Count me in. Hindi pa ako tapos magaral pero mom ko na mismo nagsasabi sakin na magpakasal na daw agad ako. Isama mo pa yung mga cousins and relatives na magsasabing "Oh, kelan mo ipapakilala boyfriend mo samin?". Utang na loob ho, wala nga akong maipapakilala sa inyo e at saka 20y.o. pa lang ako inaatat niyo na ako. At may 4x na siguro 'tong sinasabi sakin. Haaay. Weird, right?
Naisip ko na lang na kaya ganun mom ko kasi all my 3 sibs are married and with kids na, tapos yung gap pa ng sinundan ko eh 13 years. Siguro naiisip nila na pag hindi pa agad ako magaasawa e maiiwan ako na magaalaga sa kanila (which is not a problem for me ;p). And siguro din kasi gusto na ulit nila magkaroon ng apo, lol jk.