Get weekly updates via email!
tip of the day TUE 29 JUL 14
Learn more about your country while keeping fit! Take a walking tour in Intramuros or any historical landmark near you.
  • Good House Keeping
    The July issue is our Makeover Special! Be inspired by the weight-loss successes of The Biggest Loser’s Kayen Lazaro and Osie Nebreja, who entered the reality TV show simply wanting to lose weight but ended up gaining whole new (healthier!) lives.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Jumpstart your best body today with this month’s best foods special. Women’s Health shares over 100 of the best packaged foods for women, sourced from leading supermarkets, specialty stores, and delivery services.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Love Quotes ( Thread 2 )  (Read 129197 times)

monkeybusiness

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 200
  • a little bit of everything, all rolled into one.
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #20 on: September 28, 2010, 12:30:24 PM »
I may not have loved you the way you expected me to, but i did it in the only way i know how, with all my heart and soul..

pa-share sis...  ;D

silke

  • matabil
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 530
  • I think therefore I am
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #21 on: September 28, 2010, 02:18:41 PM »
^ sure sis!

happylady

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #22 on: November 03, 2010, 04:46:54 PM »
There is a difference between Goodbye and Letting go..
Goodbye is.. "i'll see you again when i'm ready to hold your hand, and your ready to hold mine.."
Letting go is.. "i'll miss your hand, i realized its not mine to hold, and i will never hold it again.."

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #23 on: November 25, 2010, 12:25:57 AM »
More than friends but less than lovers. Same feeling but not one heart. Some say it is love, some say it is a games. A short time happiness with a bitter end. Both lost, all fail. Cause MU is nothing but a fake fairytale.


PSEUDO – RELATIONSHIP
No commitments involved. You are uncertain ton your role in his/ her life. You can’t expect him/her to be always there for you. You can’t demand. You can’t be jealous. There is no US. Meron lang “me” and “you.” You can’t be sure of his/her feelings for you. And this will make you wonder where you are in the relationship or if there is a relationship at all. But why do ithers still settle for this kind of relationship? For fun? Kilig feeling? Para lang may makasama habang wala ang real thing? Maybe. But if one gets cold then that’s the end of everything. The relationship is false but surely the pain is real. You will be miserable hoping to being back what you used to have. Only to find out that he/she has another pseudorelationship with somebody else. Hirap no? but that’s the consequences kasi from the start wala ka na,ang pinanghahawakan dahil PARANG kayo lang pero hindi naman talaga. At usually hanggang dun na lang. Hay ironic no?
"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

pinkcheeks

  • I'm the Milktea Monster!
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 307
  • If it's pink, I'll take it!
    • Toy Photography by Love, Pinkcheeks
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #24 on: November 25, 2010, 05:32:39 PM »
It's hard to wait for something you know will never happen.
But it's harder to stop when you know it's everything you ever wanted.

Is it turning over this time? Have we really changed our minds about each other's love? All the feelings that we used to share, I refuse to believe that you don't care.

It never hurts to try if it’s for something that you can only find once in your lifetime…

Ask me why I keep on loving you when it’s clear that you don’t feel the same way for me… The problem is that as much as I can’t force you to love me, I can’t force myself either to stop loving you.
I love traveling and toy photography!

Travel Blog: http://schergoesplaces.blogspot.com
Toy Photography: http://www.facebook.com/lovepinkcheeks

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #25 on: November 27, 2010, 05:22:22 PM »
1. Wag mo pilitin ang puso mo na tumibok sa taong di mo gusto at lalong wag mong pilitin tumibok sayo ang puso ng taong di naman ikaw ang gusto.

2. May pagkakamali na mahirap itama, mga pangyayari na di mababago. Minsan, akala natin may babalikan pa tayo pero pano kung yung taong yun ay napagod na sa dami ng pagkakamali mo? Paano ka na?

3. Pag may girl na nagsabi sayo na mas maganda sya sayo in any manner for any reason, i- head to foot mo and ask her, “ay talaga?maganda ka?sang banda? tska iha, spell ASA!”

4. Wag mo alalahanin ang mga taong di nag- aalala sayo baka pag naalala ka na nila, di mo na alalahanin na inalala mo sya noon.

5. Kahit gaano nyo pa kamahal ang isa’t isa, kung di talaga kayo gagawa at gagawa ng dahilan ang panahon para hindi kayo magkatuluyan.

6. Wag mong ipakitang nalulungkot ka sa ibang tao kung wala ka naming balak magbahagi ng problema mo prara kang nag – alok ng candy pero hindi mo naman ibibigay.

7. Minsan gusto na kita pakawalan pero minsan gusto ko lang na kasama ka kaya hangga’t di ko pa alam kung ano talagang gusto ko, subukan na lang natin na magsama habang buhay dahil masaya akong kasama ka.

8. Barkada days aren’t over. We still find time to see and to talk to one another. Minsan nga sabi ng mga tao, “Sino sila? Barkada mo noon?” Sabi ko, “Di ah. Barkada ko habang panahon.”

9. Minsan ang ibang tao pag tinitignan mo mukhang masayahin, pag nakakasama mo kalog, pag naging kaibigan mo gusto laging masaya pero ang hindi mo alam pag mag- isa lang din yun napapagod din sya sa ikot ng mundo at kaya lang din nya nakakayanan ay dahil sa mga kaibigan nyang tulad ninyo, tulad mo.

10. Do you know where the best place in the world is? It is right beside a friend who is always there for you when you feel you’re alone. Usog ka, tabi tayo.

11. Katangahan bang lumapit ka kahit umiiwas sya? Magpapansin kahit binabalewala ka lang nya? Maghintay sa wala? Ikaw ba ang t**** dahil umaasa pa o sya na di makaunawang sobrang mahal mo sya?

12. Daga1: Ako tapang, kain ako racumin
Daga2: Mas tapang ako, kain ako cheese with mouse trap
Daga3: Tapang ako sa lahat!
Daga 2: Bakit?
Daga3: Girlfriend ko pusa.
Makes sense? Be brave enough to love someone whom you know might kill or hurt you in the end. (akalain nyo may lesson pala yun.)

13. It’s hard to let go of the different memories you’ve shared with a relationship. When you remember the tears, you’ll laugh. Funny isn’t it? But when you remember the laughs, bakit kaya nakakaiyak?

14. Wag kang masyadong sweet sa isang tao lalo na kung iba ang laman ng puso mo mo dahil yan kapag nahulog sayo, madadagdagan na naman ang mga emo.

15. Alam mo masaya ako kasi nakilala kita, napalapit ka sa puso ko at naging bahagi nito pero alam mo kung ano ang pinakamasaya at pinakamaganda sa lahat? Yung hindi ka nagbabago kahit magkalayo tayo.

16. Kelan natatapos ang pagkakaibigan? Kapag iniwan ka nya? Kapag di ka nya tinulungan? Kapag nawala na ang tiwala mo sa kanya? O kapag sinimulan niyo ng mahalin ang isa’t – isa?

17. Iba ang saya kapag kasama ang topa. May tawanan, iyakan, kacornihan at syempre asaran. Minsan naisip ko the best talaga si Lord noh? Kasi sa dami ng tao sa mundo, pinagsama- sama nya tao.

18. Tinanong ko si Soulja Boy yesterday sa kanto. Sabi ko: soulja boy, sinong bestfriend mo? Naiyak ako. Souljaboy: YOU! Wee. Nakakatouch naman.

19. Ang pagkakaibigan natin ay walang katapusan sa kwentuhan man o inuman pangakong walang iwanan. May yosi man o wala. Ambagan man o taya. Sa kasiyahan o awayan. Tropa hanggang kamatayan.

20. Pag may mahal ka, wag mo ibuhos ang lahat. Wag mo ipakitang mahal na mahal mo sya. Baka dumating ang araw ng magsisi ka dahil baka sabihing nyang, “Mahal mo naman ako di ba? Di ka naman magagalit kung iiwan na kita?”

21. Sabi nila ang pag-ibig mahirap maintindihan, mas mahirap pa pag umasa ka, pero ang mas mahirap, ay hindi ka naman aasa, kung di ka binigyan ng rason para umasa diba?

22. Bakit kailangan makilala mo ang taong magpapatibok ulit ng puso mo pero hindi naman pala para sayo? Para saan pa ba sya? Tagahilom ng sugat ng nakaraan o tagadagdag ng sakit na nararamdaman?

23. Bakit kaya ang daling lumipas ng panahon? Parang ngayon masaya ka tapos maya-maya malungkot naman, nakakatawa diba? Parang kahapon lang hawak mo sya tapos napikit ka lang, hawak na sya ng iba.

24. Hindi madaling magmahal ng iba, lalo na kung sa nakaraan ay may minahal ka ng sobra, pero minsan kailangan kalimutan ang nakaraan dahil ang magandang dahilan ay matatagpuan mo, sa kasalukuyan.

25. Masakit isipin na nagmahal ka sa taong alam mong di pwedeng mahalin. Subalit pano mo sya matututunang kalimutan, kung habang dumaraan ang mga araw, mas lalo mo syang minamahal..

