Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 26 DEC 14
Bringing your kids to the beach? Don't forget to give them floatation devices as a safeguard in the water--especially if they're just learning to swim.
  • Good House Keeping
    Start fresh this 2015 with Good Housekeeping's January issue, with tips and stories to help you drop those holiday pounds, revamp your look, and even re-ignite the spark in your marriage.
    Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!  (Read 70707 times)

ebiko

  • proud MOMMI to my papit
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 914
  • my papit calls me "may-mi" [mommi]
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #40 on: December 16, 2010, 08:00:49 AM »
not to my in-laws, pero naiinis ako sa in-laws ng brother ko.


naman! pagkain ng apo ninyo pinapabayaran pa ninyo, e kanino ba nanggaling yung pinambili ng pondo ng tinda ninyo -- sa kuya ko! sa susunod, ilista ninyo lahat yung mga nakain niya, pa-resibohan din ninyo at babayaran namin!

to my brother's sis-in-law: pwede, huwag mong utangin yung mga binibigay namin pera sa pamangkin namin? pocket money niya yun, tapos uutangin mo? buti kung babayaran mo. at kung ano man ang mga binibigay namin sa pamangkin namin, shoes, damit, sandals -- pwede huwag mong ginagamit. yung pinadala daw na shoes na para sa kanya, hindi mo binigay, hanggang ngayon daw  itinago mo lang, e hindi naman daw kasya sa paa mo? aanhin mo yun? tapos makiki-gamit ka sa mga binibigay namin sa kanya. kadugo ninyo pinagdadamutan ninyo -- no wonder, mas gusto niyang tumira sa mga magulang ko kesa sa inyo dahil sa mga ugali ninyo, madadamot kayo!
.:~ * ~:.

Making the decision to have a child is momentous. It is to decide forever to have your heart go walking around outside your body. -- Elizabeth Stone

.:~ * ~:.

mariedairy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 78
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #41 on: December 16, 2010, 09:38:17 AM »
^ sis, sana magtagal na ganyan kayo. ganyan kami sa simula, after 5 years, masyado nang nosy, pakelamera ang MIL ko. Feeling anak nya ko na dapat nyang kinokontrol.

haaay. nosy, nosy, nosy! sa sobrang wala na syang mapiga sa kin, pati mga pamangkin ko sa facebook, inuusisa! kainis! napaka-chismosa!!! lahat tinanong at lahat gusto malaman.

ay ganon?! patay pala ako nito. no-note ko yan sis. thank you!!!

kolokay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #42 on: December 19, 2010, 05:04:20 PM »
MIL: ang pagbibigay ng responsibilidad sa anak ninyo na pag-aralin ang mga susunod pa nyang kapatid hanggang sa pinakabunso ninyo na 7yrs old plng.

mango

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 162
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #43 on: December 20, 2010, 10:54:03 AM »
sis n law hindi na kita papatulan kasi madami ka ng problema hintayin ko na lang si KARMA.

happybee$$$

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #44 on: December 20, 2010, 11:23:07 AM »
MIL-pag need namin ng help sasabihin ko at hindi ako maglilihim promise kaya please wag na mamroblema about money for us.kami nga hindi namomroblema eh.

***bought a property and MIL thought na wala kaming pera kaya hayun nagulat na lang ako na iniutang niya kami ng 150k! and since hindi ko nga masabi na wag na lang nakuha ko ang pera pero hindi namin pede pay agad kasi secret lang din namin na may pera talaga kami.we payed the money monthly pero yun na may interest na, six months ko din yun binayaran at talagang nagulat sila kasi 2yrs kinuha nya, hindi ko masabing may pera nga po kami laan na talaga eh.naiiyak ako na naiinis sa sobrang bait ni MIL, kaso feeling ko mali na talaga.pamilyado na baby boy nya, wag treat na baby...

