mga sis, di ba usually, mga kinukuha nating mga godparents ng anak natin, mga ka-close din natin or ka-close ni hubby?
there's one particular ninang ang baby namin, altho, i haven't met her, hindi din kami close, pero close sila ni hubby kasi kasamahan sa office organization.
itong ninang na ito, may bf, na galit na galit sila hubby and co., kasi nga niloloko si ninang, e nai-irita ako, kasi lagi na lang topic yung situation nila over dinner, so i said "ano ba problema mo don sa tao, galit kayo don sa ginagawa samantalang yung mismong may ka-relasyon, pwede naman niyang i-break, hindi niya magawa? bakit ka ba nakiki-alam sa problema nila?" -- hindi siya maka-sagot sa akin.
then nabalitaan ko thru hubby ulit, na break na daw. ngayon naman, si hubby ang naging confidant ng babaeng ito --- how did i know? nabasa ko sa mga text ng ninang, kasi iniiwan ni hubby ang phone niya sa sala pag natutulog na, e mas maaga akong nagigising. so sometimes, i would check on his phone, at nagkataong may text si ninang, as early as 5 am! telling na, nagpapasalamat for his time, for always being there, for all the advices, etc., sa paghi-hintay sa kanya after office hours [kasi pareho sila ng way]

tapos may mga ibang good morning text pa, na pa-cute.
sa sobrang irita ko, kinausap ko siya agad -- sabi ko -- bakit ganito ang sinasabi ng babaeng ito? mas may panahon ka pa pala sa kanya kesa sa akin at eto yung text niya, nagpapasalamat siya sa paghihintay mo sa kanya para sabay kayong umuwi, e sana yung oras ng paghihintay mo sa babaeng yan, e kung inuuwi mo na lang para naman magkaroon tayo ng oras sa isa't isa. tapos pag darating ka, may mag-te-text, ano yun, inform ka niya kung naka-uwi ka na, mahiya naman siya, e kung mabasa ko yan, ano iisipin ko sa kanya?" then sabi ko, pwede huwag mong masabi-sabi sa aking ninang yan ng anak ko.
e tamang-tama, lagi kami watch ng face-to-face ni hubby, evening edition, wherein, may mga situation regarding sa mga kumare/kumpare -- sabi ko, pag ako niloko, makaka-tikim din ng galit ko ang babaeng ganyan, gagawa ako ng letter, ipapadala ko sa HR ng pinagtra-trabahuhan niya, na nakiki-apid ang empleyado nila, to think na organization sila na nagpro-promote ng family values -- informing them na may anay sa kanilang bakuran na sumisira sa organization!

kayo mga sis, may experience din ba kayo sa mga kumare/kumpare kuno?