26. Paano kaya kung kalimutan mo na sya, yung as in limot, tapos nagkita ulit kayo paglipas ng mga taon,masabi mo kayang “Kumusta?¨ Tapos ang sagot nya: “Eto,mahal pa rin kita¨

27. I’m not asking you to stay forever in my life. Just stay as long as you like no whys, no hows, no buts, no promises. Basta nandyan ka, it’s more than enough.

28. In love, when break up comes and its time to say goodbye, don’t doubt the love just because it didn’t last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn’t mean na di na totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang un. Bless the parting and move on. Expect the tears, sorrows, sleepless nights and pain. Ika nga, it’s when you were hurt the worst that you love most. Kung di ka willing masaktan, wag ka na lang magmahal.

29. Bawat tao may kapaguran. Pagod magmahal. Pagod umiyak. Pagod masaktan. Kaya ikaw, pahalagahan mo ang mga taong nagmamahal sayo dahil pag napagod yan kahit mahal ka nya, iiwan ka rin nya.

30. Masakit pag mahal mo, may kasamang iba. Naiinggit ka dahil lagi silang masaya, pero di mo lam pag ika’y nakatalikod, nakatingin sya sayo habang sinasabing: “Sana ipakita mo namang nagseselos ka!”
"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #26 on: November 27, 2010, 05:25:06 PM »
31. Pag may mahal ka, di mo maiwasang magduda. Minsan sinusubukan mo pang hulihin sya pero pano kung mapatunayan mong tapat talaga sya? Kakaguilty ba? Na habang sya nagtitiwala, ikaw naman puro panghihinala!

32. May mga bagay na kahit alam nating mali pinipilit nating maging tama. Bakit? Kasi dun tayo masaya. Kaw, ano pipiliin mo: tama na malungkot ka o mali pero masaya ka?

33. Sa buhay barkada mahina ang konsensya mas malakas kumapit ang impluwensya kaya kung ano man nakuha ko sayo, mabuti man o hindi, nagpapasalamat ako kasi nagkatropa ako ng isang malupit na tulad mo.

34. Do you know that the words “kaw talaga” are sometimes used as a replacement for saying “I miss you.” Hindi mo alam yun no? IKAW TALAGA: )

35. Minsan lang sa buhay ng isang tao ang makahanap ng tunay na pagmamahal. Pero ano nga ba ang sukatan ng tunay na pagmamahal? Roses? Chocolates? Gifts? Kisses? Sa palagay ko mahal nya ako kapag pumunta sya sa bahay namen kahit umuulan, walang payong, inaapoy ng lagnat tapos bigla nyang sasabihin, “Sumugod na ako para makita ka. Alam mo naming ikaw ang gamot ko di ba?”

36. “Kung sino may kailangan sya ang dapat lumapit.” Paano yung nalulunod? Sya din ba ang lalapit? Laugh, but look beyond the joke. It’s not always the people with worries that should come to us for help. Sometimes, we need to be sensitive enough to know when to make the first move.

37. Minsan kelangan ko magparamdam sa mahal ko, sa kaibigan ko, sa tropa ko, sa ka- berks ko o sa katext ko kasi kung hindi baka magulat na lang ako isang araw tapos ang reply na lang nila saken eh “Who’s this?”
38. Hindi ko masabing kaya kong mabuhay ng wala ka kasi nabuhay na ko bago pa kita nakilala. Siguro mas magandang sabihing, “Ayokong mawala ka kasi masarap mabuhay kasama ka.”

39. May minahal ako pero iniwan ako, syempre masakit. Hinabol ko sya sabi ko, “Mahal kita at kelangan kita.” Alam mo sabi niya, “If you need me, I need someone too but definitely it’s not you.”

40. *Bakit ka nagpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
*Wag kang magpapakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.
*Matuto kang sumuko at mang- iwan kung lagi ka namang sinasaktan.
*Imbis na magtanong ka ng, “hindi pa ba sapat?” Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
*Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.
*Wag kang magpadala sa salitang “Sorry” at “Ayokong mawala ka.” Kung totoo yun, papatunayan nya.

41. Ako raw yung taong devil. Minsan lang mabait pero hindi nila alam na ako yung devil na dadamay sa’yo oras na iwan ka ng mga mapagpanggap na anghel mo.

42. Hindi ako magagalit kung hindi mo ako mahal. Hindi ako magagalit kung may mahal kang iba dahil alam ko masaya ka pero siguro ang ikakagalit ko lang ay pinaramdam mo na mahal mo ako tapos hindi naman pala totoo.

43. If I was an angel, I’ll guide you all the time. If I was a genie, I’ll take and grant all your wishes. But I’m just a nurse so wala lang. BP BP lang!kuha TPR pati inject inject tapos silence silence para sabihing therapeutic communication. hehe.

44. Minsan umiiyak tayo pag nasasaktan. Sa pagluha natin nailalabas ang lungkot na nararamdaman natin pero minsan nagkukunwari akong maligaya sa harap ng iba. Tumatawa ako kahit ang totoo, hindi ko na kaya.

45. Milyong tawa na ang pinagsaluhan, ilang away na ang pinagdaanan. Heto pa rin tayo, buo at patuloy ang samahan. Sana kahit kelan, walang bibitiw sa lubid ng barkadahan.

46. Sabi nila, wag na wag mo hahayaan mapalayo sayo yung mahal mo dahil baka makuha pa ng iba. Sabi ko, di ko na kailangang gawin yun kasi kahit nasan pa sya kung mahal nya kong talaga, hindi sya magmamahal ng iba.

47. Dumating ako sa buhay mo, hindi ko alam kung nakadagdag ba ako ng problema sayo. Basta happy ako kasi sa buhay ko, nakilala ko ang gaya mo.

48. Ang pinakamahirap na parte ng paglayo sa isang taong hindi ka kayang mahalin ay ang pakshet na katotohanang hindi ka nya hahabulin.

49. Iba ang tinititigan sa tinitingnan. Ang tinititigan sa siang bahagi lang nakatingin. Ang tnitingnan, buong bahagi ang sinusuri. Iba rin ang iniintindi sa inuunawa. Ang iniintindi, pinipilit sa isipan. Ang inuunawa, alam kung bakit dapat ipilit sa isipan. Kung kaya dapat tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin.

50. Sa bawat duty at case study, sa bawat NCP at case presentation, sa bawat ret. dem samahan pa ng major exams at compare pati quali. Sa lahat ng BSN students. Konti na lang tol, tayo na ang magiging mga pasyente.

51. Minsan kahit ikaw ang naka – schedule, kelangan mo pa rin maghintay kasi hindi ikaw ang priority.

52. GF: Spell mo nga yung EMPTY?
Bobong BF: Uhm hindi ko alam eh, pero try ko. Dobol u – ay – ti –eych – ow – yu- ti – way- ow – yu?

53. Mahirap magmahal ng taong hindi sayo. Masasaktan ka kahit hindi dapat. Iiyak ka kahit hindi kayo. Pero higit na masakit ay alam mong mahal ka rin nya pero walang pagkakataon para mahalin ninyo ang isa’t isa.

54. “Para kay daddy at mommy, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.”
- Nobita
“Ang tunay na kayamanan ay pagkakaibigan.”
- Mojacko
“Kung mag- aaral ka lang ng mabuti, matutupad o lahat ng pangarap mo.”
- Doraemon
“Hindi masusolusyunan ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.”
- Meowth
“Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay.”
- Tom Sawyer
“Pa- minsan minsan, kelangan din natin matikman ang pagkatalo.”
-Judy Abott
Sino ang nagsabing wala tayong matutunan sa cartoons?

55. CUTE STORY
Since her crush didn’t talk to her, the girl missed him so much. One night while walking she saw her crush with another girl. Know what she did? She called her crush saying, “Hi baby! Sino sya? Sabi mo sabay tayong kakain? May kakausapin ka lang pala. I love you.” Her crush blushed and the girl who is with her cursh said, “O kayo nap ala ng cursh mo eh. Pahingi – hingi ka pa ng advice.”

56. Wag mo ipakita sa mga tao na malungkot ka kung wala kang balak magbahagi ng problema. Para kang nag- alok ng candy pero hindi mo naman ibibigay.
-Doraemon

57. Minsan ang mga bagay na pinapayo mo sa ibang tayo ay mas epektibo sa iyo.

58. Kapag dumating ang araw na naramdaman mong dalawa ang mahal mo, wag kang mamili pa. Dun ka na lang sa pangalawa. Bakit? Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung talagang mahal mo pa yung una, di ba?

59. Masarap maging single. Solo mo time mo. Walang dumadagdag sa problema. Hindi ka obligado magtext. Ang pagiging single ay talagang masarap pero di ko sinabing masaya.

60. Ang puso ko parang rubix cube. May susubok buuin pero susuko rin. May pipilit bumuo pero iiwan rin. Pero may taong dadaan at aayusin, at pag nabuo na bigla ulit sisirain.

