Get weekly updates via email!
tip of the day THU 02 OCT 14
Involve yourself in your child’s life by inviting his friends over for a playdate. While you’re at it, invite the mommies of his pals as well
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 37162 times)

sofiameredith

  • Girl Power!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 501
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #140 on: October 22, 2012, 10:33:26 AM »
i'm done with my 5hrs refresher course. masasabi ko naman na happy ako kasi kahit paano naging confident ako ng konti to drive sa kalye kasabay ng mga sangkatutak na sasakyan, singit na mga sidecars at moto,r alanganing pwesto ng mga jeepneys at mga taong patawid tawid. Basic lang talaga yung naturo sa driving school, ni hindi nga ako naturuang mag park at sa mga hanging. Yung will ko talaga na makapag drive andun eh, pero di ko maitakas yung car namin kasi sa malayong lugar pinapark ni hubby na need ko pa magcommute kung gusto ko puntahan. Just this weekend after nung lesson ko sa driving school, nagpractice ako using our own car. As usual, dami comment ni hubby, may nasanggi kasi akong mama habang nag u-u turn paalis sa amin, sobrang bagal nung andar ko at sobrang bagal din niya kasi tumawid kasama nung bike niya tapos di ko pa naapakan agad yung break at nakabig yung manibela kasi nga nangangapa ako kaya napaupo siya... baba tuloy si hubby para alalayan yung mama at mag sorry... di ako nasiraan ng loob tinuloy ko yung pagpapractice habang niraratratan ako sa sermon ni hubby....next weekend pa ulit ako makakapractice kasi dun lang ulit kukunin ni hubby yung car para mapagpractisan ko whew... :P
Feel the rhythm, Feel the rhyme!

devilish_einjel

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 724
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #141 on: October 31, 2012, 08:52:38 PM »
wow. so glad na hindi ako nagiisa.. haha.. anyway natuto ako magdrive late last year pa, pero yung tamang patakbo lang, and then nung March nag driving  lesson ako for 5 hours lang since may kunting background naman na ako.. pero hangang ngayon hindi ko pa kaya mag drive magisa, haha.. tatakot ako e. dapat lagi may kasama na marunong talaga.. I have my non-pro license din naman kaya minsan kapag may pupuntahan kami ng mga pinsan ko na malapit lang, like church or grocery, ayun kaya ko na mag drive ng kami kami lang.. pero yung kapag malayo na, nako dapat may kasama pa.. haha

yung parking din ng kotse papunta sa garage nahirapan din ako, maliit kasi yung garahe tapos may mga gamit pa sa gilid, hanging din.. nako lagi ako sumasabit sa gilid ng gate.. haha.. yung tito ko sa kabilang bahay lagi naman tinatawag para siya na gumawa ng paraan para maipasok yung sasakyan.. haha.. may gasgas kunti yung side ng car namin, haha.. pero ngayon kaya ko ng ipasok..

