Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 01 AUG 14
Nix the patterns and go for solid colors when you choose pants--they make your hips and backside look smaller.
  • Good House Keeping
    The July issue is our Makeover Special! Be inspired by the weight-loss successes of The Biggest Loser’s Kayen Lazaro and Osie Nebreja, who entered the reality TV show simply wanting to lose weight but ended up gaining whole new (healthier!) lives.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Jumpstart your best body today with this month’s best foods special. Women’s Health shares over 100 of the best packaged foods for women, sourced from leading supermarkets, specialty stores, and delivery services.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: BULAG SA KATOTOHANAN  (Read 6437 times)

WONDERGURL

  • Probationary
  • Posts: 2
BULAG SA KATOTOHANAN
« on: March 08, 2011, 10:18:17 PM »

Im a single mom, pretty, and happy person. I have a good career and financially stable.

I met this man 2 years ago through a net working business. Hes single, Christian, hindi guapo, hindi professional, shy type at walang pera, but he is working. We became friends, every weekend dinadala nya ko sa church nya, pasyal, eat out, watch movie, at gastos ko lahat. After a month's were both falling in  ;).  He knows everything about my status at wala akong itinago.  So, we give it a try na maging kame, we never knew na aabot kame sa 2 years relationship . I am his first serious and intimate girl. And he is the 2nd man came into my life, sa kanya ko na feel all excitement.

Siguro t**** lang ako kase for the very first day nakilala ko sya i knew na  wala sya good income at kulang pa sueldo nya to support himself pero pinatulan ko pa rin  :o. Because of  awa at love ko sa kanya i helped him so much financially.  Pero iba karakter nya and may attitude problem, everytime i bought something for myself aba dapat sya rin bilhan ko kase magagalit  and sabihin selfish ako, magpapabili ng food, cellphone load, pamasahe,  everything na ata galing sa wallet ko, in short at 32 years old I am a sugar mommy of a 33 years old man >:(. Lahat yan accepted ko, but the thing I can bear is how he treats me. Hes sobrang sensitive, insecure, judgmental at verbally abusive.
       1.) Kapag nagtext sya or call at hindi ko nasagot agad, magagalit na kesyo wala daw ako respect sa kanya or meron kasama daw akong ibang guy.
 
       2.) Everytime na may schedule ako for my family , iinit ulo nya kesyo nagsisinungaling daw ako.

       3.) Everytime na gusto ko ipasyal son ko, mag emote kesyo ang hirap daw ng sitwasyon nya kase may anak ako na kailangan tingnan.

       4.) Work ko hindi ko magawa ng maayos kase mangungulit sya na pumunta ko sa bahay nya and kapag hindi ako sumunod he will tell me ng kung ano ano na masasaket at sasabihan ako na maghiwalay na kame, pagdating ko  sa bahay nya laging ang kalat kalat as in disaster, so ako si t**** kahit hilo galing sa office  lilinisin ko kalat and after that he will ask me na magluto ng food, ipagready [textspeak!] ng kakainin,  at eto pa uutusan ako maglaba ng uniform at magplantsa, kapag nagreklamo ako sabihan ako walang kwentang tao, hello kahit pagod ako galing work wala sya konsensya. Kulang na lang pati kakainin nya isubo ko sa bibig nya.

      5.) Wala na rin akong gimik kasama officemates ko.  Hindi nya ko papayagan kesyo makikipag flirt daw ako.

     6.) At yung laptop ko kapag hindi ko pinahihiram galit na galit,[size=undefinedpt] eh ang ginagawa lang nman nya magchachat sa facebook ng chicks at magbrowse ng porn.
   
    7.)Teka madalas pinamumukha  nya  saken na may anak ako, walang seseryoso saken, titikman lang ako, samantalang sya daw single at puede maghanap ng virgin at dalaga.

   8.) Eto pa kapag nasa mall kame nako halos mahulog mata nya katitingin sa mga chicks and compares me to be like them na sobrang slim.

Sabi nya he accepted me sa buhay nya kahit may anak ako, kaya dapat lang sumunod ako sa lahat ng gusto nya. Pero honestly contented na ko na magkasama kame sa bahay nya.   Masaya kame we talk about our goals and plans in life. Actually may chemistry kame pareho kame ng likes.  Sobrang dami naming memories.  Madalas umiiyak sya telling me na gusto nya pakasalan ako.

