Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 01 NOV 14
Need a quick makeup fix? Use a tinted moisturizer to keep your skin fresh-looking when you're tired.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera  (Read 33400 times)

chasiderwin

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 392
SEAMAN / OFW: lagi na lang sinasabi mapera
« on: March 31, 2011, 03:42:01 PM »
Sis mister ko seaman....pero hindi naman porke seaman mapera na...hello...kung nasa barko sila malaki ang kita oo, pero hindi lang nila alam ang hirap na nararanasan nila kapag nasa barko, pagod na nga sa bugbugang trabaho malayo pa sa pamilya...

Yung iba kung makapangutang kala mo may pinatago sila pero oras ng singilan ang hirap naman singilin...kapag bagong baba, puro kantiaw ng "painom ka naman jan" may nagpapalibre pa, pasalubong gallore....

bakit hindi man lang nila maisip na kapag nasa lupa ang mga seaman lahat ng naipong pera puro palabas wala ng pumapasok mabuti kung may pinagkakakitaan sila kpag andito sila sa lupa...sana man lang maiisip nila yun...hindi lahat ng seaman mapera....mayabang lang ang iba masyadong bigay luho ISANG ARAW NA MILYONARYO...

KALA NIO MASARAP MAGING SEAMAN? AKALA NIO LANG YUN!!!
« Last Edit: July 19, 2011, 11:33:33 AM by chasiderwin »

Tigershark09

  • Vibrant, Energetic and Fearless
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 419
  • Huwag kang magagalit, di naman tayo close :)
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #1 on: April 01, 2011, 02:35:20 AM »
:) ang puso mo sister! easy lang.. alam mo I super agree sa iyo. Damang-dama ko yan dahil hindi man ako seaman or ang mister ko, nakatira kami sa ibang bansa. ang gaya mo, pagumuwi kami, akala ng mga tao diyan ang dami naming pera. utang dito, palibre doon, pa-shopping pa. Di nila alam na hindi naman pinupulot ang pera sa kalsada dito! at kung marami lang din naman akong pera gaya ng iniisip nila, e bat nagtitiis pa ako dito?! dapat matagal na akong umuwi at naghihiga sa kayamanan. e wala! andito pa din ako at kumakayod at nagpapakahirap para may maipon at may maipadala sa pinas.

ang masasabi ko sa yo, don't give in to pressure. bayaan mo silang mangutang ng mangutang at magpalibre ng magpalibre..deadma ka lang! hindi ka naman nila mapipilit kung wala ka naman talagang ibibigay. at totoo ka, ang trabaho ng seaman hindi naman permanente. pag umuuwi na sila, minsan buwan ang inaabot bago makabalik uli sa barko. kaya kung uutang si kamag-anak, sabihin mo wala pang kasiguraduhan kung kelan makakabalik si mister. at si mister ok lang mag-inuman paminsan-minsan dahil pinaghirapan naman niya yon pero huwag siyang magpapaloko. mahirap na ang buhay ngayon!
Don't waste your time proving you are right. It only makes you look more stupid.

raven03

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 349
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #2 on: April 01, 2011, 03:43:03 AM »
^True that. We live abroad din ni hubby, pero walang lumalapit sa min kasi, una, hindi ako nagpe-press release kapag uuwi na kami. Bigla na lang kaming dumadating. I know how to say no sa mga umuutang at ang lagi kong sinsabi kapag tinatanong ako kung marami na kong pera "Sana umuwi na ko gn Pinas for good kung madami na"

Before I met my husband, he spent six-month working in a cruise ship. It was never something he can do long term daw talaga, 7 days a week daw ang trabaho, routine talaga and walang takasan kasi nasa barko ka lang. Kaya super thankful siya when we got this gig abroad kasi at least daw nasa lupa siya.
Backreading is a virtue

tabbru

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 458
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #3 on: April 01, 2011, 08:51:28 AM »
It's really up to the seaman naman kung "magpapauto" sa mga "taga-lupa" eh. Tama si sis tigershark, don't give in to pressure. Sa unang sampa siguro at unang uwi, normal na magpakantiyaw. Pero sa mga succeeding na uwi, hindi na dapat noh.
I shop, therefore I am.

chasiderwin

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 392
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #4 on: April 01, 2011, 10:07:00 AM »
It's really up to the seaman naman kung "magpapauto" sa mga "taga-lupa" eh. Tama si sis tigershark, don't give in to pressure. Sa unang sampa siguro at unang uwi, normal na magpakantiyaw. Pero sa mga succeeding na uwi, hindi na dapat noh.

