Hello po! Online English teacher din po ako, since 2007. Bago po ako mag-work bilang ESL teacher, nag-call center muna ako. So far, masasabi ko na mas madali ang trabaho ng pagiging isang online tutor (kung ikukumpara sa pagiging CSR, TSR o telemarketer).
Una, Monday to Friday lang ang pasok mo at walang graveyard shift! Most of the time, 2 lang naman ang shifts na meron: AM shift (from 5am to 2pm) at PM shift (from 2pm to 11pm). May ibang mga companies na nag-ooffer ng part-time opportunities, meron ding tinatawag na "Broken schedule" (papasok, uuwi...papasok uli, uuwi na naman... all in one day).
Pangalawa, hindi masyadong nakaka-stress kasi para ka lang nakikipag-usap sa isang kaibigan na taga-ibang bansa. Halos lahat naman ng mga naging estudyante ko ay mababait. Yung iba nga, pag nagustuhan nila ang pagtuturo mo, padadalhan ka pa nila ng regalo.
Mejo stressful kung magtuturo ka sa bata, mas kelangang mong mag-effort. Ang magic word lang ay maging "perky" ka, yung tipong "animated" ang boses mo pag kausap mo sila. Kelangan mo ding maging creative, lalo na pag may video classes ka.
Although may puntong ma-iistress ka din kasi may time na hindi mo maiintindihan yung estudyante mo, at hindi ka rin nya maiintindihan. Pero ayos lang yun. Pahahabain mo lang ang pasensya mo. Masasanay din ang tenga mo sa pakikinig mo sa kanila, magkakaintindihan din kayo. Basta wag masyadong mabilis ang pagsasalita. Hindi mo kelangang gumamit ng masyadong maraming idiomatic expressions o iba pang mga complex words in English.
Pangatlo, matututo ka ng Korean culture and language along the way. Kelangan mong matuto ng basic expressions kasi magagamit mo rin kapag nagbibigay ng instructions sa student mo. Okay din na matuto nito kasi natutuwa ang mga estudyante sa'yo. Nararamdaman nila na may "connection" sila sa inyo.
Tungkol sa salary, iba-iba naman ang offer ng bawat kumpanya. Ang masasabi ko lang, don't expect too much kasi hindi naman mahirap ang trabaho.