johnlennon1968

  • Jealous GUY
  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
  • I own me, and therefore, I can engineer me.
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #45 on: December 28, 2010, 09:59:26 AM »
MIL- mabait ka naman ma kaso kunsintidor ka sa mga anak mo.
       Nung sinumbong ko sau yung problema namin ng misis ko na anak
       mo, imbes na pagsabihan mo (kinausap pa kita para pagsabihan siya kasi naloloko na siya sa ibang lalaki kahit may mga ebidensya na akong ipinakita sayo tunganga ka pa rin) silent treatment lang solusyon mo.  Syempre paniniwalaan mo kasinungalingan ng anak mo kesa sa manugang mo. Kaya lahat ng masasakit na text mo sa akin hindi ko binubura sa cell ko, lagi nandun yun dahil napakasakit ng ginawa niyo sa akin. Kahit ok na pakitungo mo sa akin ngayon. Masama pa rin loob ko.. Sobra! Ako pa yung lumalabas na sinungaling sa inyo at sa pamilya niyo.
"It is better to be hated for who you are
than to be loved for what you are not."

supermom18

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
  • a wife and a mother..=)
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #46 on: December 28, 2010, 02:44:44 PM »
hi sisses.. bago [textspeak!] po [textspeak!]..=)

[textspeak!] i love my in laws kasi love cla ni hubby,and i am a type of person na madaling makisama at madaling pakisamahan,mbabait cla lalo mga SIL q,pra q na clang kapatid,but there is one thing na tlagang ayoko,[textspeak!] pakekeelaman ang mga decisions namin ni hubby,although mild lang [textspeak!] sa case namin ni MIL,pero dun [textspeak!] [textspeak!] nababadtrip,other than that okay nman kami..=P
i'm a tough mommy!!
don't you dare mess with me huh..

kittenchi17

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 55
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #47 on: December 30, 2010, 12:57:55 AM »
soon to be F.I.L. : Sir, sana po tigilan nyo na ang kakautang sakin o kaya kakaturo sa anak nyo na utangan ako kapag may gusto kayong bilhin. Nakakalungkot lang na hindi pa nga kami kasal pero bangko na ang turing nyo sakin. Isa kayo sa pilit ng pilit na mag-abroad ang anak nyo para kayo na lang ang umuwi dito at maglaklak ng alak araw araw tulad ng gawain nyo pag andito kayo sa Pinas.

soon to be M.I.L. : Pag naalala ko po kayo parang ayaw ko na pong pakasalan ang anak nyo. Sana po wag po kayo masyado paapekto sa mga sinasabi ng mga tsismosa mong barkada tungkol samin at siguro naman dapat pinagtatanggol nyo ang anak nyo sa mga tao hindi yung i-down nyo pa siya lalo. Nagpromise din po kayo na yung hiniram nyong pera ay ibabalik nyo rin sa end of August 2010. Ilang araw na lang 2011 pero ala pa yung pera ko na para sa placement fee ng tito ko. Nakakainis lang din po na parang pinapalabas nyo na ginagastos ko ang pera ng anak nyo samantalang kung iisipin ay pareho naman po kaming may trabaho. Wag nyo rin po sanang isipin na inaalipin ko ang anak nyo ayoko lang siyang maging tamad tulad ng iba nyong mga anak na kahit maglipat lang ng channel ng TV paa pa ang ginagamit. Sana bago nyo po ako husgahan tignan nyo po muna ang itsura ng iba nyong mga anak kung sa palagay nyo ba ay napalaki nyo talaga sila ng maayos. Ang tip ko lang po sa inyo ay matuto po kayong magbudget at wag po iinit ang ulo pag wala kayong hawak na pera sa mga kamay nyo. Iwasan nyo na rin po ang pagutang sa 10 lending ng sabay sabay kasi ikakabaon nyo po yan sa utang na baka pagdating ng panahon kami pa ang magbayad.


-- Mga sis sarap ng pakiramdam pag nakapag vent out thank you :D
« Last Edit: January 03, 2011, 04:20:04 PM by kittenchi17 »

yuanne1627

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #48 on: January 11, 2011, 06:18:41 PM »
To PIL,

Ayoko ng pinagkakaisahan nyo ko. Naging mabait ako sa pamilya nyo, ginawa ko sa inyo yung mga bagay na kahit sa magulang ko hindi ko pa nagagawa magustuhan nyo lang ako para sa anak nyo. I hate backstabbing!