thankful na lang ako mga sis at hindi mahilig sa inuman ang asawa ko, umiinom oo pero hindi cia yung tipo ng kapag bagong baba araw-araw, saka kapag bababa cia ng barko ako lang at kapatid (ate) nia ang nakakaalam, mahilig lang cia sa manok (panabong at palahi) pero hindi naman cia waldas sa sabong may nakalaan talaga na 30k para sa paglalaro nia ng sabong manalo o matalo hindi na nia gagalawin yun ibang pera (since binata cia ganun na cia)...thankful din ako dahil hindi naman nagpapasulsol si mister ko sa mga kantiyaw ng iba...

pero kainis lang kasi minsan may uutang na kamag-anak nia minsan kamag-anak ko (ANO KALA NILA SAMIN BANGKO bangko nga nauubusan ng pera kami pa kaya) minsan din kasi di rin namin matiis lalo na kung ang drama, "ala pa kasi sahod ala ng gatas c ****" kung ako kaya ko sila tiisin pero kapag anak na kasi pinag-uusapan di namin matiis, naiisip ko kasi kung gano kasakit sa nanay na nakikita nahihirapan ang anak dahil may anak din ako....sana maiisip nila na hindi naman tayo namumulot ng pera, may pera man tayo pero need din naman natin mag save para sa mga needs natin lalo na sa mga anak natin....

blue_jade

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 78
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #5 on: April 02, 2011, 08:01:48 AM »
^ his sis ganun talaga ata expectation ng mga tao pag nagwo-work abroad. kuya ko kasi seaman pati yung ibang cousins ko at tito. kaya nakaka relate ako dun sa mga kantiyaw  ::) akala mo meron patago kung makahingi e ano.  ::)

at true minsan matagal sila hindi makasakay, hello! syempre yung naipon dun rin mapupunta sa panggastos pag nasa lupa sila  ;D


sieggy

  • sweet-tooth mommy and
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 164
  • i love my lil stinker
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #6 on: April 02, 2011, 10:18:19 PM »
no offense, pero minsan naman kase sa inaasal e. Kung ang pag kilos nila mapera ka kahit na ano job mo, ganon talaga iisipin ng mga tao sa kanila. Kanya kanyang trip yan. Marami na iisip yung hirap sa barko yung katabi mo mainit na makina. Pero marami din iba ang prinsipyo. Hirap sila sa barko kaya dapat mag saya sa lupa.

sa amin, kung magproject talagang milyonarya. seaman din hubby. nanguha ng milyon na car, may driver, yaya (isa lang anak). Beauty Parlor galore, spa. shopping etc. pero nangungpahan.  Yung hubby naman pag nasa land, party, barkada. bili ng mga lahat ng latest gadgets. after 3 mos. nagbebenta lahat ng binili o sanla. diba? walang basagan ng trip. hehe
Hate to see someone alive because you can't afford a killer! :P
 
Haters are people who dedicate so much time to keep you on their mind. Means, they're just your fans in disguise. Love them! ;)

andreil_19

  • Love me or Leave me, proud to be a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1213
  • peek-a-boo!!
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #7 on: April 02, 2011, 10:58:18 PM »
sometimes talaga we should learn how to say no or enough na. kapag nagdrama yung gustong mangutang, dramahan mo rin ;D chos!

my brothers also work sa cruise ship, yung isa kapag nasa land na nagkakautang-utang na kaya di pwedeng magtagal sa lupa while the other one single kaya ok lang magpautang, kaya lang kapag naubusan na ng moolah sya na ang mangungutang at hirap na syang maningil. may case pa nga na nagpautang sya sa friend na nameet nya lang ulit through chat.Ayun! sa sobrang bait ng brother ko di na nagbayad sa kanya buti sana kung maliit lang na amount.