Lately mas nagiging demanding sya sa schedule ko na dapat lagi ako nasa bahay nya. I came to a point na napapagod na ko sa attitude nya, pagod na pagod =( all the time tatalakan  ako, konting mali ko paaalisin ako sa bahay nya, may nag text lang saken mainit na agad ulo nya, sakal na sakal na ko. Sya nman lagi nya sinasabi na I manipulated hes life na para syang robot, na pinaglalaruan ko lang buhay nya at pinaaasa ko lang sya. Hindi na daw sya nag grow. Unsopportive daw ako gusto ko lang ako lang umasenso at sya hindi ko tinutulungan iangat. He wants to have a family na at magkaroon kame ng anak namin, eh sa ugali nya nakakatakot. Ako I accepted him unconditionally, whatever character he has tanggap ko yun.  There are times na on and off kame pero hinahanap namin presence ng isat isa at nagkakabalikan pa rin kame.

Hindi ko alam if ako ba or sya ang may problema? Baket ba ganun way of thinking nya?  Inlove ba ko? o dakilang t****? :-\
I AM GOD'S WORK IN PROGRESS

ana mimi

  • RN na MOMMY pa
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1621
  • yOun6 mOm oF dRAkE & sUmmER
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #1 on: March 08, 2011, 10:24:26 PM »
ang masasabi ko, wag ka magpaka t**** sa lalaking kagaya nya..

ang kapal ng mukha nya, 33 years old na sya at dapat sya ang sumusuporta sayo lalo na at may anak ka pa.. kapal ng face, pinamukha pa sayo na may anak ka na at walang rerespeto sayo..

bumili sya ng gamit nya.. ginagawa mo syang dependent sayo,.. di ka pa matanda sis.. marami pang lalaki dyan na igagalang ka at susuportahan ka..
"LiFe is shOrT" even if "pAtiEncE iS a virTuE", "timE is stiLL gOlD"

jpsv72

  • I am a friend, a loving mom, wanna be a good wife and lastly a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 348
  • missing home.....
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #2 on: March 08, 2011, 11:10:07 PM »
sis wondergurl nakaka relate ako sayo in a sense na may anak rin ako bago ko naging asawa hubby ko ngayon, diko rin itinago sa kanya ang anak ko, pero lucky me ok ang naging hubby ko, supportive sya sa anak ko, at good provider din sya. Imagine mo ang buhay mo with the man na katulad ng lalaking kinakasama mo ngayon, palagay mo he would make you happy? baka sa kama, pero with your son, malabo kc ngayon palang ganyan na ang trato nya sayo. ang pinagtataka ko lang bakit sya nagbago, sabi mo he is Christian? alam ko sa mga ganyan medyo pino ang ugali bakit sya nagbago?
di mo na kami dapat tanungin kung ano ka? o ano ang nararamdaman mo ikaw mismo ang makaksagot ng tanung mo remember pag pumasaok ka into a relationship hindi lang sarili mo ang isasa alang alang mo, damay pati ang anak mo.
Good luck sis sana matauhan ka at mauntog kana rin para matanggal ang helmet mo at magising ka sa katotohanan.

ysa.belle

  • a mother, sister, daughter, wife and lover... oh and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3139
  • been there, done that...
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #3 on: March 15, 2011, 04:26:42 PM »
Maybe nung una maayos ang treatment niya sayo since tinitimpla pa niya ang ugali mo. But ngayon na matagal na kayo, IMO lang ha, he is taking you for granted, niloloko & as youve said, ginagawa kang sugar mommy. Ginagawa ka pa niyang maid eh. He does not care for you anymore at parang he is just staying with you kase madaming perks pag hindi ka niya iniwan. Kase alam niya hindi mo siya matiis. Tapos verbally abusive pa pala siya. Its not far na maging physical ang pag-aabuse niya sa iyo sis.