"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #27 on: November 27, 2010, 05:26:26 PM »
61. MGA DAPAT TANDAAN ng mag- M.U.
1. Wag masyado mag- expect. Wala kayong commitment.
2. Pwede ka pagselos. Pwede ka magtampo.
3. Pwede makipagdate sa iba pero wag ng magpaalam.
4. Pwede mo sya lambingin.
5. At pag nakita mo syang may mahal ng iba, pwede ka umiyak. Pwede masaktan. Pero hindi mo sya pwedeng sumbatan dahil wala kang karapatan.

62. Minsan mahirap ibalik ang nangyari na. Mahirap magsisi kung huli na ang lahat. Minsan mahirap umiwas kung mahal mo talaga. Hirap din magmahal kung hindi naman talaga kaw ang minamahal niya.

63. Paano mo malalaman kung mahal mo isang tao? Kapag hinahanap-hanap mo ba? Kapag nami-miss mo? Siguro. Pero mahal mo talaga kapag masaya ka basta masaya siya, kahit sa piling ng iba.

64. Pinahalagahan kita, niloko mo ako. Inalagaan kita, pinabayaan mo ako. Minahal kita, sinaktan mo ako. Pinakawalan kita, iniwan mo nga ako.

65. Alam ko kung paano umiyak kasi umiyak na ako sayo. Alam ko kung paano masaktan kasi sinaktan mo na ako. Alam ko kung paano umasa kasi pinaasa mo na ako. Pero alam mo kung anong hindi ko alam? Hindi ko alam kung paano magmahal kasi kahit kailan hindi mo naman ako minahal.

66. Ganyan ka na ngayon, di mo na inisip na may masasaktan sa ginawa mo, inisip mo lang yung sarili mo. Bakit ba ganyan ka? Talaga bang manhid ka lang o di mo nga talaga ako mahal?

67. There are times I want to be mad, there are times I want to give you up, there are times I want to cry, but no matter how many times I think about that, I always end up saying "t*****, mahal nga kita".

68. Paano ko sasabihin na mahal kita kung pag-aari ka na ng iba? Masakit man pero kailangan kong tiisin na kahit mahal kita, hindi na pwede kasi kanya ka na!

69. Masakit man isipin, alam kong may iba ka na. Ayoko man tanggapin, alam kong mahal mo talaga sya. Kaya ngayon, nandito ako nag-iisip, minsan umiiyak. Siguro dahil ikaw pa rin talaga.

70. I hate you! Why? Coz I don't hate you now, not even a little, not even at all. Galit ako sayo pero higit sa sarili ko dahil hindi ko magawang kalimutan ka hanggang ngayon.

71. How could you easily forget someone whom you love more than your life, whom you give almost everything even your own happiness, then suddenly tell you, "Sorry, di na kasi kita mahal e, sya na mahal ko."

72. Di ko ginusto, nahulog lang ako sayo. Di ko pinigilan kasi akala ko mahal mo rin ako. Di ko akalain, masasaktan ako ng ganito. Di ko napansin, mukha na pala akong t****. Pero wala ka nang magagawa, mahal na kita.

73. Sayang, di ko sya binigyan ng isa pang pagkakataon. Sayang, sinarado ko agad yung puso ko. Sayang, iniwan ko na lang sya basta. Akala ko kasi mahal mo ko, di pala.

74. Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, sino lang yung natirang nagmamahal? Ako lang diba?

75. Sabi nila mang-gagamit ka daw. Sabi nila hindi mo naman daw ako mahal. Sabi nila nagtitiis ka lang daw sa akin. Sabi ko sa kanila, handa naman akong iwanan mo ako e, makita lang kitang masaya.

76. Akala ko mahal mo ako? Akala ko ako lang? Akala ko di mo ko sasaktan? t*****! Akala ko lang yun! t**** ko noh? Akala ko kasi di mo ko iiwan e, sinungaling ka pala.

77. Alam mo mahal kita. E ano naman pala sayo? Wala lang diba? Kahit na magmukha na akong t****, ginawa na lahat at iniyakan ka, alam kong wala pa ring kwenta. Simpleng kaibigan lang naman ako diba?

78. Lord, let me accept the fact that this is the farthest that I can get, the closest I could be and the clearest that I shall see and no matter what I do, I can never make him love me too. Hanggang dito na lang talaga ako.

79. Bakit kaya may mga taong gustong mag-isa? Ako, ayoko nga! Malungkot. Nakakabaliw. Nakakagago. Nakaka-irita. Nakakamatay. Kayo ako, hinding-hindi kita iiwan kasi ayokong mangyari sayo yung ginawa mo sa akin.

80. Ngayon ay iniiyakan mo sya dahil nagkamali ka, pinaglaruan mo ang kanyang puso. Pero ngayon, hinahanap mo sya dahil mahal mo pa pala sya. Pero huli ka na, dahil puso niya'y akin na.

81. Mahal kita, matagal na. Alam ko din na mahal mo sya. Pero, sinabi ko pa rin sayo yung nararamdaman ko. Tapos, nagkita tayo, lumapit ka, sabay hirit: "Uy! Kami na!"
82. Umiyak ka? Dahil sa kanya na naman? Mahal mo sya diba? Pero may mahal syang iba. Ang sakit noh? Pero sana isang araw, malaman mo na di lang ikaw ang nasasaktan. Di mo lang napapansin na nandito lang ako, nagmamahal sayo.

83. Nung sinaktan mo ako, umiyak ako. Nung iniwan mo ako, tinanggap ko lang. Hindi kita pipiliting maging akin dahil alam ko kung ano ang magpapasaya sayo, sya.

84. Mahal kita, mahal mo sya. Sya naman di ka kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Ikaw kasi g**o, sya naman manhid. Parang ikaw at ako… ikaw yung manhid, ako naman nagpapakagago sayo.

85. Miss you! Sobra! Grabe! Di ko nga alam bakit basta alam ko miss kita. Ah! Alam ko na dahilan! Kasi mahal kita, mahal na mahal! Ikaw? Miss mo rin ba ako?

86. Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo noh? Dahil akala ko di kita kailangan, akala ko di kita mamahalin pero mali pala ako. At nung inaakala kong minamahal mo ako, ni minsan, di pala nagkatotoo.

87. Naiisip mo ba kung paano buhay mo nang wala ako? Siguro normal pa rin lahat para sayo. Pero sa akin? Siguro magmumukmok ako sa isang tabi nag-iisip kung bakit yung buhay ko parang kulang.

88. Kapag wala ka na, di na ako iiyak. Kapag wala ka na, di na ako malulungkot. Kapag wala ka na, di na ako matatakot. Kapag wala ka na di na ako magmumukhang t****. Alam mo kung bakit? Kasi wala na rin ako.

89. Mahal mo pa sya? Mahal ka ba niya? Kasi may gusto sana akong sabihin, mahal kasi kita e! Kaya lang huli na ata. Pero kung wala na sya, nandito lang ako, naghihintay.

90. Sabi mo mahal mo ako, sabi mo rin seryoso ka. Nag-promise ka pa nga diba? Yun naman pala e, pero bakit hindi naging tayo? Siguro kasi andyan sya at mas mahal mo sya, diba?

"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #28 on: November 27, 2010, 05:27:06 PM »
91. Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo, muntik ko nang sabihin na mahal kita. Pero nung sasabihin ko na, napatigil ako. Dahil bigla mong sinabi, "Alam mo, miss ko na sya."

92. Isang araw, parang mahal mo ako. Isang araw, hindimo ako pinapansin at parang wala lang ako sayo. Isang araw, sabi mo mahal mo ako. Sabay isang araw sabi mo, "Uy! Loko lang yun ha! Baka seryosohin mo."

93. Sana ako na lang ang kaharap mo nung sinabi mong "Mahal kita" kasi yun din naman nararamdaman ko para sayo. Kung bakit kasi sa kanya pa. Yan tuloy, umiiyak ka na naman.

94. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sayo. Alam kong mahal kita, pero tama bang sabihin yun kung hanggang kaibigan lang tayo? Bakit hindi natin malagyan ng kahulagan sa bawat pagsabi mo na mahal mo rin ako? Kasi nga hanggang kaibigan lang tayo, hanggang doon na lang.

95. Bakit ba ako nagpapakagago sayo? Ano bang meron ka at minahal kita ng sobra? Lalo mo akong sinaktan nang malaman mong mahal kita. Hirap kasi sayo, di ka naman niya mahal pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo sa kanya. Mahal mo ba sya o pilit mo lang akong sinasaktan?

96. What if na-realize mong hindi pala sya? What if na-realize mong ako pala talaga? Pero what if nung time na yun, may mahal na akong iba at na-realize ko rin na hindi talaga tayo para sa isa't isa?

97. Ayaw mo ba sa akin? Sabihin mo naman yung totoo. Ang hirap kasi e, ang sakit-sakit. Lagi na lang akong umaasa sa taong minahal ko ng sobra-sobra…na iiwan lang pala akong mag-isa.

98. Our closeness means a lot to me. You cry, I cry. You laugh, I laugh. You jump out of the window, I won't! Instead, I'll catch you and say: "Di ba walang iwanan?"