To BIL,

Sumosobra ka na, anung akala mo sakin kapatid mo talaga. Hello.. magbanat ka ng buto at matutong magtipi. Pati allowance mo sakin mo iaasa kung kukulangin ka. Pati tuloy budget ko nasisira dahil sayo!


snowyice

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1769
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #49 on: January 18, 2011, 09:22:37 PM »
I know you're sorry for what you have done, but I'm sorry too dahil sobra mga pinagsasabi ninyo at hindi na maibabalik ang dating relasyon ko sa inyo.

kettlekorn28

  • a very happy wife & mom and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 728
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #50 on: January 18, 2011, 09:36:11 PM »
SIL: ang arte mo! dapat ako lang ang maarte dito!  ;D social climber ka pa, yan tuloy iniwan ka ni tabachoy. di nya na-keri ang kaartehan mo.

MIL: duh?!  ;D

F I L: wag naman kayong lasenggero aba. magtrabaho na lang kayo.

BIL: ikaw lang kasundo ko sa mga in-laws ko. ok ka kausap, mabait, di madamot. yun nga lang, masyado ka magastos at maluho. di ka na bumabata tol. di ba engaged ka na sa gf mo? ipon ka na para sa future nyo.
God has given us the greatest gift of all. And that is you, Baby Matthew! :)

hot_lalai

  • the future? oh, i owe that to the milk! :D
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 67
  • ulai ulai ulai
    • Fund Raising for my kids' tuition, milk and nappies :)
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #51 on: January 19, 2011, 12:13:51 AM »
MIL: i'm trying my very best para pakisamahan ka. and my very very very very best para maintindihan ka. pero di ko pa din gets kung bakit lagi mong pinapamukha sa'kin na obligasyon ka ng anak mo. i have never heard that rule. bakit ba lagi mong iniisip na pinagtataguan ka namin ng pera. Ilang beses na naman naming napaliwanag sa inyo na halos kalahating taong nawalan ng trabaho yung anak ninyo at yung income ko lang ang inaasahan namin. At sana naman mahiya po kayo kahit papano dahil yung pinadala sa inyo ng anak ninyo ay hiram pa po namin sa mommy ko. Pinilit ko lang yung anak ninyong manghiram na kami ng pera para may mapadala sa inyo nang manahimik na po kayo.

At sana naman ay wag nyo pong maliitin ang family namin. Hindi kami mayaman pero ipinagmamalaki namin na may good manners kami at lahat kami ay naigapang ng mga magulang namin para makapagtapos ng pag-aaral. Lahat kami MAY TRABAHO. Lahat kami, PROFESSIONALS.
I don't wanna talk about values anymore. But I am proud that WE value education. WE value good manners

And we know how to prioritize things. Di bale nang walang MICRODERMBRASION at OBAGI INFUSION, ETC...kahit walang LV na bag, at magarang kotse. basta bayad lahat ng bills, walang utang sa bangko, nakakakain ang mga bata, at may pangtuition sa school. Magkaiba tayo ng priorities sa buhay. And there's no need for me to iterate kung alin sa atin ang nagpprioritize ng mga bagay na mas may kabuluhan.


BIL: Wala akong problema sa pakikisama sa'yo. Pero sana naman maintindihan mo din na hindi kami mayaman ng kuya mo. Masaya ako na makakatapos ka na this March. Fingers crossed. Hinay na muna sa computer games paka ma-jinx. Kami na bahala sa Grad fee mo. Pero sana last na yon. Please please. Sana maintindihan mo. At sana wag ka na magpadagdag sa sakit ng ulo ni kuya mo. Mahal kita, bilang kapatid na din.

[textspeak!]: Bakit kasi iniwan mo kami agad? Kayo na nga lang po yung kakampi ko. Sayang, di nyo na po naabutan mga apo ninyo. Sana bantayan mo kami habang anjan ka sa heaven. Eon...


Sorry... napahaba ata. hihi ;D ang sarap magrelease ng tension!! ;D ;D

yuanne1627

  • Newbie
  • *
  • Posts: 32
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #52 on: January 19, 2011, 12:32:05 AM »
To MIL and [textspeak!] : Sorry hindi ko na kayang pumunta pa jan sa Cabanatuan. Ang dami ko na nasabi na nakasakit sa inyo, at hindi ko kayang humingi ng tawad sa inyo. Ayoko na kayo makita, pero I'm sure mag kikita pa rin landas natin lalo na at sobrang attached kayo sa anak namin. Kung may mga nasabi ko sa inyo, you deserve that. I don't deserve na mapag kaisahan ng pamilya nyo to think na I've been generous and kind sa inyo kahit hindi pa kami kasal ng anak nyo. Oo, me ugali ako na hindi nyo gusto, pero what can I do? Yun ako. Mabait ako sa mabait pero masama ako sa masama!

