Iniinsulto ka.
Minumura ka.
Binabale wala ka.
Sinasaktan ka.
At lahat ng ito, sabi kasalanan mo pa.
Sis, He DOES NOT RESPECT you.
He DOES NOT LOVE you.
Wala kang mapapala diyan kundi mas marami pang mura, insulto, pangmamaliit at pananakit. Kahit sabihin pa natin ikaw ang nag-uumpisa ng away, di dahilan yon para saktan ka. Dapat umiwas pa rin siya. I think you should see this as a sign na hindi kayo para sa isa't-isa --- unless plano mong maging boksingera na parating may sparring partner.
Ikaw ano ba ang nakikita mong future sa kanya?
I think it's time to find somebody who will love you and treat you right. Yang love mo siya, hindi niyan magagamot ang problema.