Here are common excuses/reasons na alam ko (although some here are not based on personal experience):
1. uuwi na lang daw uli sa probinsya
2. napagalitan - ayaw nilang napapagalitan at napapagsabihan
3. iba ang sweldo na sinabi ng referrer
4. nalulungkot - I swear meron akong naging maid na wala pang maghapon sa amin, nagpaalam na. At naiinip at nalulungkot daw. Ang konti daw namin. Saka parang walang masyadong tindahan / tambayan. Sabi ko, dapat sa perya ka magtrabaho. Village kasi kami, baka ang gusto niya, pagsilip niya sa bintana, Nepa-Q Mart na.
5. nakagalit yung isang kasama
6. may nag-pirate na mas malaking sweldo
7. may ginawang kalokohan - long-distance calls, stealing things or money, or even food
8. ayaw na ng anak pagtrabahuin sa iba - gusto nila sila ang pagsisilbihan ng nanay nila or gagawin nilang yaya ng mga anak nila
9. magpapahinga daw muna
10. mag-a-abroad - I had one for a short time kasi nag-i-intay ng pag-alis niya papuntang HK. Ang galing pa naman, parang pang-hotel ang service.
11. may siyota or mag-aasawa or nabuntis
12. buwisit ang asawa at pinapauwi siya
13. ayaw ng stay-at-home na amo - hindi kasi makadiskarte ng gimik o kalokohan
14. may kasamang malikot ang kamay or worse, yung amo ang "malikot "
isip pa nga ako :p marami pa