Napakamalisyoso naman niya na pag hindi mo na-answer ang call niya kung ano ano na ang pumapasok a utak niya. Pati pagsama mo sa family mo hindi siya naniniwala. Naku. Hindi kaya siya ang may ginagawa behind your back kaya pag hindi ka nakakasagot agad nagagalit siya kas takot siya sa sarili niyang moomoo?

Mahirap ang situation niya? Bakit? E diba sinasabi niya sayo na tinanggap ka niya kahit may anak ka so dapat hindi niya maisip na nahihirapan siya kase hindi naman. Pati ata sa anak & family mo nakikipag compete siya ng time & attention.

He is just using you sis. Kase if mahal ka ng lalaki na iyan, hindi niya gagawin ang mga ginagawa niya sayo. Iintidihin ka niya sa abot ng kaya niya lalo na working mom ka.

If siya, dahil single eh pwedeng maghanap ng iba, eh di gawin niya. Ang tanong is if may tatagal na babae sa kanya since wala naman siya pera at parang pabigat lang sayo.

Sa mall ganun pa siya, hindi na siya nakuntento sayo sis. Bastos yung ganyan.

Leave him Hindi ikaw ang unsupportive sa kanya, its the other way around. Wala siyang paki sayo. Gusto niya siya lang ang lamang & siya ang nasusunod, to think wala naman siyang K.

Alam mo sis, you can find someone better. Someone who will love you and your child unconditionally & will not treat you like trash gaya ng gawa niya. Hindi totoo na hindi ka na makakahanap ng lalaki na magmamahal sayo. He is just saying that kase baka marealize mo na wala siyang kwenta at iwan mo siya. Binabaliktad ka lang niyan.

Leave him sis, para sa ikakabuti mo rin yan.

Goodluck.
« Last Edit: March 15, 2011, 04:43:02 PM by ysa.belle »
♥ Life is a journey from one point to another. You know where you will end up, but you don't know what route will get you there... ♥
 :)

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4587
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #4 on: March 15, 2011, 07:59:00 PM »
Darling, t@nga ka nga. Sorry, but I just agreed with your suspicions.

IMO, you are paying too much  in terms of discontent, heartaches,  verbal & emotional abuse, pesos and self denial for this relationship.  Why did you buy the entire pig for a little sausage?  Bad deal for you.

What the eff! To brainwash   you  that because you are a single mom he is God's gift to you?!
What the eff!  Baket ka buying into  such a stup1d  script?!
Darling, you do not deserve this oink oink pig of a man.  Kahit na ba twice over ka single mom.
Darling,  if the sex is good - even if it flings you to the moon & back -- IMO, it is over-priced.  Bad deal.

Please go slap yourself and wake up: You deserve better.  You owe it to yourself and your son  to be in a healthy relationship.

Go find more love for yourself.  Take care of yourself!





rnd0910

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 151
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #5 on: March 15, 2011, 08:33:44 PM »
sis grabe naman situation mo, one sided lang... ikaw na nga tumutulong sa kanya ni isang favor di ka man lang nya maibalik sa iyo... wake up sis, sobrang mali ang relationship nyo.

j a n i z

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 342
  • always inlove!
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #6 on: March 16, 2011, 05:26:32 PM »
waaaaah! grabe naman un lalakeng yan. super agree with sis ysa..

ganyan bf m kase takot n iwan m sya. e s ginagawa nya talagang karapat dapat n iwanan sya. wala ka naman mapapala jan sis. jusko, makakakita ka pa ng iba. bata ka pa. madami ako kilala n single mom pero now happily married na.

bravo86

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 208
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #7 on: March 20, 2011, 02:04:34 AM »
Quote
Inlove ba ko? o dakilang t****? :-\

hindi! ayokong maniwala. hindi ka t**** as you claim you are sis. maniwala ka.

kasi ikaw ay isang dakilang NAPAKA-T... napaka-Truthful! ;D

kelan mo lalasunin si "Christian, hindi guapo, hindi professional, shy type at walang pera"? ;D

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1547
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #8 on: March 20, 2011, 11:57:58 AM »
sa lahat ng grupong sinalihan ko, maraming tao na magagandang ugali na nang gagaling sa mga Christian groups. in a lot of cases far better sa mga ugali ng mga nasa esoteric. but based from what you've said, he's really rotten. He should not be called a Christian.

