Naku, hindi naman smooth sailing yung relationship namin for almost 9 yrs. We broke up twice or thrice na yata. First it was my fault, I broke up with him kasi nasanay ako sa set-up na lagi ko sya kasama. HS sweethearts kami, first nya ako first ko din sya. Sabay lagi pag break times at up to dismissals magkasama kami. So when we entered college, nagulat ako. Mga almost 2 yrs kaming hiwalay nun. first year siya ang humahabol sa akin then bumaliktad yun. Then naging kami ulit then nag ka-problem ulit dahil fault ko.Nag punta kasi ako states eh kakayos lang namin nun, mga 5 months pa lang kami ulit nun. Since sobrang miss ko sya I ended up with another guy. Yung presence na hinahanap ko binibigay nung lalakeng yun. sa umpisa sya lang naman ang may gs2 sa akin then eventually na fall ako (dun ko napatunayan na pwede mo ngang pag-aralan mahalin ang isang tao) 3 months lang ako dun then willing na ako give up BF ko dahil nahihiya na ako sa kanya dahil willing sya ulit tanggapin ako after ng ginawa ko. Nahirapan ako mamili that time. Super wineigh ko yung dalawa and at the end sa BF ko talaga ako ulit bumalik. My ultimate question kasi naman akong tinanong dun sa isang lalake and hindi nya nasagot. Pero syempre Id ask for a space muna. Sympre gusto ko pagkaharap ko siya, sya talaga yung nasa isip ko. Then after a month naging okey na kami.By that time ang daming nangyari sa akin, sa family ko na talagang nakapag pa-matured sa akin. Kaya nung bumalik ako sa kanya nag promised ako na never ko na sya ulit sasakatan. Minsan lang ako mag promise mga sisses and yun yung unang-una. Of course my fear na baka after 2 years sya naman ang magloko pero still nag GO ako. And nagkatotoo nga yung naisip ko. Just last year of Aug he called it quits. Na-fall out daw sya, whatsoever. Syempre masakit, first time ko lang maranasan yun sa buhay ko. Dati ako lagi nanakit and that time dun ko naranasan yung sakit ng mga ginagawa ko. Hinabol ko ba sya? for a bit. Mga 2 months, sinugal ko lahat. Ive done a lot and most of them first time just to prove to him how much I loved him and to convince him to think twice about his situation. Taon na kami then pagpapalit nya ako sa months pa lang nyang nakikilala na mas walang values sa akin. hehe, ang sama ko pero totoo yung sinasabi ko. Family nya pa lang botong-boto na sa akin eversince naging kami. Payag na nga silang pakasal kami. Talagang magyayabang ako na mas okey ako kesa sa babaeng yun. Pero kahit naman ganun walang okey dun dahil still that time iba gusto nya. I prayed na lang and naging optimistic ako sa lahat nangyayari sa kin. Sabi ko baka eto yung time na matutupad na yung wish ko na maging matured na sya kahit by means of hurting me. Ako naman time ko yun to love myself again. At kung hindi man sya babalik naniniwala ako na my mas better na darating. And I can say effective sya dahil in just 3 months nakamove-one ako. Pero alam nyo ba sisses na 2 sa mga iniisip ko ang nagkatotooo during our break-up. First is by January, by the time na magOOJT sya dun nya ako maiisip muli, yung mamimiss nya ako ulit. yung tipong ako ulit ang gusto nya and second before sila umalis babalik sya sa akin. Lahat yun nagkatotoo. Ngayon, kami na ulit. After 8 months na hiwalay, sa lahat-lahat ng nangyari sa amin kami pa din yung nagsasama sa bandang huli. Those problems made our relationship stronger. I will not deny the fact na my times na nababalik yung issue pero hindi na sya katulad ng dati na tumatagal talaga. And also di ko rin dedeny na somehow my fault ako kung bakit nya nagawa dati yun. Hindi ba ako nagdalawang isip na makipagbalikan sa kanya? Of course oo, pero napabilib nya ako sa mga binitawan nya sa akin na salita and talagang first time ko lang narinig sa kanya yun. So Id took a risk again and said yes. People can look at it in two different sides, in a negative way mukha akong taga-salo pero walang mangyayari kung lagi na lang negative ang mga tingin mo sa bagay. In a positive way naman, yung mga nangyari sa amin trials yun. Mas okey ng ngayon nangyari yung mga bagay na yun kesa sa panahon na mag-asawa na kami. Of course din hindi mawawala yung fear ko na baka maulit yung ginawa ko dati na nasa states ako dahil ngayon sya naman ang nasa ibang bansa. buong pamilya nila nag migrate to canada. The only thing im doing right is to do what is right as his partner and if ever may mangyari ulit ( cross-finger ) alam ko na wala na akong pagkukulang ngayon. And syempre masasaktan ako ulit pero I think its all part of falling in love.
Right now we're good or better kahit my distance. No more fights, mas nagkakaintindihan. Wala naman nagbago sa amin, kung ano yung dreams namin dati yung bubuo ng pamilya, andun pa din yun. Kung may nabago or nadagdag I think mas naging matured kami.
Having a long term relationship doesnt mean naman na wala kayong problem the whole pagsasama nyo dahil sa mga problemang yun nga kayo tumatagal lalo.
Sorry for my long post. I just wanna inspire other people na love is not always on top of the world minsan kailangan mo talagang masubsub para lang maappreciate kung anong meron ka.
HAPPY LONG TERM RELATIONSHIP TO US ALL!!!