kakatamad talaga magpakita sa mga in-laws ko.bilang asawa karapatan naman na bilan ako ng gamit ng asawa ko.unang-una,sa edad nila,di naman lahat ng bagay na bibigay sakin ng asawa ko,pwede sa kanila.nakita na may samsung note ako,kasi nabanggit nung undas,di pa nga nakakaupo sa sofa nila,babatiin agad ako na maganda raw yung regalo sa akin nung last month.basta pag may bago ka,parang naiinis sila sayo.ako naman yung tipo ng tao na magpabili man ng mahal,gadgets naman yon,so magagamit ko talaga.parang nakakainis tuloy,kasi itong magpapasko syempre bibili ako ng pamasko ko,gusto ko ng wrist watch,natural isusuot ko sa pasko,ganun naman tayo diba pag pasko sinusuot yung mga bago natin..malamang nyan makita na naman tapos itatanong pa kung magkano.
ang ayoko lang kasi,pati yung mga kapatid niya,kuya niya saka yung ate niya parang di nila ma-take na nakaka habol rin ako sa mga bagay na meron sila.pag nakitang may maganda sayo,ang mahal daw may fake naman.grabe walang laya sa mga mata nila.isa pa yung bilas ko.pag may nakita plastik ng mukha,naka simangot na nakatawa.sarap sabihin na kung inggit siya magpabili siya sa asawa niya.totoo lang ni isa sa in laws ko wala akong nakakausap.ilang buwan na siguro.mula nung nagka trouble ako dun sa isang bilas ko,ayoko na magtiwala.pupunta dila dito sa amin wala silang iintindihin,magluluto pa ako ng masarap.buong bahay taob sa kanilang lahat.tapos dumaan yung birthday ko na kahit isa sa kanila wala man lang bumati sa akin.anong feeling ng ganun syempre masakit rin..
lahat ng problema ko mapa sa asawa ko o sa pamilya ng asawa ko,tinitiis ko.wala akong mapagsabihan kundi itong website na to.dahil sa family ko di naman ako close kasi sobrang strict ang father ko.buti nga nakaka survive ako.ngayon naisip ko sa panahon na ganito wala kang ibang pagtiwalaan kundi sarili mo,ang Diyos,magdasal na yung mga taong mababa ang tingin sayo,magbago.kaya nililibang ko na lang yung sarili ko sa materyal na bagay,magpaganda,mag alaga ng anak,kasi ito na lang yung way para malimutan ko yung mga bagay gaya nila.iniisip ko na lang na ganyan sila,mga naka-ahon kasi sa hirap.dati rin naman mga mahirap.saka mga inggitero..hay naku.