Haaay sobrang frustrated na ako sa Longchamp Le Pliage. I bought a Longchamp bag from my officemate, sa relative nya kinuha yun, parang re-seller lang siya. Ang sabi authentic daw. Since tiwala naman ako, nag order ako. By the way, it's only Php3,950 at 2 gives pa. I'm aware na marami nang nagkalat na fake pero since kakilala, nagtiwala naman ako.
When I got the bag, I immediately checked the details. Sa unang tingin, ok siya. Inusisa ko yung stiches, may parts na may double stitches at hindi pantay. Inexplain ko dun sa officemate ko, concerned din naman siya kasi she also got a bag for herself. Ang ginawa nya and nung relative nya, nagpunta sila ng Longchamp boutique at Shangri-la to check out the original bags. Sabi nya, same lang naman daw lahat ng features except she noticed na mas malambot yung leather dun sa boutique kesa dun sa binebenta nila.
Sabi ko, since nakakaduda talaga ang authenticity, magre-refund nalang ako. Hindi pa nya nababalik yung money ko pero ibabalik din naman nya yun.
Nakaka-sad lang kasi akala ko magkakaron na talaga ako ng LC. Although it looks REAL, I wouldn't pay P3,950 for a FAKE. Konti nalang idadagdag ko makakabili na ako ng sure na authentic, yun nga lang hindi installment.