kamusta naman ang compensation natin mga govt employees since nagstart si PNoy as president? Dito sa office namin, tinanggalan na kami ng CNA (collective negotiation agreement, in which we were entitled to a monthly allowance na sobrang minimal lang naman), lahat ng allowances namin (na sobrang liit naman compared sa mga na-expose ni Pnoy na excessive allowances) tinanggal na din, sobrang naghigpit ang COA namin (for unknown reasons, parang all the time laging naghahanap ng butas ang COA namin, daming requirements to the point that some projects cannot move on kasi di nila inaapprove). Madami nang nagrereklamo dito sa amin, pero sad lang, mismong ManComm ng opisina walang pakialam, hindi man lang maipaglaban. Hayy.
May ibang agency ba dyan na nakaranas ng ganito? Being stripped of your benefits just because of the soo-much gasgas na "tuwid na daan"?