iamasinger

  • Whoa! I'm now a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1179
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #142 on: November 02, 2012, 12:25:48 AM »
Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob sa pagmamaneho. Mag-3 weeks ago I decided to use the car and drive my family to church. Ok naman na sana. Kaso habang palabas na ako ng village at magleleft turn to get to the opposite side of the road (highway po itong lalabasan ko as in Mc Arthur Highway dito sa Bulacan) biglang yung nakaparadang jeep sa gilid ng kalsada eh pinaandar ng driver at hinarangan yung view ko sa mga sasakyang nasa bandang kanan ko. Bigla akong nataranta at kinabahan kasi nakita ko may approaching ng Victory Liner bus sa bandang kaliwa ko. Sa kaba ko, narelease ko yung clutch ng bahagya nang konting apak ko lang sa gas pedal. Ayun! Namatay yung makina. Bale nakaharang na yung sasakyan ko sa kalahating part ng highway. Kaya yung bus hindi maka-abante. I was moving a bit slow nang biglang sa likod ng victory liner na bus eh may sasakyang nag-over take. Kinabahan na naman ako. Nang makaabante na yung SUV na nag-overtake at that time nangangatog na mga legs ko kaya hindi ko na matimpla ng tama yung clutch at gasoline pedals kaya namatayan na naman ako ng makina. I was so embarassed and disappointed. Kasi nakatingin sa akin yung bus driver, kundoktor at mga pasahero, yung driver na UV Express van na nakaparada sa kabilang kalye at yung driver ng jeep. Gusto ko ng umiyak at lumabas ng kotse para humingi na ng tulong sa sino man sa kanila. Then biglang may tumabing SUV sa kaliwa ko na galing din sa loob ng village at magleleft turn din. Sabi ng yaya ng anak ko, sumabay na daw ako dun. Huminga ako ng malalim at kinontrol ko ng husto ang nangangatog kong kaliwang binti na syang nagkokontrol sa clutch at nag-concentrate. Finally natawid ko din pero tumabi na muna ako at huminto. Sabi ng nanay ko, ipark ko na lang daw yung sasakyan sa loob ng village malapit sa gate at magcommute na lang kami. Hay! Nakaka-iyak talaga. Nag-u turn ako at bumalik sa village. Alam nyo bang noong umalis kami sa bahay namin eh tirik na tirik ang araw kaya nag-shades ako (dahil hindi namin pinalagyan ng tint yung salamin sa harapan ng kotse) pero nang magsimulang isampa ko yung gulong sa highway at namatayan ako ng makina eh biglang dumilim. Sa loob-loob ko pati ata langit eh hindi sang-ayon sa "pagdadrive" ko. Hindi ko na matandaan kung sa pangyayaring yoon ay 2 o 3 beses akong namatayan ng makina. Naiinggit tuloy ako sa mga lady drivers na nakikita ko na yung iba pa nga matanda na o yung iba mas bata pa sa akin at mga 4x4 pa o van yung minamaneho. Napapaisip tuloy ako na baka hindi talaga para sa akin ang pagmamaneho. Pinanghihinaan na ako ng loob. Akala ko noon, by December bihasa na ako sa pagmamaneho. Eh mukhang December next year pa magkakatotoo yun. :(
« Last Edit: November 02, 2012, 12:32:51 AM by iamasinger »
Love God above all else.

devilish_einjel

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 724
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #143 on: November 02, 2012, 01:37:24 AM »
^ sis wag tayo panghinaan ng loob, kung papadala tayo sa takot hindi talaga tayo matuto.. ako din nga e, kapag mag volunteer mag drive parang wala silang tiwala, nakakasama ng loob nakakababa pa ng self confidence.. pero kahit ganon ginagawa ko pa din.. ang problem ko naman natatakot ako sa mga nakakasalubong.. lalo na kapag masikip yung daan, minsan hindi ko maiwasan umiwas pagilid, syempre mali paano kung gilid na pala yun, edi hulog.. hay tiwala lang matuto din tayo sis.. saka wag ka lang kakabahan kasi mawala talaga tayo sa focus.. anyway, taga saan ka sis? nabasa ko kasi mc arthur daan niyo e

---
goal ko talaga makapag nlex.. hindi ko pa nattry.. mabilisan kasi ehh.. parang may phobia ako sa mabilis, lalo na kapag naririnig ko yng engine na bumibilis takbo tapos yung paligid na mabilis yung andar.. naaksidente ako before so natatakot ako.. sana ma overcome ko na..