I told my husband na wag ng humingi ng pera sa mga cousins nya na seaman din kahit sabihin pa nya na for our daughter na tipong pasalubong, kasi i understand their situations. kaso nakasanayan na rin ata nya minsan kapag nalaman nyang dumating yung kapatid ko, feeling nya ang dami nilang pera para manlibre kaya hihirit sa akin pero inuunahan ko na sabay sabing  "may pamilya yun at nag-aaral ang mga kids kaya kelangan din nila ng pera"  :P :D
bawal ang negative vibes. ♥♥♥

pillows14gurl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 42
  • Happy and contented wife and mom...
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #8 on: April 04, 2011, 09:25:34 PM »
Pasali ako hahahahah seamans wife din ako hahahaha...

i agree sa lahat ng sinasabi nyo... minsan kasi ang thinking ng pinoy eh mayaman or maraming pera kapag seaman... nalaman ko lang sa husband ko na ang filipino seaman pala ang pinakamababang sweldo (sa mga seaman ha)... according to my husband, meron silang Union to protect other seaman with different nationality (australian seaman kase si hubby).... under their Law kase seaman should be treated equally whether they are filipinos, australian, english or whatever nationality. In their case kase ang mga filipino seaman pala eh super liit daw ng sweldo. One time my husband interviewed a filipino seaman [textspeak!] sa pinas, and nasabi sa kanya na un barko is papuntang US pa un ha pero sumusweldo lang daw ng 1,200 dollars per month which i dont know if it os true... nagulat si hubby ko kase hindi daw nya alam kung kung bakit super baba nun eh supposed to be daw that is only a 3 days salary ng seaman and shouldnt be a one month salary. So when he went back to work, he interviewed 3 filipinos in their ship and there he learned na super baba nga , so they made an appeal sa management na they will not continue working unless hindi nila tataasan sweldo ng mga pinoy na kasama nila. so they stopped working for a week, which is supported by their union, and pumayag un management na ibigay un nararapat na sweldo para dun sa mga pinoy na seaman... lately nalaman nila na, binibigay naman pala kaya lang, dumadaan sa agency nila un sweldo so may kaltas, super laki pala ng kinakaltas nung agency na inapplyan nila [textspeak!] sa pinas kaya pagdating dun halos 1/8 lang ng salary natatanggap nila... napapaisip tuloy si hubby ko na magtayo na lang ng agency [textspeak!] na hindi maagrabyado ang mga pinoy seaman when it comes to compensation kase mahirap daw talaga ang trabaho..sabi pa nya kawawa daw un ibang seaman na pinoy kase sobrang liit na nga ng sweldo pero mas madaming workload kase hindi daw mareklamo ang pinoy. which he really hates... kaya ayun mdami syang kaibigang pinoy na seaman sa barko nila. so far 6 lang daw ang pinoy sa barko nila.. all of them are australians....

sensya na po ang haba... :)

raven03

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 349
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #9 on: April 05, 2011, 04:47:44 AM »
^Naku how I wish your hubby will find the support needed to pull that off. Sana talaga, kasi kawawa naman yung mga seaman natin na mga kababayan, masyadong magastos yung process before they can join a ship, tapos ganun pa pala kalaki ang kaltas ng mga agency.
Backreading is a virtue

pillows14gurl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 42
  • Happy and contented wife and mom...
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #10 on: April 05, 2011, 01:37:30 PM »
sana nga sis eh... nakipagusap na sila hubby sa MUA (Maritime Union of Australia) - active kasi sya masyado sa MUA. meron na silang rules na there should be equality with regards to compensation. especially for filipinos kase filipinos daw un talo. recently di ba may lumabas na balita sa newspaper na kinasuhan ng MUA un isang barko for exploiting filipino seaman... ayun dahil pala sa agency un... kaya lahat ng pinoy na seaman na nasa border ng australia eh protected ng agreement from MUA. Eh un hubby ko feeling nya pinoy na sya after marrying me hehe

chasiderwin

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 392
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #11 on: April 05, 2011, 02:12:05 PM »
wow sana mister ko din...ganun nga sagad sila sa work ang liit naman ng sahod kasi may kaltas pa sa agency pati sa alotee ganun din  :-[, di kasi ako ask sa hubby  ko re sa sahod nia pinapakita naman nia yung papers kung magkano ang sahod nila + OT pay saka kung magkano allotment...matanung nga cia pagbaba  nia sa november kung alam nia yng re sa MUA....