To BIL: Sumosobra ka na talaga! Kahit walang tao sa bahay ang kapal ng mukha mo pumasok at manood lang ng porn using my tv! I hate you!

To SIL: Sorry, you've been good to me. Kaso hindi ko kaya pakisamahan pamilya mo. Hindi ko sila ma take... Thank you for always being there at thank you sa pagmamahal sa anak namin..
« Last Edit: January 19, 2011, 12:40:25 AM by yuanne1627 »

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1845
  • Addicted to Counter-Strike Again
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #53 on: January 19, 2011, 11:15:59 AM »
To F.I.L : pareho naman tayong walang pakialaman sa isa't-isa, ok na sana eh, kaso when you start to say bad things sa anak ko, things change na talaga... Super hate na hate kita, lolo ka pa man din, pero kung  kumilos ka parang wala kang isip. Kung meron mang BOBO at BALIW, sure ako ikaw yun!! ang kapal ng mukha mong tawagin ng ganyan ang anak ko!!! may sayad ka for treating my 2 year old kid that way! sana mamatay ka na! I HATE YOU!!!

To MIL: sana tigil-tigilan mo na ang pagiging bossy, epaloids mo! kala mo kung sino ka eh.. hindi ako one of your maids/employee, tandaan mo ako ang ina ng anak ko.. wag kang ma-feeling masyado, hindi porket ina ka, eh pare-pareho na ang pagpapalaki sa bata... i-open mo mind mo na may mga differences tayo... hindi ibig sabihin doable sayo, doable na din sakin... respect mo ang decision ng iba kahit iba sa gusto mo! may sarili akong diskarte kaya wag mo akong pakialaman, kasi di kita pinapakialaman...

MIL, wag mong kunsintihin yang matandang asawa mong halimaw, pagsabihan mo yan, kasi ang pangit ng ugali niya, sing-pangit ng mukha niya! may kasalanan ka din kaya he's making verbal abuse sa baby ko, coz you are allowing him to do so...

sana kayong dalawa, gamitin nyo ang naiiwang panahon nyo na gawing  masaya tayong lahat instead of sticking your noses where they don't belong!!
« Last Edit: January 21, 2011, 02:43:19 PM by mishmish »
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

amsalmo

  • "SACRIFICE is the only language of LOVE"
  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #54 on: January 19, 2011, 06:18:19 PM »
to: M.I.L, bwisit kang matanda ka edukado ka pa namang tao ugali mo parang hindi nag aral wala kang respeto sa kapwa mo! ang sama sama ng ugali mo nag galing mong manira ugali mo hindi mo nakikita. isa kang malaking tinik sakin pasalamat ka at na patitiisan pa.

B.I.L,ang yabang mo saksakan ka ng inggitero mag pundar nga kayo ng sarile yo ng hindi kayo ng hihiram.kug mag salita kato parang ang pepera yo o ano ngayon wala manlang kayong matinong gamit at yung asawa mo masyadong masitset kung ano itim ng gilagid ng asawa mo syang itim ng budhi.
greed will make you bleed

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1845
  • Addicted to Counter-Strike Again
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #55 on: January 20, 2011, 10:26:48 PM »
To SIL: Hoy babae!! ang kapal din ng mukha mo noh, kami ng nga ng baby ko ang biktima dito, pero kung umasta ka parang ikaw pa yung nasaktan??? sige magkampihan kayo! ayoko sanang i-wish ito eh pero sana gawin din sayo ng byenan mo ang ginawa ng tatay mo samin ng anak ko! tingnan ko lang kung di ka masaktan!!

all this time, sa kabila ng mga foul words na binato ng tatay mo sa baby ko, nanahimik ako! wala kayong narinig sakin! kinimkim ko lahat ng sama ng loob! ngayon nag-post lang ako ng "No to verbal abuse on kids" sa FB ko, aba aba aba, kabila't kanan ang pagju-justify ninyo sa ginawa ng tatay nyong hinayupak! tapos papalabasin nyo pa na ako ang nagpapalaki ng issue!? bakit may isa ba sa magulang mo ang humingi ng pasensya sakin?! kami na nga yung itong binastos at hindi nirespeto, pero parang ako pa may kasalanan?? bakit takot kang makalat sa buong angkan ninyo ang ginawa ng tatay mo? in the first place hindi ako nag-name drop, i didn't elaborate on things, simple lang sinabi ko, kahit sa mga replies ang sabi ko lang parents, grandparents, all the elders be responsible! GUILTY ka lang masyado sa ginawa ng tatay mo!!