web147

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 108
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #144 on: November 02, 2012, 09:16:28 PM »
sis iamasinger, wag ka mawalan ng pag asa. ganyan din ako dati try ko lang mag 3 point turn umaabot  ng ilang minutes nakakahiya sa ibang mga sasakyan mangiyak ngiyak din ako nun sa sobrang hiya. pati hubby ko nun sis nag cocomute kasi natatakot siya sa pag ddrive ko dahil lagi din humihinto yung sasakyan. ngayon sis okay na ko sa pagddrive. lakasan mo loob mo. tip din sis after mo press yung clutch press mo ng konti yung gas habang pakonti konti mo nirerelease yung clutch and make sure na naka gear 1 ka after mo mag full break. yan kasi lagi reason sakin nun kaya namamatayan yung makina

sofiameredith

  • Girl Power!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 501
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #145 on: November 02, 2012, 10:15:33 PM »
ako tinake advantage ko talaga 'tong mga long holidays na 'to para makapag practise...luwag kasi ng kalsada... kelangan ko masanay dun sa timing ng pagpalit ng gear mula 1st gear pa 2nd gear don ako nalilito eh....
Feel the rhythm, Feel the rhyme!

iamasinger

  • Whoa! I'm now a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1179
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #146 on: November 03, 2012, 12:01:07 AM »
salamat sa encouragement ninyong lahat.

web147, i was doing that sis... yung unti-unting release ng gas at clutch kaso that time nangangatog na yung left leg ko as in sobrang ngatog na visible na makikita mo kung nasa passenger seat ka. hindi ko yun na-experience noong nag-aaral pa lang akong magdrive. sabi ko nga sa mga previous post ko, hindi ako kinabahan ni katiting noon. but at that moment parang pinagsukluban ako ng langit at lupa... biglang dumilim yung paligid. then noong nakalampas na ako, umaraw ulit. napaka-dramatic nga noong eksena na yun. natatawa na lang ako kapag naaalala ko. hindi ko naman din magawang mag-practice mag-isa during weekends dahil i need to attend to my kids dahil yung asawa ko ay nasa abroad so weekend na lang talaga bonding namin ng mga anak ko as i have a regular day job during weekdays. lumuluwas pa talaga ako ng manila just to go to work. ang nakikita ko lang na mali ko at ngayon ko lang na-realize ay yung hindi pag-switch ng gear. i remember i was at gear 2 na dahil lagpas 20kph na yung takbo ko sa village. then noong nagfull stop ako, hindi ko na na-switch yung gear. i think i really need to go back to the driving school just to gain back the confidence. mentally kasi natatak sa isip ko yung sinabi ng husband ko na kailangan ko pang mag-aral. dati kasi ako lang ang nag-aaral magdrive until na-convince ko sya na mag-aral na din. at dahil nakabakasyon sya regular yung pag-aaral nya unlike sa akin na 3 saturdays lang ang session. so sa kanya hindi sya nangangapa ng husto kapag pumapasok sya, hindi tulad ko na every session parang start to zero na naman. eh that time, wala pa kaming kotse na pagpapractice-san hindi tulad noong nag-enroll mister ko, nagagamit nya yung bagong bili naming kotse sa pagparactice nya. nasasayangan tuloy ako sa non-pro license ko kung hindi ako matututong mag-drive.

devilish_einjel, sa malolos po kami nakatira.
Love God above all else.

web147

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 108
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #147 on: November 03, 2012, 12:18:03 AM »
^sis naimagine ko experience mo nakakatakot naman kasi talaga dahil mga bus pa yung kasabayan mo. may time din na umabot ako sa umayaw na ako sa pag ddrive kasi nagasgas ko kotse and nakasagasa ng pusa and aso. feeling ko sis ang bobo ko nun kaya sabi ko di na ako magddrive.kaya lang naisip ko sayang naman yung kotse kung di ko gagamitin kaya nilakasan ko lang loob ko.try ka muna practice sis sa subdivision ninyo. ako ginawa ko pa nanonood ng mga youtube videos about dun sa mga parkin :)

ilang hours yung driving lesson mo nun sis?