Sis, i've said this in a few threads long time ago, at uulitin ko ---

MAHIRAP makipagrelasyon sa taong LAGING MAKITID ang utak...

parang maypagka childish-bratty pa.

I don't mind seeing men as the less dominant part of the family. meaning hindi siya ang bread earner etc. sa mga tulad lang yan ng society natin na may macho mentality.

but the thing is Hindi ka niya rinerespeto.

get out of it.
I'm a baby Arhat. An Arhat has well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

ShoesAndTravel

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
    • Shoes & Travel
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #9 on: March 21, 2011, 11:28:54 AM »
Hay nako sis i can relate because nagkaron din ako ng boyfriend na ganyan before. Tho wala ako baby but sobrang abusive parin nya. I can't go out with my friends kasi iisipin nya may ibang lalake akong finiflirt. Pag with family naman, I'm lying daw. I was studying pa that time so everytime may group work, di ko magawa ng maayos kasi I can't meet up with my groupmates kasi magwawala sya lalo na kung kelangan mag overnight to do the project. Short films kasi ginagawa namin DATI kaya kelangan overnight.

Hay nako parusa talaga... Hindi na ako nakakilos. But I was so inlove so hinahayaan ko yun, and yes, t*nga din ako that time. Di ko naman alam bakit ako nagstay with him for a year, he doesn't have money, he has work pero hindi enough [textspeak!] kinikita nya for us, and I knew na mas malaki kikitain ko sa kanya. Plus, sobrang insecure sya sa lahat ng bagay. Grabe pa sya makapagsalita. He called me sl*t, b*tch, p*ta... Just because may lumapit sakin sa isang gas station coz the person recognized me. (a friend of a friend.) Basta everytime may nagpapacute sakin sa isang public place, ako ang may kasalanan. WOW diba? He called me t*nga, b*bo, g*go.. etc etc... Good thing he cheated on me, yun na [textspeak!] wake up call ko. Hindi na talaga ako bumalik kahit nakikipag balikan sya. Blessing talaga. Nahirapan ako to move on.. Pero when I did, ang sarap sarap ng feeling. Thank you Lord. :)
What I want. What we want. Shoes and Travel.

prettykhae

  • CERTIFIED
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 549
  • i love life
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #10 on: March 21, 2011, 11:38:48 AM »
sis TS, sabi CHRISTIAN sya right? pwes, HIWALAYAN MO NA YAN. SABI MO PRETTY KA, MAS MAY MAGMAMAHAL SAYO na higit sa kanya. u dont nid that man! loko sya a... para ka nang alila nyan, pineperahan ka pa, at dipa nakuntento, tumitingin pa sa mga ibang chicks!
(◕‿◕✿) p-r-e-t-t-y k-h-a-e (◕‿◕✿)

rinapie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1383
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #11 on: March 21, 2011, 04:39:55 PM »
hindi nga naman dapat bulag sa katotohanan title nitong thread na ito... hindi ka bulag kasi nakikita mo lahat, malinaw na malinaw na naikwento mo dito. ano ba? sabi mo you are a happy person..nasaan na yun ngayon? happy ka pa din ba?
« Last Edit: March 22, 2011, 10:04:13 AM by rinapie »

v00d00doLL

  • nakakaloka. nakakabaliw. nakakawindang maging
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
  • going going gone!
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #12 on: March 21, 2011, 05:32:24 PM »
mahalin mo muna sarili mo bago ang lahat sis. mahirap talaga yang sitwasyon mo pero base sa kwento mo, hindi ka na talaga masaya sa kanya. who am i to judge right? baka natatakot ka lang na mawala siya sa'yo kasi baka nagsink-in sa'yo yung sinabi niya na wala ng seseryoso sa'yo kasi may anak ka na. don't believe him. he's a loser! go girl! itayo mo bandila ng mga kababaihan ;) :)
The road to a true and everlasting love is always under construction.

http://www.meinsilverandpink.blog.com/

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1547
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #13 on: March 22, 2011, 06:25:26 AM »
just to add, yung ganyang ugali, pati anak nyo later maeexperience yan.
I'm a baby Arhat. An Arhat has well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

prettygurl00001

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 697
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #14 on: March 22, 2011, 06:49:32 AM »
sis, why don't you try reading your post here over and over? Then ask yourself, is he really worth all the pain, trouble, and money?

