Hmm, makikisali lang, ito yung mga na observe kong struggles sa naging clients ko...
Long hours, lalo na kapag month end, lalo na pag year end, uless MNC ka and/or malinis ang books, or may auto JEs tas maayos ang system...
Bulk of transactions para sa mga encoder. I had a client, MNC, pero di automated ang payments and receivables ng PH office, dalawa lang ang nasa acctg office, kaka awa. Todo na yun, cash, ap, ar, invty, capital assets.
Bad record keeping. Hassle lalo na pag audit time. Sumpa. May nawawalan ng trabaho because of this.
Transition phase from merger, business combis, palit boss.. Kaloka, laging sagot pag tinanong ng bakit, di nila alam...
Audit time, kasali ba? Kasi storbo daw ang auditors. Makukulit at matanong? Haha, dami pa hinihinging samples.. Sana naiintindihan ng staff... Trabaho lang walang personalan, pls. Hehe..
Namimiss ko tuloy ang audit work. One of the hardest days of my life. Sabi ko, ayaw ko na ng audit or ng trabahong inaaudit... Kakaloka.

Ito pala ang worst, NAGTATABAAN!!! Kasi kain galore pag puyatan mode, tas minsan may mumu pa sa office!! Haha.