-Dapat ibalik ang mga pulis sa kalsada, sila dapat ang nanghuhuli ng mga traffic violators. Ganun nung araw diba... ngayon puro MMDA ang nasa kalsada, wala namang mga baril, ang dala batuta... Kaya kalat na kalat ngayon ang krimen, dahil ang mga pulis nilagay nila sa presinto....
-Also, I agree with one child policy...
-Sa Education, Bakit ba kelangan dagdagan ng taon, dapat pag ukulan nila yung kalidad ng BAWAT taon.... Sa Japan nga diba pagkatapos mo ng highschool, siguradong may babagsakan kana...
- Ibaba nila ang tax.... Palibahasa puro kurakot.... If ibababa nila ang tax, mas gaganahan gumasta ang mga tao, mas iikot ang pera, mas lalago ang ekonomiya....
- Sa mass media naman, ang di ko maintindihan eh kung bakit di sila responsable sa pamamahayag, pati ba naman yung larawan ng mga taong lasug lasug na, kelangan pang ipakita, icensor pa kuno. Ikaw ba kung lasog lasog na katawan mo gusto mo ipakita pa sa TV, at ano nalang matututunan ng mga bata.
- Sana pag ukulan din ng gobyerno ang health system, kung malusog ang mga mamamayan, mas magiging maunlad ang ekonomiya dahil may mga malulusog na tao na may kakayahang paunlarin ito.
- Sa batas naman, sana baguhin nila yung criteria ng qualifications ng mga tumtakbo sa pulitika, hindi kung sino sino nalang, ginagawang perya ang pulitika.... At sana baguhin din ang qualifications ng mga botante, pati mga squatters pinapaboto??? duh! Tawagin na nila akong unfair, pero these people are not paying their taxes, so why should they be given the right to vote? Ineexploit lang nang mga salbaheng politicians ang mga utak ng mga taong yan para iboto sila sa papamagitan ng panunuhol...
Well these are all easier said than done... suggestions lang.
