Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 25 MAY 13
Going swimsuit shopping? If you have wide shoulders, play up your torso with colorful bikini bottoms. A square neckline will also do wonders for your upper
Good House Keeping
31 DAYS TO HAPPY
A brand new look with more of the tried, tested, and trusted content you've been reading for 15 years!
Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: HE said, SHE said ...  (Read 1349 times)

shoutingwind

  • is a sudden threat but still a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1777
  • dismayado
HE said, SHE said ...
« on: March 20, 2011, 05:05:06 pm »
Scenario: BF - GF for some time. Got pregnant, decided to get married (partly gusto ng parents ... pero they were both of age and wala naman pumilit).  Mabilisang wedding. Pasadya ang gowns etc. Bongga na din. (Medyo flop sa reception, pero that's not the point of the story... LOL) Girl is 4 yrs younger.

First few years, hubby would go to Japan to work. They had a  comfortable life. They were happy lalo na when the first child was born. Then less than one year, nasundan ulit. Guy decided to work in the Phils na lang to be with family. All is well. Then things got harder. Hindi na ganun ka dali ang pasok ng money.

HE SAID:
Noon pa naman magimik na sya. Laging wala sa bahay. Noong una nagpapagsabihan pa, sumusunod. Eventually di na mapigilan. Gimik at lasing kung lasing. Madalas "ipahiram" ang mga bata sa mga kamag anak. Nababantayan naman mga bata pero dahil sa gimik, laging tulog. Mahilig din mag shopping. Sang katerba na ang gamit sa bahay kahit magka utang utang basta may magandang gamit. Hindi mapigilan sa pag bibisyo (inom, yosi ... minsan E)

SHE SAID:
Masaya na daw sya sa mga bata. Hindi naman pwede ang ganon, kailangan ma fulfill mo din yug sarili  mong happiness. Nasa pagbabalanse  naman yun. Tapos kahit maliit ang sweldo nya ayos na sya. Ayoko naman umasa sa magulang. Gusto ko lang ng maayos na buhay para sa pamilya.


HE SAID:
Umalis ako ulit para magkaron ng maayos na trabaho (cruise ship). Pero nalalaman ko na lang na panay ang labas nya. At nalaman ko pa na may ibang lalaki na kasama. Umabot sa punto na nakikipag hiwalay sya kahit nasa malayo ako.

SHE SAID:
Kaibigan ko lang yun. AT kung sino yung nag sumbong sa kanya may galit sa akin. Nagtatrabaho din naman ako at mas malaki pa ang kinikita ko sa kanya. Bakit hindi na lang siya umuwi! Nakikipag hiwalay ako para matakot sya at umuwi.

HE SAID:
Nung umuwi ako, pinatawad ko sya. Wala akong pinagsabihan ng pinagdaanan namin dahil ayokong masira sya sa pamilya ko. Naging masaya naman kami pero hindi na maalis sa kanya ang pag gimik. Hindi ko naman siya pinipigilan. May mga pagkakataon na sumasama ako sa kanya para hindi naman nya sabihin na boring ako.

SHE SAID:
Maayos naman kami. Buti nga nagbabago na sya kahit konti. Ako din naman, binabawasan ko na ang paglabas labas. Pero gusto ko lang ng mas maayos na buhay dahil lumalaki na ang mga bata. Gusto ko mag ibang bansa.

HE SAID:
Pinagbigyan ko sya. Hindi kami maka kuha ng break dito sa Pilipinas at ayoko na din iwanan ang mga anak ko dahil nung huling umalis ako hindi ko gusto ang binalikan ko. Payat ang mga bata at walang respeto. Isa yan sa mga pinilit kong ayusin nung bumalik ako. Gusto ko ipakita sa kanya na may tiwala ako sa kanya.

SHE SAID:
Magtatrabaho lang ako.

HE SAID:
May iba na sya.

SHE SAID:
Hindi nya ako pinaglaban!