99. Buong akala ko nakalimutan na kita. Pero nang malaman ko na may iba ka na, naramdaman ko, masakit pa rin pala. Pero hayaan mo, dito lang ako, maghihintay sa pagbalik ng pagmamahal mo.

100. Di naman ako umaasang mahalin mo ako. Ok lang naman sa akin kung ayaw mo talaga. Pero sana naman wag mo na ipamukha sa akin kung gaano mo sya kamahal. Kasi ang sakit e, ang sakit-sakit.

101. Bakit ganon? Ang hirap magmahal ng sobra-sobra. Nagbago ka dahil sa kanya, ipinaglaban mo pa. Mahal na mahal mo sya samantalang sya, walang ibang ginawa kundi paiyakin ka.

102. Hinintay kita dahil akala ko ikaw na. Hinintay kita dahil akala ko totoo ka na. Hinintay kita kaya binalewala ko yung iba. Naghintay ako dahil mahal kita. Yun pala, naghintay ako sa wala. Ang laki kong t****…

103. Sabi nila mas mabuting sabihin mo directly sa tao na mahal mo sya kasi baka makuha ka pa niyang mahalin. Bakit ako, sinabi ko na nga e parang wala pa rin siyang pakialam o baka manhid lang talaga ikaw?

104. Kapag mahal mo ang isang tao, hahamakin mo lahat, malaman niya lang na mahal mo sya talaga, kakayanin ang sakit, kahit di niya tanggapin. Kaya gusto kong sabihin na mahal kita, kahit alam kong di mo naman ako mahal.

105. Remember nung nag-wish ka sa falling star? Sabi mo, sana may lubos na magmahal sayo. After a few years, sabi mo di ka na naniniwala sa falling star. Kung alam mo lang, love na kita bago ka pa mag-wish.

106. Bakit ngayong wala ka na, tsaka kita napansin? Bakit ngayong iniwan mo na ako, tsaka kita binigyan ng halaga? At bakit ngayong may mahal ka nang iba, tsaka ko nalaman na mahal kita?

107. Nung gabing iyon, halos tumulo ang aking luha sa aking nadarama nang iyong sinabi: "Ayoko na." Masakit mang isipin, pero kailangan tanggapin, hindi naman pwedeng habang buhay ka akin.

108. Masakit kapag yung taong mahal mo iniwan ka. Masakit kapag nakita mo, may kasama siyang iba. Pero diba mas masakit kapag nakita mo na masaya sya? Masaya sya dahil wala ka na.

109. Bakit ba ganon? Parepareho sila, lahat iniwan ako, lahat sinaktan ako. Pero bakit ganon? Gusto ko pa rin magmahal. Alam mo kung bakit? Kasi alam ko, darating ka!

110. Magmahal? Oo! Marunong ako non! Yun bang tipong t**** ka na pero sige pa rin kasi mahal mo sya talaga? Pero sa bandang huli itatanong mo, "t**** ba talaga ako? O mahal lang talaga kita?"

111. Takot akong mawala ka. Hindi ko alam kung bakit, hindi dahil hindi ako mabubuhay ng wala ka kundi dahil takot akong makita ka na mayroon ng iba kasi mahal kita.

112. Paano kung yung love mo, may love nang iba? Masakit pa don, close friend mo mahal niya! Shocks! Pero grabe, kahit masakit, ilalakad mo pa rin sha sa kanya. Kahit nakakamatay ng puso, basta para sa kanya.

113. Bakit ganon? May mga taong manhid, di nila nararamdaman na may nagmamahal sa kanila, kahit obvious na nga at lahat ng tao alam na. Kainis noh? Bakit? Guilty ka noh? Talaga! Dapat ma-guilty ka! Kasi, manhid ka!

114. t**** daw ako nung pinakawalan kita, g**o daw ako mas pinili kong lumisan ka, t***** ko daw pumayag akong magmahal ka ng iba, ulol sila, di ko kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong di ako mahal.
115. Paano mo malalaman na mahal ka niya? Simple lang, tumalon ka at isigaw mong mahal na mahal mo sya. Pero kung di ka niya saluhin, wag kang mag-alala. Ano pa ang silbi ko? Taga-salo mo kapag wala sta.

116. Na-feel mo na ba yung akala mo nakalimutan mo na sya. Wala na, tapos na ang lahat. Tapos, isang araw nagkita kayo, ngumiti sya sayo. Nasabi mo na lang "t*****, mahal ko pa rin itong gagong 'to!"

117. Bakit ganon ang mga kaibigan? Kapag may kaaway ka ipagtatanggol ka, kapag may sakit ka babantayan ka, kapag may problema ka dadamayan ka, kapag masaya ka makikitawa sayo. Pero bakit kapag natutunan mong mahalin, lumalayo?

118. Lahat na ginawa ko para malapit sayo pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin nagbabago? Alam na nang lahat na sayo ako'y may gusto, ngunit bakit parang nagkamali na naman ang puso ko? Masasaktan ba ulit ako?

119. Oo na, mahal mo sya. Ilang beses mo bang uulit-ulitin yan sa akin? Kahit na masakit, pakikinggan pa rin kita, sabi mo e! Pero, t***** naman, mag-ingat ka naman sa mga sinasabi mo, nakakasakit ka na ng ibang tao e.

120. Sabi nila kalimutan na kita, sabi nila maghanap na lang ako ng iba. Nasasaktan lang daw ako kapag kasama kita, dahil ibang tao ang mahal mo. Ang sabi ko sa kanila "E ano ngayon? Sya ang nasa puso ko."

"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #29 on: November 27, 2010, 05:29:29 PM »
121. Bakit kapag love natin ng sobra-sobra ang isang tao, handa nating iwanan ang lahat. Pero bakit ganon? Kahit lahat ginawa mo na, bakit wala pa rin magawa para makalimutan na niya yung mahal niyang di naman sha binibigyang halaga?

122. Naisip ko ang daya talaga. Nandito ako umiiyak habang sha ay masaya at may ibang kasama. Swerte ng taong ito, iniiyakan ko pero ang pinagtataka ko, kahit masakit, narito pa rin ako, naghihintay sayo.

123. Nung makita kita, sabi ko ikaw na nga. Nung una kitang makausap, sabi ko ikaw nga. Nung maging magkaibigan tayo, sabi ko sana ikaw na nga, pero bakit nung makita mo sya, sinabi mo sa akin na "Sya na nga."

124. Funny things about love: You are trying to forget someone kahit hindi mo kaya. Nagmamahal ka nang hindi nya alam. Seryoso sabay loko. Idedelete mo ang number nya, memorize mo naman! Hindi mo mahal pero iniisip mo. Wala kang paki, pero kung mag-alala ka, sobra-sobra. Habang binabasa mo ito, ngumingiti ka, nagkataon lang ba o gawain mo talaga?

125. Kahulugan ng umasa? Yun [textspeak!] araw araw na patuloy kang naghihintay sa knaya, araw araw lagi mo syang iniisip kahit may iba sya. Hindi ganun kasakit pakinggan pero nakakamatay pag nararamdaman.

126. Girls? Definitely, magaganda! Dapat, siniseryoso kahit bolera, masarap naman magmahal. Sweet and loyal, pero kapag niloko, for sure iiyak. Pero kapag ok na, magsisisi ang nagpaiyak! Dahil ang girls, rumeresbak!

127. Sabi nila ang pag-ibig mahirap maintindihan, mas mahirap pa pag umasa ka, pero ang mas mahirap, ay hindi ka naman aasa, kung di ka binigyan ng rason para umasa diba?

128. Bakit kailangan makilala mo ang taong magpapatibok ulit ng puso mo pero hindi naman pala para sayo? Para saan pa ba sya? Tagahilom ng sugat ng nakaraan o tagadagdag ng sakit na nararamdaman?

129. Paano kaya kung kalimutan mo na sya, yung as in limot, tapos nagkita ulit kayo paglipas ng mga taon,masabi mo kayang “kumusta?¨ tapos ang sagot nya: “eto,mahal pa rin kita¨

130. Bakit kaya ang daling lumipas ng panahon? Parang ngayon masaya ka tapos maya maya malungkot na, nakakatawa diba? Parang kahapon lang hawak mo sya, tapos napikit ka lang, hawak na sya ng iba.

131. Hindi madaling magmahal ng iba, lalo na kung sa nakaraan ay may minahal ka ng sobra, pero minsan kailangan kalimutan ang nakaraan dahil ang magandang dahilan ay matatagpuan mo, sa kasalukuyan..

132. Masakit isipin na nagmahal ka sa taong alam mong di pwedeng mahalin. Subalit pano mo sya matututunang kalimutan, kung habang dumaraan ang mga araw, mas lalo mo syang minamahal..

133. GIRL and BOY with their friends in the school canteen.
BOY: mauna na ko. [sabay grab sa hands ng GIRL patayo din.]
GIRL: bakit?
BOY: [pointing on a sign board that says do not leave your VALUABLE things unattended.]
134. A girl woke up and texted his bf.
“Good morning po! I love you.” The guy replied, “Good am din pero baka nakakalimutan mo. HINDI na po tayo.”

