1) yung kung umasta at makautos akala mo boss, eh same level lang naman kayo at hindi rin naman appointed na lead ha, take note.
2) yung lead na akala mo ang daming alam, tapos pag may tinanong ka walang maisagot at wala ring maituro sayo. tapos kapag may kailangang isolve, mas alam mo pa pala kesa sa kanya. boom!
3) yung boss na kung makataas ng boses akala mo sya nagpapasahod sayo tapos sasabihing ibabawas sa sahod mo yung maling nagawa mo. the nerve! paano naging boss ito?
4) yung lead na mahilig mag compare, tipong si ganito si ganyan nagawa yun, dapat ikaw rin. huh?! eh magkatropa sila nung pinapalabas nyang magaling, naturalmente!
5) yung team leader na nagdadabog sa office! napaka unprofessional! daig pa ang toddler kung maka tantrums! nagagalit ng wala sa lugar, eh sya naman ang mali.

6) yung kateam na gustong gustong mapromote, akala nya mapopromote sya sa pagsipsip at lagi nyang pagkausap sa manager, wala namang kapromote promote sa work-related tasks nya.
7) yung boss na walang ibang nakikita kundi yung mali at flaws mo. yung magaganda hindi nakikita.. yan ang pinaka masarap layasan at ireport sa HR during exit interview!
8.) yung kateam na walang pakialam sa iba. mang aagaw ng task para lang may maicharge sya, tapos ikaw naman ang makukulangan ng ichacharge. napakadaya, grrr!