Ending ... hiwalay na sila ngayon.  :'(

blackgreen

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1074
  • STAY if you're HAPPY, LEAVE if you're NOT.
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #1 on: March 20, 2011, 05:22:29 pm »
Ang hirap ng ganyan scenario sis. Minsan kasi yun mga mag-asawa kapag may problema ayaw magusap. Meron ako friend, style long-distance sila kasi nasa province ang family tapos si husband nandito sa Manila to work. Kapag may problema sila mag-aaway tapos hindi naman nareresolve. Palagi sinasabi nung lalake sa amin na kaya siya umuuwi sa kanila para na lang sa mga bata. Kung tutuusin, halos same ng scenario yun post mo tsaka yun friend ko.

Sayang sana naayos nila.
Enjoy while it lasts!

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3955
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #2 on: March 20, 2011, 05:25:19 pm »
When 2 people marry, they have to "grow up more".  Even if both are mature individuals already, they still have to mature more.   Specially when the kids come, it is/may be  unfair but... both must put themselves lower on the priority list.   

Actually, 1 can have it all.  BUT you must fix your priorities first, and be well organized so that there is time for what is important to you.

Well,  Marriage is not a Life Sentence.  Plus, Love cannot be forced.  So there it is, The Ending ... just do your best to make it an Orderly Ending so there is less Collateral Damage, specially the kids.

shoutingwind

  • is a sudden threat but still a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1777
  • dismayado
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #3 on: March 20, 2011, 07:14:01 pm »
Actually hindi ko maintindihan pa din bakit umabot sila sa ganyan.
Obviously they tried to work it out, or at least one of them did.

Nagulat pa nga ako kasi they decided to separate pero SHE assumes everything is ok. As if she didn't do anything wrong, na the husband is not hurting at all. Nung umabot sa breaking point si lalaki, sinabihan pa ba naman na ... BITTER at putak ng putak parang bakla.

WHOA!

jpsv72

  • I am a friend, a loving mom, wanna be a good wife and lastly a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 382
  • missing home.....
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #4 on: March 20, 2011, 08:54:51 pm »
Another broken family story, whats the point of getting married even the girl was already pregnant, if they were still undecided. Problema kc, they want to enjoy sex, pero naging careless sila to be in safe mode, kaya ayan, dahil nabuntis mabilisang kasalan, kahit they were still under the stage of getting to know.
Kawawa mga bata, they will think that married life is only like that, pag ayawan na hiwalay na, at marami pang pointing fingers who's who's fault it was, sayang.

Oh well, pag nauntog sila at naalala nila, baka magkabalikan pa yan, there is still hope, sana hwag nalang nila isara ang mga pinto ng bawat isa anyway may nag co connect pa sa kanila, marriage at ang pinaka importante kids. Sana. . . .

Good luck to both of them...

shoutingwind

  • is a sudden threat but still a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1777
  • dismayado
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #5 on: March 20, 2011, 09:18:01 pm »
^ you're right. They got married when they're still in the getting to know stage. And lately lang namin nalaman or neto na lang nag pe press release si Girl na hindi pa pala siya handa magpakasal.

All the while we thought ok lang sa kanya. di naman siya pinilit eh. Oh well. Yun na lang ang prayer namin... na mauntog sila at maliwanagan. Pero malabo na din siguro kasi may iba na nga si girl. Worst, may asawa din yung bago nyang guy. Kaloka!

moonie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 954
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #6 on: March 20, 2011, 09:52:00 pm »
Mas malaki ang problema ng mag-asawa kung ang babae ang ayaw na.  Pag naghanap na ng iba, less likely na maayos pa ang pagsasama nila ng lalaki.