Yan ang hirap sa inyo, kahit na may kasalanan na, pinagtatakpan nyo pa din, ang masama pa, pinalalabas nyong ako pa ang puno't dulo ng lahat!! you are all getting unto my nerves na!!! I hate all of you!!

Nanay ka na din! In time kung may nanakit sa anak mo, you'll know...

I hope masaya ka na kasi nag-aaway na kami ng asawa ko dahil sa pag-uusap nyo, ayan nakinig siya sayo, at ayun binura ang post kosa FB ng walang approval ko!!! I super loathe you!!!! kayong lahat sinisira ninyo marriage ko!!!!
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

emmie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #56 on: January 21, 2011, 06:59:23 AM »
[textspeak!]: Buksan mo yang mata mo. Ang tanda mo na panganay mong adik may pamilya na sayo pa umaasa! Hindi mo ba napansin na ang pinaka maayos sa lahat ng anak mo e ang mapapangasawa ko pero kung umasta ka lageng bida ang pangalawang anak mong tomboy naman! Imulat mo mata mo! Napaka Bias mo! May pagsasalita ka pa na ayaw mong mag asawa ng maaga ang bunso mong anak pero pinag asawa mo ang panganay mo na kahit kolehiyo hindi natapos! Ngayon na may trabaho na ang bunso nyo, wag na wag nyo na kami papakialaman sa mga desisyon namin at in time kung masaktan kayo dahil ako ang pinili nya, dahil yun sa hindi nyo pagtrato ng patas! Tanda nyo na isa pa ren kayong chismoso! Intindihin nyo na lang ang asawa nyo at baka makulong na yun sa kadamihan ng utang!

MIL- Mabait ka ng una. Yun pala mukha kang pera. Kumakampi ka sa tao basta bibigyan ka ng pera. Anong klaseng magulang ka? Nilalamon ka na ng bisyo mo, utang mo kabi-kabila, hindi mo na ipinagmakahiya ang mga anak mo! Ang anak mo nagpapakahirap sa trabaho para hingan mo ng pera para tustusan ang bisyo mo! Mahiya ka! Ginagawa mo syang bangko! Bakit hindi ka huminge dun sa magaling mong anak na tomboy na kala mo ang bait bait pag kaharap mo! Alam kong alam mo kung gaano ka diablo ang ugali nya! Hindi nyo na kami mapipigilan sa mga gusto namin ng anak nyo! Yang sarili nyo ang pigilan nyo pati yung dalawang anak nyo na parehas palpak!

SIL- Anak ka ng diablo! Hindi ka kayang idescribe ng isang masamang salita dahil lahat ng kasamaan ng ugali nasayo na! Nakatapos ka naman ng pag aaral kaso lage ka ata absent sa values education. Tingnan mo yang sarili mo bago ka umimik! Wala ka pang ginagawa at sinasabi napaka imoral mo na! Karma ang bahala sayo! At kahit sino hindi kayang makisama sayo! Wag kang kunware concern sa kapatid mo, kahit sya alam nya kung gano kasama ang ugali mo! Sumisimba ka naman diba nag no novena ka pa nga pro baket ganun, buti hindi ka nasusunog? Anyway, wag ka ng madaming sinasabi kase wala naman kaming pakialam sayo kaya wag mo kaming pakialaman!

BIL & Wife - BIL magtrabaho ka! Ano aasahan mo na lang ang asawa ko? Dati nang hiram ka ng pera sakin ng siningil ko ikaw pa yung nagalit na kala mo dinudukal ko lang yung pera! Kapal ng mukha nyong mag asawa! Na kung tutuusin kung wala ako e wala kayong handa ng birthday nya! Karmahin sana kayo! Wag kaung masyadong pakialamera palibhasa pareho kayong walang trabaho kaya wala kayong magawa! Mga pensionado pero may dalawang anak! Magbanat kayo ng buto mahiya kayo sa balat nyo kesa humithit ka ng humithit habang ang asawa mo puro facebook ang iniintindi at may yaya pa para sa dalawang anak! Kapal talaga!