iamasinger

  • Whoa! I'm now a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1179
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #148 on: November 03, 2012, 06:06:48 PM »
nanood din ako sa youtube ng mga videos sa parking lalo na yung parallel parking. hindi kasi sa akin naituro yun at hindi ko pa din sinusubukan... 7 hours lang lesson ko. dalawang 2 hours at isang 3 hours. hinati yun sa tatlong sabado. first saturday nag-EDSA ako para ituro yung pag-U turn. 2nd saturday nasa parking lot lang ako sa buong 2 hours. tinuro sa akin yung perpendicular parking or wall parking both front and back wall facing. then yung 3rd session ko, lumabas ako ng EDSA, pumunta ng Quirino Highway then nag-Mindanao Ave. tapos diretso sa over busy na kalye na tig-isang lane lang per direction para puntahan yung training center ng A1. after nun, lumabas kami ng Commonwealth, then EDSA ulit hanggang sa makarating ng SM North. yaan yung mga napuntahan ko for the entire driving lesson. hindi ko alam yung hanging dahil wala kaming nadaanan na pwedeng i-apply yun.
Love God above all else.

jenie0519

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 155
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #149 on: November 05, 2012, 02:51:37 PM »
^Sis, binabasa ko lang ang post mo, kinabahan na ko, pano pa kaya pag ako na talaga ang mag-isang nagdadrive...  Hay dapat talaga maovercome natin ang mga nerbyos natin...

iamasinger

  • Whoa! I'm now a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1179
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #150 on: November 06, 2012, 01:59:05 PM »
kapag naaalala ko lang yung experience ko natatawa lang ako. kapag nga kinukwento ko sa kapatid ko na expert sa pagmamaneho (prof kasi license nya at pang-international) tawa lang ako ng tawa. sabi nga nya sana itinuloy ko na lang para lalo akong natuto.

ang hirap kasi kapag nagdadrive na may kasama ka. nandun pa yung dalawang anak ko at nanay ko kaya nakakatakot. extra ingat talaga.

dahil sa pangyayaring iyon, i take it as a learning experience. nakalimutan ko yung paulit-ulit na sinasabi sa akin na kapag full stop dapat change to gear 1. kaso yung sa akin walang change gear na nangyari. hehe. gusto ko na talagang bumalik sa driving school or gusto ko na may magbigay sa akin ng lesson na tuloy-tuloy. parang mas maganda tuloy yung 5 hours na tuloy-tuloy na driving lesson.
Love God above all else.

jenie0519

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 155
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #151 on: November 06, 2012, 02:26:42 PM »
^ang turo sa kin ng hubby ko pag full stop, mag neutral para di mamatayan ng makina... Yun naman ang nakakalimutan ko lagi gawin hehe...

deans2553

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #152 on: November 06, 2012, 02:45:39 PM »
nung nabasa ko ang thread na to, natatawa ako kasi naalala ko rin ang mga experiences ko nung new driver pa lang ako. (I am driving now for 10yrs) dati ang pinakamahirap sakin ay yung hanging, as in tumatalbog ang puso ko kapag madaan ako sa hanging road tapos biglang mag tatraffic! OMG talagang nakakanerbyos. Iniiwasan kong dumaan dati sa mga flyovers and kung saan man may paakyat na daan. But wala akong problema sa parking eversince kasi ok ako either parallel or kung ano mang klaseng parking yan. Pinractice ko ng pinractice ang hanging hanggang sa hindi nako kinakabahan. Ngayon I'm very much confident with my driving. Lakasan lang ng loob yan. Kaya wag mawawalan ng pag asa mga sis, gagaling din kayong mag drive!

rics

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 836
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #153 on: November 08, 2012, 03:12:03 AM »
ako nga automatic ang kotse pero takot na takot pa rin ako mag drive pano na kayo kung manual? hirap talaga kung wlang lakas ng loob specially that we are living abroad and although there is pubic transpo, iba pa rin if i can drive specially for emergency purposes when hubby cant drive for us.

