Ako naman e episiotomy din. Masakit siya pero an hour after kong matahi, pinatayo na ako agad at pinaligo. Advised naman sa akin ng midwife e itutok down there iyong shower. Para tanggal lahat ang mga dried blood (if any). At pag umihi ka, sabayan mo buhos ng maligamgam na tubig para di mahapdi. 7 days after, pinatanggal ko ang mga buhol ng tahi kasi kumakagat sa sugat e ang sakit-sakit. Pag natanggal siya, oh my, what a relief!!! Ligo din ako everyday after kong manganak. Actually, twice a day pa para malinis iyong sugat. Pero dapat e mainit na tubig din pampaligo mo. Binawal lang sa akin ng huwag muna agad magbabad sa bath tub.