Palagi ako nachachallenge sa bigayan ng regalo mula pa nung magsyota kami

ang hirap kasing bigyan yung taong alam mo namang kaya nyang makuha yung kailangan nya. Andami kong nakitang parehas dito sa posts gaya ng wallet, pabango, sapatos, relo... kaso may bagong wallet naman yung asawa ko, hindi siya nagrerelo, ang pabango nya di pa daw ubos yung bigay ko pa nung 2010, tapos di naman siya sporty so hindi sya nagrrubber shoes. Bagong bili naman sya ng mga damit c/o MIL kasi OJT nga nya. Wala na tuloy ako maisip. Tanongin ko naman sya, wala naman isasagot. Haay.