng mga sad stories ni Boy Bolatik about his wife, kaya ayon, si Inday Garutay naman feeling nya ang laki ng tiwala ni Boy Bolatik sa kanya para i-share sa kanya ang mga marital problems. kilig na kilig sya kasi sya lang nakapagpapasaya kay Boy, kaya ayon, pati PURI at DANGAL isinuko na rin kasi gusto nya happy palagi si Boy Bolatik.
paalala lang sa mga gusto magpalibre ng lunch o dinner sa mga married guys. bago kayo pumayag, kilalanin nyo muna ang mga wifeys nila ha? baka isa dyan sira-ul0.

baka matulad kayo sa kapibahay ko. dumidiskarte pa lang si Boy Bolatik sa kanya, ayon, binasag ang plato sa mukha nya ng isang sira-ul0ng asawa.