Ang sabi mo nga... single, Christian, hindi guapo, hindi professional, shy type at walang pera. Tapos verbally abusive pa. Tapos utang na loob mo pa that he loved you and accepted you kahit single mom ka. Teh, hindi ka nga t@nga!!! E mas madami pang negative traits kesa sa positive sa description mo sa kanya e!

Eh since ikaw naman gumagastos sa relayon nyong dalawa, hindi ba parang sobra-sobrang kabayaran na yon sa utang na loob mo sa pagtanggap nya sayo? Saka teh, hindi kasalanan na naging single mom ka. From the start he knew it, so he shouldn't judge you for that.

Alam mo, ikaw rin makakasagot sa tanong mo e. Ikaw ba, do you want to spend your whole life and money sa walang kwentang taong ganyan? Teh, andami pang lalake! Buti sana kung kahit walang pera, basta ala Dingdong Dantes naman ka-guapo. Eh kung di rin naman guapo, ano pa pakinabang mo? Eh ano kung Christian sya, is he treating you right? Is he behaving like a good Christian to you?

Teh, tumakbo ka na hangga't may oras pa. Hindi pinag-aaksayahan ng panahon ang mga ganyang lalake.

realmofadreamer

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 570
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #15 on: March 22, 2011, 09:27:22 AM »
alam mo sis para sa akin, ikaw ang may problema.

1. you don't know how to set your priorities. at this point in your life, hindi ba dapat pinakauna sa list of priorities mo ang anak mo? nakita mo naman pala na pati time mo with your son kinagagalit nya pa, hindi mo ba naisip na wala syang pakialam sa anak mo? ano na mangyayari kapag nagpakasal kayo?

2. para akin, based sa story mo, selfish ka nga. selfish ka kasi hindi mo inisip ang kapakanan ng anak mo you're still with him.
死马当活马医
千里之行,始于足下

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #16 on: March 24, 2011, 02:18:15 PM »
I met this man 2 years ago through a net working business. Hes single, Christian, hindi guapo, hindi professional, shy type at walang pera, but he is working.

...  usually sis, yung mga taong ganito, walang self confidence.. kaya since alam nya at feel niya na hindi niya kayang sabayan ka, kasi nga sabi mo

Im a single mom, pretty, and happy person. I have a good career and financially stable.

he's trying to bring you down to his level.. he's making you think and feel miserable about yourself at para nga naman maging thankful ka pa at pinatulan ka niya.. kulit noh? nabaliktad na niya ang mundo niyo at hinayaan mo.. engg0t # 1...  siya pa ang lumabas na knight in shining armor mo kasi TANGGAP ka DAW nya.. sus!


Siguro t**** lang ako kase for the very first day nakilala ko sya i knew na  wala sya good income at kulang pa sueldo nya to support himself pero pinatulan ko pa rin  . Because of  awa at love ko sa kanya i helped him so much financially.

dito hindi kita masisisi, wala naman masama pumatol sa pobre 

Pero iba karakter nya and may attitude problem,

ikaw na nagsabi niyan ah.. alam mo na.. and yet anjan ka pa din .... enggot #2


everytime i bought something for myself aba dapat sya rin bilhan ko kase magagalit  and sabihin selfish ako, magpapabili ng food, cellphone load, pamasahe,  everything na ata galing sa wallet ko, in short at 32 years old I am a sugar mommy of a 33 years old man .

malinaw na malinaw USER!!! haaay.. enggot #3

       3.) Everytime na gusto ko ipasyal son ko, mag emote kesyo ang hirap daw ng sitwasyon nya kase may anak ako na kailangan tingnan.

he sees your SON as a BURDEN!. anong klaseng lalaki yan? tanggap ka?? dito pa lang obvious na obvious na! (enggot #4)