135. In a girl’s life, there are many struggles, fears, heartbreaks and sadness but it doesn’t really matter at all. Our main goal is “MANATILING MAGANDA SA KABILA NG PROBLEMA.”

136. Ako yung tipo ng taong kumerengkeng man ng todo, kiligin sa iba at magka- crush ng tatlong dosena ang puso ko naman ay para lang sa iisa.

137. PSEUDO – RELATIONSHIP
No commitments involved. You are uncertain ton your role in his/ her life. You can’t expect him/her to be always there for you. You can’t demand. You can’t be jealous. There is no US. Meron lang “me” and “you.” You can’t be sure of his/her feelings for you. And this will make you wonder where you are in the relationship or if there is a relationship at all. But why do ithers still settle for this kind of relationship? For fun? Kilig feeling? Para lang may makasama habang wala ang real thing? Maybe. But if one gets cold then that’s the end of everything. The relationship is false but surely the pain is real. You will be miserable hoping to being back what you used to have. Only to find out that he/she has another pseudorelationship with somebody else. Hirap no? but that’s the consequences kasi from the start wala ka na,ang pinanghahawakan dahil PARANG kayo lang pero hindi naman talaga. At usually hanggang dun na lang. Hay ironic no?

138. Bakit ang tao kadalasang sinsabi, “Iiwan na kitang mag- isa ha.” Pero ako, hindi mo maririnig sa akin yan lasi para sa akin mas maganda kaoag, “Maiiwan tayong dalawa ah kahit mawala man silang lahat.”

139. Ang sakit palang malaman na yung mahal mo ay masaya kahit wala ka na.

140. Hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin, kung kaya kong kalimutan lahat ng kasalanan niya.

141. MASARAP DAW MAGING SINGLE:
1. Palagi gumigimik
2. Pwede uminom lagi
3. Walang nangingialam sayo
4. Nagagawa mo lahat
5. Pwede i-date kahit sino
PERO pagkatapos ng kasiyahan at nag- iisa ka na, Masaya pa rin kaya? Masaya ang single pero mas Masaya kung pag- uwi mo, may taong naghihintay sa’yo at magsasabing, “Honey, how’s your day? Namiss po kita” Oh, di ba?
142. Okay lang masaktan at umiyak. Okay lang magselos at magtampo. Wag ka lang manahimik pag alam mong tama ka. Babae ka eh at nagmamahal ka pero wag nya lang sasabihing lalaki siya para saktan at paluhain ka. Just like what elders said before, “Ang babae ay parang bulaklak. Wag mo ng pipitasin kung sisirain mo rin lang.”

143. Kung tatanungin niya kung ilang beses siyang pumasok sa isip ko, kasinungalingan kung sasabihin kong maraming beses. Minsan lang siyang pumasok sa isip ko at kahit kelan hindi na sya natanggal at naalis.

144. Minsan madali sabihing kaya mo, madali sabihing mag- cool off, madali sabihing kalimutan pero when you came to the point na nagmahal ka na ng sobra lahat ng madali mahirap gawin di ba?

145. Natuto akong magmahal hanggang sa nasaktan at di nagtagal iniwan, binalewala, kinalimutan. Ewan ko ba! Ang hirap! Kaya ang tanong ko, bakit ang pag- ibig nauso pa? pati tuloy ako nadamay pa.

146. Hindi naman dahil sa sakit kaya ako umayaw o sa pambabalewala kaya ako bumitaw. Basta bigla na lang nawala. Siguro kusang puso na ang nagsabing, “Tama na. Ginagawa ka na niyang t****.”

147. Imagine yourself naglalakad sa tabing dagat, palubog ang araw at bigla na lang may lumapit sa’yo, siya ang taong minahal mo ng sobra pero iniwan ka. Sinabi niyang, “I want you back. Please, I beg you. I still love you.” Ramdam mo ang sincerity nya at alam mong mahal mo pa rin siya. Ngunit sa di kalayuan, maligayang kumakaway sa’yo ang taong bumuo ulit ng muso mo, hinihintay ka. Mananatili ka bang nakatayo o ihahakbang ang mga paa mo kahit na alam mong hindi ka na sigurado kung san ka pupunta?

148. Isipin mo na lang na ikaw abg huling pahina ng coloring book niya. Makukulayan ka, maghintay ka lang. Pudpod na ang crayola niyapagdating sayo, pero sigurado ka naman na hindi na siya lalampas sa mga guhit mo at wala ng next pagepagkatapos mo.

149. Ui, mahal mo ba siya? Oo o hindi?
Ang totoo, hindi ko intensyon na tanungin ka sa nararamdaman mo. Gusto kong maisip mo kung sino ang taong mahal mo. Psych lang yan, wala akong binanggit na pangalan pero naisip mo siya di ba?

150. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung ano ginawa mo. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ko. Pero ito lang ang alam kong totoo. Ikaw [textspeak!] ang minahal ko nang ganito.
"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #30 on: November 27, 2010, 05:30:07 PM »
152. Masasaktan ka ba kung iiwas ako sayo? Kung kakalimutan kita? Kung magmamahal ako ng iba? Siguro hindi. Pero bago ko gawin yun, gusto kong malaman mo na ako masasaktan sa gagawin ko.

153. Nangyari na ba minsan yung iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo, dahil sinaktan ka niya? Ang sakit sakit, talagang sobrang sakit tapos maiinis ka na lang dahil tatawag siya at
Hello pa lang niya, napatawad mo na.

154. Natagpuan mo na ba yung tsinelas ng buhay mo? Yung the right one for you? Alam mo sayang. Yung sa akin kasi nawala pa. Saan ka ba kasi pumunta?

155. Diba masakit kapag inagawan ka? Diba masakit kapag niloko ka? Diba masakit kapag pinaasa ka? Pero mas masakit kung umiiwas sha kahit na ramdam na ramdam mong mahal na mahal ninyo ang isa’t isa.

156. Minsan ang love ay parang ibon. Kailangan pakawalan, kailangan palayain. Babalik yun kung sayo pero kung hindi, hayaan mo na. Baka mas masaya sya sa piling ng iba.

157. Hindi na kita nahintay kasi napagod na ako. Ayoko nang masaktan kaya hindi na ako umasa. I’ll try to move on pero babagalan ko. BAKA SAKALING MAHABOL MO PA KO.

158. Sabi nila g**o ako. Kasi daw ikaw ang mahal ko! Nasasaktan na raw, sige pa rin ako. Madami pa daw iba, lumingon lang ako,Tama sila. Madami pa nga diyan. Kaso may problema. MAHAL KO BA SILA?

159. Paano kung isang araw iwan na talaga kita? Hahabulin mo ba ako? Uubusin mo ba ang oras mo makita mo lang ako? Iiyakan mo ba ako kasi mahal mo ko? Hindi siguro kasi kung iisipin ko, pang ilang balik ko na ba to?

160. Mahirap magkunwari na masaya ka. Mahirap tumawa kahit nasasaktan ka na. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang magmahal ng iba para lang makalimutan sya.

161. Bakit ang tao pag mahal mo, iiwan ka? Kapag iniwan mo, mamahalin ka? Pag mahal mo, siya lang talaga. Pero sya naman, may mahal ng iba! Ang sakit, no? T*ngina kasing pag-ibig yan!! NAUSO PA! Paking Sh*t!

162. Wag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak magshare ng problema. Para kang nang-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay.

163. Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!
164. Mali ang ginawa mo. Kahit kaya mong gawin ang isang bagay, hindi nangangahulugan na dapat mo itong gawin.

165. Hindi mo dapat iniiyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang iyong hinaharap.

166. Ang talagang makakapagpasaya sa atin ay yung taong naging dahilan kung bakit tayo nalungkot.

167. Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.

168. Only 1 thing can occupy a given space at a given time kaya ako? Hindi ako naniniwala na ang isang puso kayang magmahal ng dalawa. It's either joke lang yung love dun sa isa o kaya sa sobrang liit ng pagmamahal dun sa isa nagkaroon pa ng space para magmahal ng iba.

169. Di lahat ng lesson nakukuha sa classroom. Ang pag-ibig ay di nasosolve sa Algebra. Walang Scientific names o momentum. Walang wrong grammar o formula. Di lahat ng mahal ay masakit sa bulsa. Yung iba masakit sa dibdib. Di mo matututunang magmahal. 'Gat di mo nararanasang umibig.

170. Ang love parang sugal. Minsan talo, minsan panalo, minsan tiba tiba, minsan bawi lang. Pero alam mo kung ano masakit? Ang makita mong panalo ka na sana, kaso HINDI KA TUMAYA.

171. 95% true and insulting fact: Kapag ang kabarkada mo nagkaroon ng lovelife, hindi ka na rereplyan.

172. Ang tao marunong din mapagod, magsawa at sumuko. Kaya dapat hindi inaabuso, hindi winawalang bahala at hindi sinasantabi. Kasi pag ang tao napuno, kahit ano pa mangyari, wala na siyang pakialam pa sayo.

173. 'Auditory agnosia', a pure word deafness where the word is clearly heard but seems unfamiliar or not easily understood like foreign language.
Parang ganito:
Boy: Mahal kita.
Girl: Ha??