RuChe

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #7 on: March 21, 2011, 08:45:28 am »
So sad. Parang everything was decided on impulse. Sana na lang pinag-usapan muna mabuti. Maybe they are both immature to get into that kind of relationship. Kaso kawawa talaga pag me kid involved. Yung bata ang most affected.  :-\

shoutingwind

  • is a sudden threat but still a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1777
  • dismayado
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #8 on: March 21, 2011, 04:19:47 pm »
@moonie, hindi mo nga maintindihan kung anong kinaka ayawan nya eh. hindi naman sya ginugutom ng asawa nya. hindi binubugbog. iba lang talaga ang takbo ng isip nya.. happy go lucky nga.

@RuChe, hindi naman siguro impulse yun kung paulit ulit na ginagawa nya na saktan yung hubby nya (ilan beses na sya nahuli na may iba...magka ibang lalaki pa) To think na pinatawad na sya once. Tapos may gana pa sya sabihin na hindi daw sya pinag laban.

heavensent

  • a freelancer, a wondermom, a bookworm, a tv addict and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3119
  • Eric and Sookie
    • my ebook collection:
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #9 on: March 21, 2011, 05:30:12 pm »
is life that hard for me, sa tingin ko hindi naman sila naghihirap for her to work abroad..

i think yung girl talaga ang hindi pa ready to have a family kasi even yung kids napabayaan nya..

sana in time marealize nya na kawawa yung mga anak niya, they will suffer kasi sa ganitong situation..

RuChe

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 175
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #10 on: March 21, 2011, 05:48:18 pm »
Ay ganun ba? Parang malabo na nga na mapatawad ng guy yung girl since paulit ulit na pala nyang ginagawa yun. Pano na yung kid nila? Kawawa naman yng bata kung sa girl mapunta eh hindi naman sha responsableng nanay.  :-\

shoutingwind

  • is a sudden threat but still a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1777
  • dismayado
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #11 on: March 21, 2011, 06:08:59 pm »
Good thing nasa tatay yung mga bata. They're malulusog now and may manners. Not like before na walang ginawa kundi magsisigaw at manuntok. (both boys kasi)

Nakaka awa lang sila mag aama kasi one time daw tinanong ng eldest (6 yrs old that time) kung may problema daw ba si daddy kasi nakikita nya sa mata at kilos na hindi daw ok. (talinong bata nito, ganyan sya magsalita talaga...parang matanda.)

Tapos nung umuwi yung nanay from abroad, shempre pinalayas sa bahay... feeling nya welcome sya tumuloy dun eh family home ng lalaki yun. After nya manlalaki basta na lang siya uuwi. shempre pinalayas sya... yun lang mga bata nagalit dun sa dad nila.

Hay... hirap.

jhenrheign

  • Proud to be a WIFE, a MOM and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 930
  • Finally, another baby, another blessing... :)
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #12 on: March 21, 2011, 06:39:54 pm »
i feel sad for the hubby... nakakaloka ang girl... nagpakasal sya pero di pa pala sya ready to give up the pleasures of being single... it takes two tango... di naman pwede na isa lang ang magsasacrifice at magbibigay...

kawawa  din mga kids... wala sya malasakit sa sarili nyang mga anak... it's okei to go out, to shop, pero minsan lang... kahit married na, dapat may me time pa din pero di naman yung todong puro me time na lang at pinabayaan na mga kids at asawa nya... its sad na di nya alam ang responsibilities nya being a mom and a wife...

a WOMAN who is so blessed with a family whom i call my OWN...

heavensent

  • a freelancer, a wondermom, a bookworm, a tv addict and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3119
  • Eric and Sookie
    • my ebook collection:
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #13 on: March 22, 2011, 09:48:47 am »
di ko lang maintidihan bakit may mom na ganun.. i'll give up everything for my daughter kasi, so nagugulat ako na may ganun pala klaseng mother..

