^public schools here are not free pero very much affordable.. i heard less than a $100.. pero ang downside ay local english (singlish) accent ang bata.. which I refuse.. hindi din ako comfortable sa amount of stress na ini-instill nila sa mga bata.. but i hope kayanin namin sa international school.. yan ang project talaga namin.. pero wala na chance magkaron pa ng another baby haha ang mahal kasi!
Yes, public schools in Sg are very affordable. Grade school (di ko pa alam sa HS) ranges from Sgd 15-35/month. So bale mga P500-P1000/month.
And I also agree, ayoko din ng Singlish, hindi ko sila maintindihan

On top of it, napakabilis pa magsalita, akala mo laging hinahabol ng apoy.
As for the stress, dito medyo salungat ang experience ko compared sa Pinas. Sa Gradeschool, I find Pinas private schools more stressful compared to Sg public schools. Lagi nga silang walang assignment dito. Tapos, 4 lang ang subjects compared to almost 10 sa Pinas. Dito, all they have to do is focus on understanding the lessons for Math, Science, English and Mother Tongue (Chinese or some other language). Kahit pangit sulat ok lang (which is another thing I dont like, ang pangit ng penmanship nila kasi wala nga sila masyadong homework or practice sa pagsulat). The advantage is, naka focus talaga sila during exam time. Whereas sa Pinas, sampung subject, kahit Social Studies, PE or Homeroom, nakiki-agaw ng oras mo sa pag-aaral.
Feeling ko nga naging mas kampante ang anak ko when we transferred here. Laging naglalaro at hindi nag-aaral kasi nga walang assignments. Siguro depende din sa school, kaya kino-complement ko nalang ng ibang homework on my own.
Regarding school hours naman, 730am to 1230pm/1pm lang sila. Whereas sa Pinas, 730am-430pm + TRAFFIC. PAg uwi ng bata, hapong hapo na, isang katerba pa ang assignment, na yung iba, feeling ko walang katuturan.
So may pros and cons din ang educ system.