pillows14gurl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 42
  • Happy and contented wife and mom...
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #12 on: April 05, 2011, 05:19:09 PM »
Sige sis ask mo... sabi ng hubby ko they need 1k + employees kase super kulang sila... if he can apply directly sa Australia as seaman mas okay un compensation. mahirap talaga work ng seaman at hindi basta basta kaya they deserve to receive a salary which is truly meant for them. si hubby kase sabi ang starting salary daw ng newbie sa kanila is 1,800 per week (every friday sweldo) plus OT. 5weeks on-full swing, then 5 weeks vacation with pay (sagot din ng company ang plane ticket. So if you will compute that (based on 1AUD=43PHP, mas mataas na kase rate ng AUD kaysa sa USD) dapat 309k ang sweldo nila monthly (for newbie yan teh,,, i mean pag bago sa company) maganda benefits ng company nila kase you get to see your family every other month at may vac.pay pa or u can bring your family with you at company un mgpoprocess ng visa blah blah. unlike sa US ships, napakatagal nila sa barko at walang social life lalo na kung nasa laot.

raven03

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 349
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #13 on: April 05, 2011, 06:32:14 PM »
^Tell your hubby he's gaining admirer here sa GT. My husband's family comes from a family of Seamen. Although kapitan na yung dad niya, nakikita ko yungmga tinutulungan ng mom niya makasampa ng barko, I see talaga their sacrifices and the willingness to work kaya I feel for them.

Maganda kasi kapag may umaangat na Pinoy, ibig sabihin aangat din ang Pilipinas.
Backreading is a virtue

pillows14gurl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 42
  • Happy and contented wife and mom...
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #14 on: April 05, 2011, 07:37:49 PM »
thanks sis raven ...i agree with you na maganda talaga sa pakiramdam na makitang umaangat ang pinoy kase buong pinas din un umaangat... and i salute filipino seamen, huwag lang sana sila abusuhin ng mga taong hindi nakakaalam kung gano kahirap magtrabaho sa barko. imagine, ang daming proseso at dokumento ang inaayos nila makasampa lang sa barko.. everytime na nasa PRC ako dami ko nakikita na seamen doon na nagaayos ng papers.. kawawa talaga tas un iba pagsampa nila kakarampot sinusweldo at homesick pa.

khengzky

  • Its hardware that makes a machine fast. Its software that makes a fast machine slow
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 131
  • simply me
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #15 on: April 06, 2011, 04:21:55 PM »
hi sis nakaka relate ako sayo just recently lang kakauwi lang din ni hubby same scenario ang daming kalabit penge buti na lang hubby knows his limitation at pasalamat din ako dahil napaka galing ni hubby sa paghawak ng money & im prouldy saying talaga na napaka bait din ni hubby nag aabot sya pero hanggang dun lang & sya din yung tipo na di mauuto haha buti na lang din inom lang ang bisyo nya other than that wala na dun lang kami na pepresure sa mga taong nakapalibot samin totoo na napaka hirap ng buhay sa dagat pag nag kwekwento asawa ko sa dinaranas nila talagang pinag ppray ko na lang na sana ingatan sila lalo na siya, wala naman ako problem sa immediate family nya naiinis ako sa tita, tito pinsan grabe kung maka request ng pasalubong pahiya na lang pag di gusto ni hubby yung request nila kasi alam nya na pag naka bakasyon siya buti na lang pareho kami di maluho & now awa ng Diyos makakabili na kami ng bahay..

sana lang ma realize ng mga tao sa paligid namin na di namin pinupulot ang pera willing kami tumulong pero hindi yung manghihingi pa ng presyo kung magkano, kung ako nga tinutulungan ko pa si hubby kahit na ayaw nya na magwork ako pero mas mabilis kami nakakaipon kahit pano.. :o
everything happens for a reason.

chasiderwin

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 392
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #16 on: April 06, 2011, 05:08:29 PM »
Sige sis ask mo... sabi ng hubby ko they need 1k + employees kase super kulang sila... if he can apply directly sa Australia as seaman mas okay un compensation. mahirap talaga work ng seaman at hindi basta basta kaya they deserve to receive a salary which is truly meant for them. si hubby kase sabi ang starting salary daw ng newbie sa kanila is 1,800 per week (every friday sweldo) plus OT. 5weeks on-full swing, then 5 weeks vacation with pay (sagot din ng company ang plane ticket. So if you will compute that (based on 1AUD=43PHP, mas mataas na kase rate ng AUD kaysa sa USD) dapat 309k ang sweldo nila monthly (for newbie yan teh,,, i mean pag bago sa company) maganda benefits ng company nila kase you get to see your family every other month at may vac.pay pa or u can bring your family with you at company un mgpoprocess ng visa blah blah. unlike sa US ships, napakatagal nila sa barko at walang social life lalo na kung nasa laot.

