sis
proudmama, lakasan lang talaga ng loob yan at dapat confident ka.
Yung problem mo na naka-stop at 1st gear ka at namamatayan pag-andar, yan din ang problem ko dati. Dapat makuha mo yung 'biting point' ng clutch. Yun yung pag inangat mo ng dahan-dahan yung clutch, mararamdaman mong parang nag-rerebolusyon yung makina then dapat yung naka-ready ka na sa gas para smooth ang takbo, hindi ka mamamatayan ng makina.

Dati akong frustrated lady driver pero proud lady driver na ngayon

Last year ko lang nakuha ang non-pro license ko sa pinas pero nagddrive na ako since I was 15. So mejo boost ng confidence yan. Pero ayaw pa din ipadrive sa akin ng tatay ko yung sasakyan namin na ako lang mag-isa. Pero one time pinayagan ako, sobrang proud na ako nun. haha. Tas ok na sa kanyang idrive ko mag-isa yung sasakyan namin, confident na din sya sa driving ko.
So eto na, nagpunta ako dito sa UK. Napabili ako ng kotse (manual transmission din) ng di oras kasi napilit ako ng kaibigan ng nanay ko na andito. Although marunong na akong mag-drive, kelangan kong mag-practice dito kasi right-hand drive dito.
Kumuha ako ng driving lessons dito para lang masanay. Sabi nung instructor sa akin, masyado daw akong nasa left ng road which is understandable kasi nga left hand drive sa pinas. So pag wala akong driving lessons, dina-drive ko na yung kotse ko para makapag-practice (license sa pinas ang gamit ko na valid for 1yr dito). Hanggang sa naging confident na ako. So kuha na ako ng theory exam, naipasa naman (thank God!) para makakuha ng practical exam para maging full UK license ako.
So tuloy pa din ang pag-ddrive ko dito habang naghihintay ng schedule ng practical exam ko. Sabi nga sa akin ng isang kaibigan ko, ang galing ko na daw mag-drive

Syempre proud naman ako. Mahirap lang talaga mag-drive sa central London kasi sobrang trapik at marami ding g*gong drivers.
Nung malapit na practical exam ko, nag-lessons ulit ako. 2nd to the last lesson ko before the practical exam, parang wala ako sa sarili. Sabi sa akin ng instructor tingin nya hindi pa daw ako ready mag-practical exam , nitong October lang yan, nag-ppractice na akong mag-drive since June. Para akong sinabugan nun. Sabi ko hindi, kaya ko ng mag-drive at kakayanin ko ang practical exam.
Nung araw ng practical exam, may nerbyos pa din ako. Although kasama ko ang instructor ko sa likod ng kotse, wala naman syang say eh. Mag-oobserve lang sya sa akin. Ang katabi ko yung examiner. Kaya after nung practical exam, dun lang ako nakahinga ng maluwag. At nung sinabi sa akin ng examiner na napasa ko yung practical exam, napa-iyak talaga ako sa tuwa! Pati instructor ko napayakap sa akin sa tuwa din siguro. Di nya akalain na mapapasa ko. haha.
Kaya mga sis, kaya natin yan!! Wag kayong madala or mag-panic pag sinisigawan kayo ng nag-tuturo sa inyo. Hayaan nyo sila. Basta dapat cool lang at focused sa pag-ddrive