ALL- Hindi ko makalimutan lahat ng ginawa at sinabi nyo sakin. Dadalhin ko yun hanggang sa kamatayan ko. Kayo ang naglayo ng loob ko sa inyo kaya wag nyo akong sisihin! Lage na lang ako ang mali sa mata nyo! At para alam nyo hindi nyo mbbrainwash ang bunso nyo dahil kahit sya e ikinahihiya ang baho ng pamilya nyo! Sana patawarin at kaawaan kayo ng Diyos!

-sissies, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib! Salamat!

carlijn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 74
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #57 on: January 26, 2011, 09:25:39 PM »
MIL: utang na loob naman kapag may okasyon ka na gusto puntahan sa kamag anak nyo pwede ba may iba ka pang anak na pwede mo gawin driver hindi yung puro asawa ko ang kukulitin mo pumunta para lang sunduin kayo sa bahay nyo at dumating sa pupuntahan nyo ng kala mo kung sinong sosyal dahil nakakotse ang pag-arrive nyo. At nakakawalang gana ka kausap, yung mga walang kwentang bagay kelangan pa ba talaga idetalye tulad ng mga hinahanda nyo dyan.  Hinde ako interesado marinig na i-enumerate nyo sakin mga pagkain nyo dahil wala naman kayo alam ihanda taon taon kundi puro yon. Wala kayong taste sa pagkain. Saka matuto kayo pag-aksayahan ang mas importanteng bagay kesa mga walang kakwenta kwentang bagay.  Saka bawas bawasan mo pagiging chismosa mo at pagsigaw mo sa apo mo.  Sa totoo lang kapag nakikita ko kung pano mo bulyawan pamangkin ng asawa mo nakakawalang gana, ayoko tuloy ipaalaga sayo anak ko kung sakali man kapag lumaki na sya at baka gawin mo rin ginagawa mo sa ibang apo mo.  Nakukuliling tenga ko sa pagsigaw at pagsita mo sa apo mo kapag dumadalaw kami sa inyo.

chin66ay

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 558
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #58 on: January 26, 2011, 10:17:01 PM »
wow mga sis i like this thread!

to [textspeak!]: papa, you've never worked a day in your life! di ka ba nahihiya sa sarili mo? mayaman ka nga, BUM naman! nagtatago ka kasi marami kang utang... sana binabayaran mo na lang mga utang mo kaysa nakatengga lahat ng lupa mo!

to MIL: naku actually nakakahiya ka. kasi daig mo pa mga kolehiyala kung pumorma. nagmumurang kamatis! maganda at sexy nga pero over sa pagpapapansin! middle life crisis yan! at bili ka ng bili ng mga expensive things to show off sa ibang tao -- sign  of insecurity. sayang matalino ka pa naman, bilib pa naman mga anak mo sa iyo pero may sapak ka.

[textspeak!] and MIL: sana naman tigilan na ang pag-aaway. di ba kayo naaawa sa mga anak ninyo? always blaming each other? siraan?

salamat na rin at binigay niyo ang blessing niyo sa amin ng anak niyo... yun ang pinakatmang desisyon na ginawa niyo sa buhay niyo.
yun lang, di ko akalain kalbaryo pa namin kayo!
Know what fate is? Building a bridge of chance for someone you love.

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1845
  • Addicted to Counter-Strike Again
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #59 on: January 27, 2011, 12:54:50 PM »
^^sis carlijn: parang yan din ang message ko kay MIL ah  :P

To MIL: bakit kaya ang daming mong kwentong barbero at kutchero? kala mo naman interesado ako sa mga chika mo!! kala mo lang yun... napipilitan lang talaga akong makinig sa mga walang saysay mong mga kwento na minsan naman eh paulit-ulit lang... tsaka pwede ba tigil-tigilan mo na yung pagpapahula mo sakin, like meron ka pang nalalaman na "o hulaan mo kung magkano to..."  ::) ::)  :o :o  sa totoo lang, nasasayang ang oras ko sayo!  ;D ;D
« Last Edit: January 27, 2011, 02:28:36 PM by mishmish »
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.