174. Ang love parang sapatos. Dalawang dulo ang kelangan para magbuhol pero isang dulo lang ang kelangan para kumalas.
- Mr. Quickie

175. GF: Bat ba twing nagdedate tayo, ang porma- porma mo? Ako, simple lang. Hindi na ako nagpapacute.
BF: Di naman ako nagpapacute e.
GF: E bakit ganyan ka pumorma?
BF: Para crush mo pa din ako kahit tayo na.

176. Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao puwedeng magadjust pero ang bagay at panahon hindi.

177. Napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjects.

178. Ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na nakikita sa mga pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw , ibon, puno at mga bulaklak.

179. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

180. Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang. Ganyan mag papansin ang ayaw mag first move.

"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #31 on: November 27, 2010, 05:31:25 PM »
181.Iba ang nagtyatyaga dahil wala nang ibang choice. Iba ang nagtitiis dahil mahal mo yung tao.
- mgaepal.com

182. Wag ka ng mag- isip at bigyan ng dahilan ang isip para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.

183. Kahit anong bagal ng paglakad ko, kung hindi naman niya ako gustong habulin, hindi talaga niya ako maaabutan, kahit na mag- stop over pa ako.

184. Sa college:
> kanya – kanyang diskarte
> di uso ang section
> di uso ang good moral
> walang masyadong guidance
> walang principal’s office
> sa quiz, di uso one whole, yellow pad ang in
Pero alam mo kung ano ang pinakamasarap sa pagiging college na wala sa elementary at highschool? Hindi uso ang cleaners.

185. Mahirap magtago ng sikreto lalo na kunga ng sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sas mundo.

186. Ang pag- ibig ay hindi hinihintay. Hindi hinahanap. At mas lalong hindi kusang dumarating. Ito pala ay dapat inaagaw.

187. Girl: Anong mas pipiliin mo, dota o ako?
Boy: Dota.
G: Bakit?
B: Ang dota kasi pwedeng laruin pero ikaw hindi kasi masyado kitang mahal para paglaruan at saktan.

188. Hirap umasa sa hindi mo alam kung ano ka bas a kanya. Hindi mo alam kung san ka dapat lumugar. Hirap magdesisyon kasi minsan akala mo mahal ka niya pero ang totoo, pinasasaya ka lang niya kasi alam niyang mahal mo siya.

189. Pag tinanong ka ng iba, “Marami namang iba diyan, bakit siya pa?” Eto isagot mo sa kanila, “Kung nauuhaw ka, iinumin mo ba ang dagat dahil tubig din yun?”

190. Never trust words of love whispered at a beach, under the moon or any romantic and beautiful place or ideal momen. Kalokohan yun. Pero kapag na- flat ang gulong ng sasakyan, mainit na mainit ang araw, masakit ang ulo ninyo, nagkakainisan na kayo at sinabi niyang mahal ka niya, dun ka maniwala. In short, you will know that true love works with someone if they still love the other person even at the worst times of their lives.

191. Sabi nila, it is not the students fault if they fail in their subjects. Why? It is because the year has 365 days and when you take this into consideration:
Sundays and rest days = 52/ year
Days left: 313
Summer= 50 days, mahirap mag- aral kapag mainit
Days left: 263
Sleep, kelangan 8 hours araw araw = 130 days
Days left: 141
Relaxation, kelangan 1hr/ day sabi nila good for health = 15 days
Days left: 126
Food, 3 meals/ snacktime 2 hours estimate, dapat chew properly = 30 days
Days left: 96
Chitchat, “as a social animal” sabihin ng 1hr/day ay nakikipagchikahan = 15 days
Days left: 81
Exams = mga 35 days
Days left: 46
Fiestas/ Holidays for rally = 37
Days left: 9
Illness, nagkakasakit ka rin naman minsan let us say 4 days a year
Days left: 5
Orgs, syempre may orgs act pa, 4 days para dun
Days left: 1
One day left and that day is your birthday. How can you study on that day?
Day left: 0! Wala! None!
Saan mo ngayon isisingit ang pag- aaral?

192. Isang repleksyon:
“Kung sa mundong ito, normal at tama lang patayin ang mga taong ayaw mo. Sa tingin mo ba, buhay ka pa hanggang ngayon?”

193. Di ko sinsadyang mapalapit sa’yo. Nagising akong di ko na kayang wala ka. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, parte ka na ng buhay ko kapag wala ka, kulang ako.

193. Progress notes ng isang malanding nurse:
- receive patient conscious, coherent and handsome with great smile, nice eyes at super hotness lever
- GSH (great sense of humor) assessed
- THB (totally hot body) inspected
- friendster checked and recorded
- (+) sign of intelligence and wealth
- (-) sign of boastfulness
- conversation rendered
- encouraged flirting
- needs very much attended
- due cellphone number given
- TLC (tender lovin care) rendered
- endorsed to best friend

194. Ang tunay na kaibigan ay katulad ni Doraemon. Kapag humiling ka, tatanggi sa una. Pero hindi ka din matitiis. Sasamahan ka din sa mga kalokohan mo. Sasakay din sa mga kagustuhan mo. Pero sa banding huli, tuturuan ka pa rin ng leksiyon para malaman mo kung ano ang tama.

195. Minsan kelangan mo din makalimot para ikaw naman ang maalala.

196. Sa buhay, hindi mahalaga kung anong meron ka at kung anong narrating mo. Ang mahalaga ay may alak na mura, may tunay na tropa at may jowa kang pwedeng irampa.

197. Pwedeng lahat ng taong darating sayo, marunong umunawa, magpahalaga at matutunan kang mahalin. Sa maga yun, piliin mo yung hindi marunong magsawa kasi lahat marunong magmahal pero hindi lahat nagtatagal.

198. Ang pag – ibig ay parang ulan. Kung kelan hindi ka handa tska naman bubuhos. Kahit naong tago mo, mababasa ka. Ang masaklap pa kung kelan nag- eenjoy ka na tsaka titila at mawawala.

199. If your crush keeps staring at you and you can’t help but notice, just tell him/ her this: “Kalma lang. Makikita mo pa ako bukas.”

200. Symptoms of certified single:
- palagi nasa bahay
- panalo ang social life
- hayop sa tulog
- gadget addict
- gm ng gm ng quotes
- palagi bagong hair cut
- tumataba
- porma to the max
- mukhang happy kahit hindi

Symptoms of certified taken:
- walang pera
- mukhang laspag
- kuripot
- blooming para hindi iwan
- walang social life kundi jowa niya
- may simcard siyang sun
- dcring kausap
201. Sabi nila, “Enough na!” Sabi nila, “Move on na!” Sabi nila, “Bitawan mo na.” Alam mo ang sabi ko? Simple lang naman, “Paano kung bukas mahal na niya ako, sayang naman di ba?”

202. Nung iniwan mo ako pinilit kong kalimutan ka pero kapag nag- iisa ako ikaw pa din nasa isip ko. Nagkulang ba ako para iwan mo? O napasobra pa ang pagmamahal ko para pagsawaan mo?

203. Ang buhay daw ay parang pelikula. Pero bakit ganun? Sa pelikula ko, siya ang bida. Sa pelikula niya, nahagip lang ako ng camera.

204. Tatlong college students, nagpagalingan kung paano nila mapapasagot and isang girl…
Engineering student: Igagawa kita ng malaki at matibay na bahay basta bas a pagpasok mo, handa ka na din maging bahagi ng buhay ko.
Nursing student: I will take care of you for the rest of our life basta ba forever ka ng naka- confine sa puso ko.
Law student: Simple lang ang sasabihin ko. Oo o hindi lang ang sagot, pumapayag ka ba magpakulong sa mundo ko sa kasong pagnanakaw ng puso ko?

205. Klase ng mga manginginom:
Point guard – mahilig magpass ng tagay
The transporter – palipat – lipat ng pwesto, iwas tagay
The martyr – nagpapanggap na kaya pa kahit senglot na
Kid senti – dami naaalala kapag nakainom na
The fugitive – maglalahong parang bula
Kung fu – kung fumulutan malupit, tirador ng pulutan, ginagawang picnic
The chosen one – official runner sa tindahan, bili ng yosi, yelo, alak
Spiderman – gumagapang na sa daan pag- uwi kalasingan

206. Hindi ka manlalamig sa taong mahal mo kung hindi ka nakikipaglandian sa iba.

207. Ang lalaki nadaling mahalin kapag pogi, galnte o may kotse. Ang hindi nila alam, mas masarap nahalin ang lalaking walang maipagmamalaki kundi ikaw.

208. Naaalala mo ba yung taong minahal mo? Minahal mo pero sinaktan ka. Galit nag alit ka at ayaw mo na siya makita. Hmm. If I know, pag nakita mo siya, pa- cute ka pa rin.

209. Harapin mo lang yung mga bagay na akala mo hindi mo kaya. Parehas lang yun eh. Kahit bukas o ngayon, yun pa rin yun.

