Seriously, nabasa ko ang FB mo and it seems ganun pa rin ang modus operandi mo sa panliligaw. Haller, 40+ ka na! It's about time you try another tactic. BTW, hindi ko na sisingilin ang utang mo saken. Malaki-laki rin yun pero mukhang hanggang ngayon mas kinakailangan mo pa rin ng pera. Sa totoo lang, parang wala pa ring asenso ang buhay mo kahit nakita ko sa FB mo may bago kang sasakyan after 10 years. Congrats. Pero buti nalang talaga hindi tayo nagkatuluyan kasi siguro up to now, wala pa ring nangyari sa buhay ko. Sabi nga ng tatay ko tungkol sayo, "payat ka na nga anak, papaubos ka pa ng dugo sa linta na yun."
Finally, kita ko yung FB nung bago mong gf. Mas mukha pang madalas maligo ang maid namin ngayon kesa sa gf mo - although magkahawig sila. Desperate measures?