^ Thanks for the advise sis. I'd really appreciate your comments with my problem.
Napag-isip isipan ko na rin ang lahat ng anggulo ng sitwasyon namin. Something is bothering me. I know na may itinatago pa siya sakin kung bakit yung sitwasyon niya is lulubog lilitaw. Why he's constantly deactivating his FB and why he has to sign for a new account on YM (Kasi daw hindi na siya makapasok, impossible for me). Malakas ang kutob ko may humahabol sa kanya. Kung sino man siya, ayoko ng malaman pa.
Parang nakita ko na ang mother ng anak niya sa picture kasi naging stalker na rin ako ng mga FB accounts ng kapatid niya at ng mama niya. And there I found him carrying his son with a girl beside him. Collage kasi yun ng picture ng family nila, featuring the whole members and their sons and daughters. Noon ko pa nakita yun, nung kami pa, nung di ko alam na may anak siya, na siya mismo ang umamin.
Actually, I've recently sent him a message telling all about my feelings. Then I blocked him on my FB and YM account para di na niya ako maistorbo kasi MAS lalo akong nasasaktan sa ginagawa niya. Though wala naman kaming commitment but the fact na fresh pa yung break up namin, I can't deny na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako kasi mahal ko nga siya.
Ayokong maging spare tire lang ako sa kanya sis. I've realize na hindi talaga niya ako mahal. He only needs me as a supplement to complete him. Ayaw niyang mawala ako kasi the fact na akong yung palaging umiintindi sa kanya, sumasalo pagdown siya, inaalagan, nilalambing ng sobra sobra at di pinabayaan. Lahat ng iyan di niya naranasan sa mga previous GF niya. Ayokong TIG lang ako sa kanya. Mas mabuti pang pumatol nalang siya ng katulong para may umalaga sa kanya at sa anak niya. Mas gusto ko pa nga magkabalikan na sila ng mama ng anak niya. Kahit masakit pero tatanggapin ko. Ayoko rin naman na magdusa ako sa kanya. Ayokong maging martyr at sunod sunuran sa gusto niya, kasi spoiled na spoiled siya.
Isa pa, kahit hanggang ngayon di pa rin siya nakakamove on sa previous GF niya of 6 years. Na-wrong send siya sakin. May binanggit siyang country kung saan dun namalagi yung ex niya. Ang sakit sakit. Feel ko parang ginawa akong panakip butas. Kung papayag siguro yung girl na maging sila, kahit married na yun papatulan niya talaga kasi mahal na mahal niya yung babae. 2 months before kami nagkilala sa FB, yun ang last na pagkikita nila ng ex niya. At kahit married na yung girl at may dalawang anak, may physical contact pa rin na nangyayari sa kanila. Actually, he has history of "multiple" infidelity issues. Dakilang womanizer po siya. Di ko alam kung within our relationship eh may iba siya. Suma total, talagang 0.01% ang chance na maging happy ako sa kanya. Forget all the promises and sweet nothings kasi pwede naman niyang sabihin yun, pero mahirap panindigan. The fact na iniwan niya ako ng bigla bigla, kawalan na yun ng respeto sakin at sa magulang ko. Kaya siya nag-abroad ay para takasan ang mga problema niya dito sa pinas. Ang kawawa, naiwan niya ang anak. Ang sama. Napakairesponsableng ama.
Update ko nalang kayo mga sis at bro. Salamat sa payo ninyo. Pasensya na at napahaba ang post ko. Nadala ako sa emotion ko. Di naman ako galit. Dito ko lang talaga mailabas ang hinanakit ko.
Thank you po ulit.