210. 12 midnight:
(Boy was drunk and calls his special friend.)
B: Hello! Anong ginagawa mo?
G: Tulog na, gabi na kaya.
B: Hindi mo man lang hinintay tawag ko?
G: Hindi eh.
B: Namiss mo ba ako?
G: At bakit kita mamimiss?
B: Kunwari ka pa, mahal mo lang din naman ako eh.
G: Ganun? Matulog ka na. Antok na din ako.
(Pagbaba ng phone.)
G: Hay, sana lagi na lang siyang lasing para ako ang mahal niya.
B: Hay, sana habang buhay na lang akong malasing para magka – lakas loob akong masabing mahal ko siya.
"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #32 on: November 27, 2010, 05:32:32 PM »
211. Mahirap magtago ng sikreto lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa mundo.

212. If someone enters your life, paiwan mo ang tsinelas o sapatos para if gusto nila umalis, hindi ka mahihirapan maglinis ng mga bakas nito.

213. If your crush keeps staring at you and you can’t help but notice, just tell him/her this: “Kalma lang. Makikita mo pa ako bukas.”

214. “Sana ma- inlove din si Bob Ong para malaman niya na hindi ganun kadaling gamitin ang common sense kapag pag- ibig na ang pinag- uusapan.”
- Beb Ang

215. Hindi mali ang magmahal ng sobra. Hindi mali ang ibigay mo lahat. Hindi mali ang magmahal ng tapat. Minsan nga lang, yung taong minamahal mo ang tanging pagkakamali mo.

216. Ang sarap isiping mahal ka ng mahal mo, wag mo lang maaalalang iniisip mo lang yun.

217. Did you know that the words “ikaw talaga” are sometimes used as a replacement for saying “I miss you.” Hindi mo alam yun no? tsk. Ikaw talaga.

218. “Auditory agnosia,” a pure word deafness where the word is clearly heard but seems unfamiliar or not easily understood like a foreign language. Parang ganito:
Boy: Mahal kita.
Girl: Ha??

219. Dati best friends ang tawag sa matalik na magkaibigan pero ngayon ang best friend ay:
a. magsyota na tinatago ang relasyon
b: manliligaw dati na nabusted
c. mag –ex na umaasa pa ring nagkakabalikan at
d. magkaibigang tinatago ang pagnanasa sa isa’t isa
Ngayon, may best friend ka ba?

220. Do you know where the best place in the world is? It is right beside a friend who is always there for you. Kaya if you feel like you are alone, usog ka. Tabi tayo.

221. Masakit pag sinabi niyang itigil na natin ito. Wala kang magawa kundi sabihing, “kala ko ba walang susuko?” Pero mas masakit pag sinagot ka nya, “matagal na akong wala sa’yo. Ayaw mo lang bumitaw.”

222. Alam ko inaaway kita. Laging inaasar. Minsan di pinapansin o kaya binabadtrip. Pero sa kabila ng lahat, hindi mo lang alam na gusto kitang yakapin at sabihing, “Natatakot akong mawala ka sa akin.”

223. Pag minahal mo daw ang isang tao sa maraming dahilan, may ilan ka ring dahilan para siya’y kalimutan pero, pag minahal mo ng hindi mo alam ang dahilan, tiyak di mo rin alam paano siya kakalimutan.

224. Pag may mahal ka, be contented. Wag ka maghanap ng bagay na wala sa kanya. Wag mo siya icocompare sa iba kasi mas masarap magmahal ng kontento kahit hindi kumpleto. Kesa kumpleto nga, di naman totoo.

225. Habang mahal ka ng isang tao, kumilos ka. Huwag mong hayaang dumating ang isang araw na magsisi ka dahil wala ng pag- asa at sabihin niya sayong, “Nasaan ka nung minahal kita?”

226. A quote to remember pag may date ka, “Kapag may alak, may balak.”

227. Ang mga mata ay nasa harapan para makita ang dadaanan hindi para iyakan ang nagdaan.

228. Hindi lahat ng pag – iwas ay pagsisimula ng paglimot. May mga bagay lang na dapat pagsanayan muna bago tuluyang iwan.

229. Ang namatay pwedeng dalawin sa kanyang puntod. Eh paano yung namatay na damdamin?

230. Ang mga pag-ibig para lang paglalaro ng RPG games, minsan stick to one, minsan lahat sinusubukan, pero in the end, mare-realize mong wala ka rin namang napala.

231. Ang pag-ibig, parang multiple choice na test. may options ka naman, nasa sayo kung pipiliin mo yung tama.

232. Ang pag-ibig ay parang saya .Subukan mong sumayaw mag-isa, magmumuka kang t****. Pag mag-isa ka sa pag-ibig, t**** ka.Kung dalawa kayo, dalawa kayong t**** kaya ang pag-ibig ay ang pagsasama ng dalawang taong nagging t****.

233. Nakakalimutan ko ang mga problema pag katabi kita. Ang masama, nakakalimutan ko din na may iba ka na.

234. Ayaw mo lang syang bitawan para kung wala ka ng mapuntahan pwede mo pa siyang balikan.

234. Ang love parang sugal. Ilalaban mo at ipapanalo para magtagal. Kung sakaling di ko pa rin kayanin, tandaan mo handa akong mandaya wag ka lang mawala.

235. Isa sa pinakamalungkot na sitwasyon sa buhay ay yung gusto mo siyang ipaglaban pero tanging pagsuko na lang ang tangi mong pinagpipilian.

236. Kaibigan
(pangngalan) taong karamay mo sa hirap at ginhawa nang walang halong malisya
(pang - uri) anf pinakanakakainsultong tawag sa'yo ng taong mahal mo

237. Barkada. Dyan ako natuto tumambay, umuwi ng late, ma - inlove, makipag - away at makisama. Tapos sasabihin nilang bad influence ang barkada? Iba't iba man kami ng katangian, napahamak man ako munsan. Lahat yan hindi ko pinagsisihan dahil sa salitang yan dyan ako naging masaya at natutong lumaban.

238. Isang araw, biglang hindi na ako kinikilig sa'yo.

239. Madaling ipakita na masaya ka kahit sa loob mo nasasaktan ka na.

240. Ang ayoko, tinext ka tapos kapag
nagreply ka hindi ka na rereplyan.
"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #33 on: November 27, 2010, 05:33:08 PM »
241. Di ba masakit kapag inagawan ka? Di ba masakit kapag niloko ka? Di ba masakit kapag pinaasa ka? Pero mas masakit kung umiiwas siya kahit ramdam na ramdam mong mahal na mahal ninyo ang isa't isa.

242. Sana ako naman yung hinihintay, hindi yung ako na lang lagi yung nag - hihintay.

243. Magiging permanente lang lahat ng bagay sa buhay mo kung marunong kang makuntento.

244. Ang puso napapagod magtiis, magmahal at maskatan. Pagod ka na ba? PAhinga muna. Hindi naman kailangan laging may minamahal e, di ba?

245. Pag mahal mo ang isang tao, sabihin mo sa kanya kahit alam mong walang kapalit. Ang mahalaga nalaman niya at kung magalit siya, sabihin mo: wrong send lang! punyetang 'to, ang yabang!

246. Ang tagal na niyan na sa'yo, pwede bang akin naman?

247. Hindi na tayo tulad ng dati.

248. Kapag burado na lahat ng messages ko, nagagalit ka dahil sabi mo may tinatago ako. Pero kapag wala akong binura sa inbox ko, nagagalit ka pa rin dahil agn dami dami kong katext.

249. Minsan, kailangan mong ibigay ang lahat. Hindi para makuha ang gusto mo kundi para tuluyan ka ng mapagod at tuluyang sumuko.

250. Sana ang love parang volleyball. Pag sumigaw ako ng mine, back off na lahat at wala ng eeksena.

251. Hindi mo na kailangang marinig pa ang ILY para malamang mahal ka niya. Madalas, yung ngumiti lang siya kapag nakita ka na niya, tama na.

252. Women are naturally designed to respond. Kaya guys, kung hindi nyo seseryosohin ang mga babae, wag kayong mag - umpisa.

253. Pag magkatext tayo tapos matagal ka magreply, tinatagalan ko rin ang pagreply para kunwari medyo busy rin ako. Kahit na ang totoo, ikaw lang ang katext ko at inaabangan ko ang bawat reply mo.

254. Hindi lahat ng hindi nagtetext e hindi unli. Meron lang talagang mga tao na namimili ng itetext at nagpapamiss. Hindi rin lahat ng nagtetext sayo ay nakaunli. Meron lang ding mga taong ikaw lang ang gusto itext at ikaw lang ang namimiss.

255. Hindi kita kayang iwanan pero sana alam mo na hindi lahat ng bagay kaya kong tiisin.

256. Masakit ang malaman na kailangan mo na siyang iwan pero mas masakit malaman na okay lang sa kanya ang mawala ka.

257. Hindi dahil nasaktan ka e sinaktan ka.

258. Sinabi ba niyang mahal ka niya o sinabi mo sa sarili mong mahal ka niya?

259. Bakit masakit yung katotohanan na minsan kahit gaano kasweet, kalambing, kaclose, kabait sayo ang isang tao hindi ka pa din niya kayang mahalin? Simple lang. Dahil hindi mo tanggap na kahit gaano ka man kahalaga sa kanya, bumabalik pa rin sa katotohanan na iba parin talaga ang MAHAL sa MAHALaga.