kettlekorn28

  • a very happy wife & mom and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 852
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #14 on: March 22, 2011, 11:30:44 am »
si girl ang may diperensya sa kanilang dalawa. it seems that she can't compromise her vices. kasi when you're already married, you need to focus your attention to your hubby and kids. pero sya, parang mas gusto pa gumimik. ang masama nito, napapabayaan ang mga bata. hay...nakikita ko sa sitwasyon na ito ang nangyari sa younger sister ko. ganyang-ganyan ang ugali at diskarte sa buhay. sakit talaga sa ulo nina mom and dad.
God has given us the greatest gift of all. And that is you, Baby Matthew! :)

chamfy

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #15 on: March 29, 2011, 03:13:14 pm »
I agree on this statement.  Mas priority lagi ang mga bata kesa sa sarili.  [textspeak!] masama gumimik or lumabas or bumili ng gamit pang sarili pero all have its limits sana.  Sa gimik [textspeak!] naman umuwi before 12am.  Kung mag-iinom, wag naman sana lasing na lasing at hilong-hilo.  At wag gumimik kung may pasok ang mga bata kinabukasan para matulungan sa pag gawa ng assignment.  Simple lang di ba?

Pero hinde ko maintindihan bakit yung ibang asawa eh mas priority pa ang ibang tao na kesyo "nag-invite kase si 'ano' kakahiya naman kung hinde tayo pupunta".  Kahit pagbawalan mo, harangan man ng sibat, tutuloy pa din SOBRANG tigas ng ulo.

Mas priority pa ang mga High School friends na 15-years na hinde nagkikita pero mas mahalaga pa makita ang mga yun.  Mga "kaibigan" na nabaon na sa limot, mga ala-ala na nabaon na sa hukay pilit na binabangon.  Ayun, ang resulta, muling nanumbalik ang malalim na pagtingin sa isa't isa.  Nakalimutan ata na may asawa sya, disregarding respect for your children, respect for your husband, respect for your parents and most of all respect for yourself!

Kung pinriority lang sana ang mga bata...wala sana naging problema! :(



When 2 people marry, they have to "grow up more".  Even if both are mature individuals already, they still have to mature more.   Specially when the kids come, it is/may be  unfair but... both must put themselves lower on the priority list.   

Actually, 1 can have it all.  BUT you must fix your priorities first, and be well organized so that there is time for what is important to you.

Well,  Marriage is not a Life Sentence.  Plus, Love cannot be forced.  So there it is, The Ending ... just do your best to make it an Orderly Ending so there is less Collateral Damage, specially the kids.

shoutingwind

  • is a sudden threat but still a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1777
  • dismayado
Re: HE said, SHE said ...
« Reply #16 on: March 30, 2011, 04:21:54 pm »
super like chamfy.

Ugali na ata nung girl yun. Kasi kahit mga relatives nya sinasabi na wag na pilitin magka ayos yung dalawa since uulit ulitin lang nung girl yun. Yun naman nanay nung girl ang rason e, "may iba na din naman yung (husband) so hayaan na lang natin sila (girl)." <-- tama ba naman yang reasoning na yan.

FACT: wala naman iba yung husband. siguro nag eenjoy lang sya sa company ng new friends nya ngayon.

Kawawa talaga yung mga bata dito kasi kahit na hands on ang tatay nila ... iba pa din yung may "nanay" sila.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
3 Bohol Hotels and Resorts for Under P1,500
See all the interesting sights at this province without breaking the bank!
Taste Test: 5 Food-Tasting Tips for Brides-To-Be
Getting married soon? Here are a few tips on choosing the best food to serve at your reception.
Prim and Printed: 15 Patterned Flats from TheMall.ph
Trade in your stilettos for these printed pairs.
Good Housekeeping Recipe: Organic Brown Rice Risotto with Mushrooms
This filling dish will be a healthy, yummy, addition to any meal.
Featured Prenup: Sam & Paolo
Childhood sweethearts Sam Godinez and Salamin vocalist and Gary Valenciano's son, Paolo Valenciano, had an artsy engagement shoot.
DMCI DMCI