       4.) Work ko hindi ko magawa ng maayos kase mangungulit sya na pumunta ko sa bahay nya and kapag hindi ako sumunod he will tell me ng kung ano ano na masasaket at sasabihan ako na maghiwalay na kame, pagdating ko  sa bahay nya laging ang kalat kalat as in disaster, so ako si t**** kahit hilo galing sa office  lilinisin ko kalat and after that he will ask me na magluto ng food, ipagready [textspeak!] ng kakainin,  at eto pa uutusan ako maglaba ng uniform at magplantsa, kapag nagreklamo ako sabihan ako walang kwentang tao, hello kahit pagod ako galing work wala sya konsensya. Kulang na lang pati kakainin nya isubo ko sa bibig nya

grabe wala akong masabe... ito na lang enggot#5

       
Sabi nya he accepted me sa buhay nya kahit may anak ako,

isang malaking kalokohan

Masaya kame we talk about our goals and plans in life

anong klaseng goals? new house?? -na ikaw ang magpupundar.. new baby??? -na ikaw ang susuporta
business??? -na ikaw ang magpapakahirap... sorry sis, iyang mga ganyan, hindi nila kaya mangarap magisa kasi hindi nila kaya magsikap magisa... kaya sumasabit na lang sa achievements ng iba.. LEECH!!!

Sobrang dami naming memories.

hindi ka mabubuhay sa memories

Madalas umiiyak sya telling me na gusto nya pakasalan ako.

iyan ang huwag na huwag mong gagawin!! maawa ka sa ANAK MO!!! iyang mga naipundar mo na! dapat sa ANAK MO!!! kapag kinasal kasi makikihati a yan sa ANAK MO!!!!


Lately mas nagiging demanding sya sa schedule ko na dapat lagi ako nasa bahay nya

trust me umpisa pa lang yan.. lalala pa iyan... it will NOT get better...

I came to a point na napapagod na ko sa attitude nya, pagod na pagod

GOOD!!! sana magsawa ka na ng tuluyan!!!


Hindi ko alam if ako ba or sya ang may problema? Baket ba ganun way of thinking nya?  Inlove ba ko? o dakilang t****?

alam mo sis, i think you are already brainwashed by him :(
kasi alam mo, sa lahat ng sinulat mo, dapat matagal pa wala kayo..


haaay... sa totoo lang wala naman akong pakisayo... matanda ka na.. kaya mo na buto mo.. ang nakakaawa anak mo, hindi malabo na maadopt niya iyang ganyang ugali.. nakakawa na baka iasipin niya since ok lang sayo, normal ang ganun, maging user, abuser, at lahat na

at lalong nakakaawa na MAS MAHAL PA NG NANAY NIYA IYANG LALAKI NIYA KESA SA KANYA

« Last Edit: March 24, 2011, 02:23:47 PM by rianne_mallows »
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

rianne_mallows

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1458
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #17 on: March 24, 2011, 02:26:17 PM »
na high blood na ko grr
hindi naman ako masamang tao
sadyang kapag nasasabi ako ng totoo
tumatama at tumatagos sa pagkatao mo

vangie88

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 373
  • 'life is an abstract'
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #18 on: March 24, 2011, 03:32:51 PM »
sis, your title palang says it all na, you don't need to ask. you're not really stupid naman, but maybe ganon lang talaga katindi ang pagpapasensya mo sa tao & ganon ka kaopen-minded na you don't really judge someone agad, kahit na super obvious na yung mga bad traits niya. that's how big your heart is, na kahit na alam mo na lahat ng masamang pinapakita niya sayo, tinitiis mo parin. sis, you dont need to be with a man like him, if he doesn't even appreciate the things that you're doing for him, then he's not worth it. move on, just focus on you & your child, if after that matauhan siya and talagang magbago, ipakita niya sayo that he really loves you & deserves you, then siguro you can give him another chance, but if not, then so be it, it's his loss, not yours  ;)

cry_mandy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2525
Re: BULAG SA KATOTOHANAN
« Reply #19 on: March 26, 2011, 09:25:39 AM »
tama si rianne_mallows. he's pulling you down para magka level na kayo. wag kang pumayag sis. if you think mas ok ka ng wala sya, leave him. you dont deserve someone like him. pinapababa nya yung self-esteem mo.
the greatest gift of our lives is having someone who accepts us with so much love without a single doubt

~~~~PrOuD mOmMa~~~~

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.