kung ganyan lang sana company ng hubby ko LAKING TUWA KO...now nga nagrereklamo dahil sa dami ng work bugbugan daw talaga dahil yung barko nila made in china laging may sira  >:(...sis pa PM naman ng company ni hubby mo..meron ba sila dito sa pinas?pa PM na lang ng details sis...TIA

guilleanne

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 392
    • A Mom Who Makes Money Online
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #17 on: April 20, 2011, 11:29:20 PM »
I can also relate with you, seaman din hubby ko sis. Kaso ako talaga sis no is no, saka I learn from others mistake. Si hubby rin kasi machunurin, kaya wala yang mga inuman galore, kung ano yung gastos namin pag nasa barko sya ganun din ang gastos namin pag nasa lupa. Saka ako rin may sariling source of income kaya si hubby nakakatagal rin dito sa lupa kahit papano.

Super iniingatan ko talaga ang kinikita ng hubby ko kasi hindi biro yung hirap ng tarbaho nya, and I know yang mga utang madalang and babalik jan knowing ang mentality ng tao sa mga seaman, kala nila nakukuha sa laot yung dollars. Pag may lumalapit sakin ang lagi kong excuse may binabayaran ako kaya wala akong mapapahiram, hindi naman sila mag dalawang isip kasi hindi naman ako mukhang lumalangoy sa pera, kasi nga mahirap ang tarbaho ng seaman may pera ka lang pag nasa barko si mister, imagine mo si hubby nagbakasyon ng 13 months kasi buntis ako hindi ko pinaakyat, sa private hospital, private room pa ako nanganak nun pero nakaya namin, wala kaming inutangan, nung umalis nga lang si hubby at pag may lumalapit lagi sinasabi marami kaming utang na binabayaran. hehe.. madamot na kung madamot, laking hirap kaya ni hubby sa perang pinapadala nya.

Problem rin kasi sa ibang seaman at asawa nila lalo na yung mga grupo ng asawa ng seaman, nag papasiklaban minsan, madamihan ng alahas, pa sosyalan, pagandahan ng bahay at loob nito , mga baon din naman sa utang, mga walang ipon, ni ayaw na pababain sa barko ang asawa dahil walang ibang source of income, and then tatanda na lang sa pag baabrko yugn mga mister nila. hehe. haayy..

pero given talaga yan sis na pag nag aabroad ang tao feeling nila sa pilipinas lang walang puno na namumunga ng pera. Pero minsan fault din yung nag papanggap kasi na maraming pera.

Alam nyo sis may seafarers family thread dito, karamihan asawa at gf ng seaman and we share experiences din.

pillows14gurl sis sana nga tumaas ang sahod nila para worth it naman yung separation from the family. Kami naman nag plaplano mag migrate sa australia kasi gusto na ni hubby mag landbase yung makakasama na nya kami. Welder nga lang ang inaaply nya para maka punta ng australia sis. Pwede kaya sa mag apply sa company ng asawa na as seaman pero australia based? sabi mo naman 5 weeks on board and 5 weeks off naman diba? or kahit dito parin kami sa pinas kung every 5 weeks naman makikita ko si hubby ok na yun, kung malkai sahod makakaipon agad! hehe.

Signature edited.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7832
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #18 on: April 21, 2011, 11:12:34 PM »
Actually Chasiderwin, there's a general notion na lahat ng nasa abroad mapera. Kaya pag umuuwi sila, lahat ng relatives/kapitbahay/kakilala nakaabang and walang ginawa kundi mag-reminisce at magbida ng mga past pinagsamahan nila kuno. Pag hinde nabigyan/napahiram/napasalubungan, masama ang loob kase nag-iba na daw ang ugali porke nag-abroad. Kaya ang ibang pobreng naga-abroad, walang maipon kase pressured bumili ng kung ano-anong pasalubong hanggang sa pinsan ng kapitbahay ng inaanak etc.

Another thing is, pag nasa abroad, kelangan lage masarap ang ulam, maganda ang gamit, etc. Dahil pag hinde madame din sasabihin ang neighbors. Yung gantong belief system, napaka-third world sa totoo lang. Kala yata ng mga tao may mga namumungang puno  ng pera sa ibang bansa at nagpupunta don ang mga OFW para mamitas lang.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

ilyababy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 75
Re: SEAMAN: lagi na lang sinasabi mapera
« Reply #19 on: April 22, 2011, 07:02:13 PM »
^ This is true. As long as the person works overseas, everyone assumes that he/she is super rich. :o

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.