grrrrrrr...magrant lang ako mga sisses! pagpasensyahan nyo na.
i really really hate mandatory OT!!!! i hate hate hate!
hay naku ako rin sis!! kainis, every other day na nga kayong may mandatory OT before shift tapos pag closer pa kayo, need pa ubusin ang calls in queue.. malas ko closer ako.. hay.. inaabot pa ako ng more than an hour more after my shift pag na long call ako...
eto naman po ang situation ko...
maganda yung kumpanyang napasukan ko.. well siguro kasi well compensated kami dito, dami bonus, incentives, benefits at kung ano-ano pa.. tapos may name din naman at matagal na sa industry ito... matagal na rin ako sa call center, pero since pumasok ako dito, buwan buwan na akong maysakit.. kung hindi URTI, pharyngitis, UTI ang sakit ko dito... and because of that lage ako naka-antibiotics.. I mean aside from malaki ang nagagastos ko, nakakatakot kasi parang dependent na ako dun dahil sa sakit ko... almost 1 year na ako dito..
sobrang pressure dito sa stats, tapos yung VLs mo, na supposedly rights mo, eh pahirapan mag-apply.. kailangan talaga matter of life and death bago nila i-approve.. tapos pag umabsent ka na may med cert kahit nakalagay pa dun na rest ng 3 days, papapasukin pa rin kami, kasi hindi nga raw pwede umabsent... and ending, imbes na 3 days ka lang sana may sakit, tatal pa dahil hindi ka nila pagpapahingahin.. hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nabinat sa sakit ko dito.. dahil kahit nilalagnat ka, pag ha-half day ka nila... parang haller!!! hindi ba kami pwede magpahinga?!!! sa project lang namin yata namin ganito.. sa iba naman, katulad dun sa project ng bf ko, hindi naman ganon, maluwag sa kanila sa absences at leaves.. sa amin, patayan talaga kaya maraming nag-reresign... mahirap na nga work namin dito, (tech support-slash-all in one) mahirap pang humingi ng pahinga.. hay...
nung una pinag-iisipan ko pa kung magreresign ako.. kasi malaki talaga naipon ko dito... kaso, bagsak naman ang katawan ko.. kung practical ako, siguro I would stay here.. pero dahil mahal ko sarili ko, I decided to leave.. kahit pa alam kong kailangan ko ng pera para sa wedding ko this year...