260. Sana natuturuan na lang ang puso kong hindi ka mahalin.

261. Ang puso hindi napapagod magmahal pero napapagod masaktan.

262. Dumadami na ang tao mabuti na yung hawak kita para alam kong andyan ka pa.

263. Hindi lahat ng tao kaya kang intindihin. Minsan kasi nakakapagod na.

264. Kaya ko naman ng wala ka e, un nga lang hindi ako masaya.

265. Ang layo na niya, ako andito pa rin.

266. Hindi ako malungkot. Wala lang akong dahilan para maging masaya. Magkaiba yun.

267. Sana six years old pa rin ako para ang tanging problema ko lang e kulang ang ngipin ko sa harap.

268. Sa panahon ngayon, ruler na lang ang straight.

269. Kunwari GM pero sa kanya mo lang talaga sinend.

270. Gusto ko lang sabihin na idol ko si Juan Tamad. Gagawin ko sa'yo ang ginawa niya sa bayabas. Hihintayin kitang mahulog sa akin.

"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #34 on: November 27, 2010, 05:34:28 PM »
271. Ang mga babae parang algebraic expressions. Pinakamaganda kapag nasa simplest form.
- Gracey Heart

272. Walang grumagraduate na hindi nangongopya.

273. In every exam it is never a question of who, what, when, why and how. But it is a question of "Ha? [textspeak!] to? May ganito ba?!"

274. Magaling ka magpatawa. Masyado kang masaya sa labas. Chill ka lang sa harap nila. Pero ang hindi nila alam unti -unti ka nang nilalamon ng emosyon mo. Tao ka rin. Tao ka lang. Nasasaktan din.

275. Pag naiiyak ka o malapit ka nang sumabog, ayaw na ayaw mong may lalapit sayo. Ayaw mong may magtatanong sayo kung okay ka lang. At ayaw mong bigla kang yayakapin habang humahagulhol ka dahil mas maiiyak ka, dahil naaawa ka sa sarili mo at dahil alam mong hindi mo talaga kaya.

276. Define Coterminal Angles:
Two angles drawn in standard position and have a common terminal side.
In Tagalog:
Kahit ilang beses ko pa ikutin ang mundo. Babalik at babalik din ako sa'yo.

277. Nasasabi mo lahat sa kanya. Di mo lang masabi na gusto mo siya.

278. Wala namang aasa kung walang paasa.

279. Ayaw mong tanungin kasi ayaw mong malaman.

280. Kung hindi mo kayang mahalin ang isang tao, at least wag mo siyang saktan.

281. Bumitaw ka na lalo na kung wala ka ng rason para kumapit pa.

282. Makareceive ka lang ng isang text nya, kahit GM pa yun. Unli ka na agad. Ang labo mo talaga.

283. Dahil mahal mo siya ginawa mo lahat para sa kanya. Eh anong ginawa niya para sa'yo? Meron ba?

284. Kung nasanay kang mabuhay ng nandyan siya na parang ayaw mo na siyang mawala, sinisigurado ko na masasanay ka din ng wala siya na parang di siya dumating sa buhay mo.

285. Sabi nila, nag sisimula ‘yung buhay natin kapag nahanap na natin yung taong mamahalin natin. Tinanong nila ako, “Nagsimula na ba ang buhay mo?”. Sagot ko, “Tapos na, dinaanan niya lang ako.”

286. Pwede mong iwan ang isang tao ng hindi mo sya pinababayaan. Pwede mo ding pabayaan ang isang tao ng hindi mo sya iniiwan.

287. Hindi natatapos ang mundo sa pagalis ng taong mahal natin. Pinipili lang nating itigil ang pagusad dahil akala natin, nawalan tayo ng rason para mabuhay.

288. Alam mo kung ano masaklap? Magkukwento ka sa taong gusto mo tungkol sa love life mo, tapos hindi nya alam sya na yung kinukwento mo.

289. Bakit kelangan mo pang sabihin na mahal na mahal mo siya? E hindi ko naman tinatanong.

290. Sobrang mahal kita na kahit anong gawin mo okay lang sa akin. Kahit saktan mo ako.

291. Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihan na makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon.

292. Wag matakot na mahalin si bestfriend dahil lang takot ka na paano kung magbreak kayo. E paano kung hindi? When love is there, embrace it.

293. Minsan, kelangan talagang magsakripisyo para maging masaya. Mas masarap sa pakiramdam kapag alam mong pinaghirapan mo ang magandang resulta.

294. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong paniwalaan kung ano ang nakikita mo. minsan kailangan mo ding magtanong para makasigurado.

295. May araw na masaya, mas masaya at napakasaya. Pero walang araw na malungkot. Mas masaya ka lang kahapon, kaya pakiramdam mo, malungkot ka ngayon.

296. Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus, ganyan din sa pag-ibig lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa.

297. Wag kang malungkot kung nag- break kayo ng bf/gf mo. Bakit? Kasi hindi ginawa an break – up para masaktan ka at umiyak. Ginawa ito para ilayo ka sa maling tao na akala mo totoo.

298. Girl: Iwan mo na ako! Alam ko namang yan ang plano mo eh. Diba?
Boy: Ang plano ko, iwan ka sa bahay ko. Alagaan anak natin, tapos uuwian ko galing trabaho. Yun.

299. Panahon na para gumawa ka ng pagbabago sa buhay mo kung naaalala mo parin kung kailan ka huling umiyak, pero hindi mo matandaan kung kailan ka huling tumawa.
- mgaepal.com


"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

annika

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1889
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #35 on: November 27, 2010, 05:38:47 PM »
extra lang..

Things you don't want to hear during your own surgery:
1. Saan yung gunting na bago, bakit may kalawang na ito?!
2. 10ml? May nakasurvive na ba diyan? Sabi ko 5 ml lang eh!
3. Doc, ubos na po pala yung anestisya.
4. Kanina pa bukas yung tiyan, asan na yung pantahi?!
5. Sunog, sunog! Labas kayong lahat! sunooog!
"Do you know what's hard about denying what you feel for someone? its the fact that you can't admit that your stupidly jealous when somebody else catches her attention"

-- from taiwan.. =(

hannie_sf

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 208
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #36 on: November 27, 2010, 06:43:37 PM »
don’t tell me something crazy like you love
me,

because I might do something crazy,
like believe it.
Nice quotes.. ;)

pumpkin

  • dEjAvU
  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1031
  • Come Play With Me.
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #37 on: November 28, 2010, 04:42:44 PM »
kung hindi ukol, hindi bubukol... akin ka na sana kung bakit ba naman hindi kita nabuntis! nagpi-pills ka na yata eh!
I'm too sinful to be an angel

Marine

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 114
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #38 on: December 01, 2010, 08:20:47 PM »
Love me or hate me, both are in my favors. If you love me, i'll always be in your heart. If you hate me, i'll always be in your mind..

**************

there's no right or wrong when one chooses to be happy. it's just a battle between one's own happiness and the judgment of others..

**************

It's hard to determine whether someone really have a feeling for you.. or they are just carried away by the good things that you are doing for that person.. and you can not tell if they are returning love, or just returning the favor...

**************

THEY SAY: 
Not all single are available...
HOW ABOUT:
Not all taken are inlove...

**************

Decisions are the hardest thing to make especially when it’s a choice between where you should be and where you want to be..

**************

Hurt me with the truth but never comfort me with a lie..

**************

Sometimes when you go through a period of great difficulty and struggle, it is so that you can finally realize what you do NOT want in your life. Then finally, at long last, you can embrace what you DO want. 

**************

Y0ur ch0ice 0f partner is a reflecti0n 0f wh0 y0u are and wh0 y0u are n0t!

**************


I believe...that just because two people argue, it doesn't mean they don't love each other. And just because they don't argue,it doesn't mean they do love each other:)

**************

Setting someone free is the hardest thing to do...but it's not the tears you cried that makes it so hard...it's the small piece of hope left inside your heart that someday you'll still end up together...

**************

it hurts to say goodbye to the person you almost gave your life to. knowing that life won't be the same w/o them. but its better to give up the feeling. rather than to know you're the only one fighting.



Things happen because we choose them to happen. There may be regrets but blaming is not an option. We are where we are because we brought ourselves there.. We get happy, get sad.. but most importantly...... we learn.

blackgreen

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1086
  • STAY if you're HAPPY, LEAVE if you're NOT.
Re: Love Quotes ( Thread 2 )
« Reply #39 on: December 02, 2010, 06:46:20 PM »
sis annika, i so love this quote copy paste ko na lang kasi di ako maka insert quote

153. Nangyari na ba minsan yung iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo, dahil sinaktan ka niya? Ang sakit sakit, talagang sobrang sakit tapos maiinis ka na lang dahil tatawag siya at
Hello pa lang niya, napatawad mo na.

Enjoy while it lasts!

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.