kaya ko naman mag drive, pero ayaw ko yung feeling na stressful masyado ang activity na ito for me. madali rin ako kabahan lalo na pag katabi ko na yung mga bus or truck. tapos lalo ako kakabahan pag ang dami na sasakyan sa likod ko and gusto mag overtake.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

iamasinger

  • Whoa! I'm now a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1179
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #154 on: November 09, 2012, 07:29:40 PM »
sarap naman ng matic sis. kung ganyan lang ang binili namin, nakaluwas na ako ng maynila matagal na. isa ding dahilan kung bakit hesitant akong ilabas ng village yung kotse namin ay bago lang kasi ito tapos wala pa dito ang husband ko kaya nga sya noong nandito talagang sinabi nya sa akin na mag-enroll pa ulit ako ng driving lesson kasi parang wala syang tiwala. parking pa nga lang, stress na stress na ako dahil sa kanya. grabe kung maka-react kapag magtu-turn na ako papasok sa garahe namin. akala mo naman eh ibabangga ko yung kotse.
Love God above all else.

rics

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 836
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #155 on: November 10, 2012, 04:04:12 AM »
sobrang stressed-out din ako pag nagmamaneho ako then hubby is beside me. hindi ako makamaneho ng tama since im very conscious about his reaction. konting mali lang dami na comment. kaya lalng ayaw ko na mag drive eh.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

roxybrat

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
  • wife, mom and
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #156 on: November 21, 2012, 09:24:38 PM »
been driving now for more than a year na.. longest drive ko is batangas.. ang pinaka praktis ko talaga e un pagsundo ko sa anak ko.. dun ako nasanay kc araw araw.. pero kapag ang daddy at hubby ko kasama ko sa kotse feeling ko bagong driver pa rin ako.. ang dami kasing sita.. hahahaha.. basta lakasan ng loob lang yan mga sis... :)
"Lets turn our mistakes into lessons and our fears into hopes. We should have a faith in ourselves and keep strong!"

yezzi

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 271
  • I M POSSIBLE
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #157 on: November 22, 2012, 04:02:14 PM »
^me too sis practise ko is pag sundo sa mga anak ko sa school ;D I need to practice more on reverse bay parking, I can park na yung parallel and yung front, yung reverse talaga, tagaktak pawis ko lol! It affects din siguro na bago ang car kaya takot na takot ako madikitan :-\ :-X and If someone is assisting me sa pag park like baba kasama ko then siya magsasabi san ako gagawi MAS nalilito ako ::), pero napapark ko naman, medyo matagal nga lang ;D
love & get hurt, get hurt & learn, learn and love again :)

roxybrat

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
  • wife, mom and
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #158 on: November 22, 2012, 06:38:43 PM »
^ako din sis medyo sablay pa sa parking until now.. pero basta keep on practicing.. deadma ko na lang un ibang naiinip kapag nagtatagal ako sa pag park.. hahaha.. basta dapat wag agad agad ma-discourage, kasi sila rin naman dumaan sa stage na yan.. kaya just keep on driving mga sis.. :)
"Lets turn our mistakes into lessons and our fears into hopes. We should have a faith in ourselves and keep strong!"

iamasinger

  • Whoa! I'm now a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1179
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #159 on: November 26, 2012, 03:24:36 PM »
i stopped driving, dear sisses. i tried two weeks ago to bring out the car from the garage pero sablay ako. hindi ko mailabas dahil sasabit na sa gate yung side mirror ko kahit na itiklop ko pa. hindi kasi ako ang nag-park last time at naidikit ng husto ni manong driver (yes I hire driver due to my cowardness) sa kabilang gilid yung kotse dahil na din sa pag-iwas nya sa pedicab na nasa garage din. i tried going in again pero nalito na ako sa dami ng mga instructions na naririnig ko from my mother and the other one our house helper. hayun, iniwan kong nakalabas ang kalahati ng kotse sa gate namin. na-frustrate na naman ako dahil doon. naiinis na nga ako sa sarili. hirap na akong i-encourage ang sarili ko to try driving again. :(
Love God above all else.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.