Get weekly updates via email!
tip of the day WED 16 APR 14
Addicted to coffee? Bring your own container--it may save you some money, and even if it doesn't, you'll be saving the planet one cup at a
  • Good House Keeping
    Find your bliss this summer! GH's guide to a calmer, luckier, and happier you. On stands now for only P120.
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Real Living’s April 2014 issue is a thing of beauty, literally! The magazine’s Beautiful Homes issue features 43 pages which will inspire you to rethink your own space.
    Real Living
  • Women's Health
    Everything you need to score your hottest, sexiest summer EVER is in the Women’s Health March issue!
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?  (Read 29510 times)

yezzi

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 287
  • I M POSSIBLE
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #200 on: November 21, 2012, 11:06:25 am »
you can never please everybody :)

as for me wala pa naman akong nae-encounter na 1st meeting palang namin eh ayaw na "agad" sa akin, what happened is biglang ayaw na sa akin, wala talaga kong maisip na reason bakit? siguro siniraan ako or wala akong pera, I dunno ::) I asked myself naman why and our common friends pero kahit sila walang mahanap na sagot so, ending, alam kong wala akong ginawa na masama sa kanila enough reason na yun why shouldn't I give a d@mn. "Ayaw mo sa akin? wala naman akong ginagawang masama sayo, eh di wag I couldn't care less :)"
love & get hurt, get hurt & learn, learn and love again :)

younis

  • domesticated na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2020
ako na niniwala ako sa sinasabi nilang good or bad "aura", I myself experienced this. may tao talaga akong kahit walang ginagawa sa akin eh not to the point na naiinis ako agad, but hindi lang pleasing at first ang personally nya sa akin. maybe most of the time yung aura nya hindi ko feel.

but eventually, nagbabago yan.. that person I was talking about is now my good friend and I told her about my impression of her na ang arte arte nya, aminado naman sya hehe.... kaya ngayon biruan naming 2 yan eh sabihan ko lang na "ang arte mo talaga" tatawa lang yun hehe...
"Lord, it is good to give You thanks!" -- Psalm 92

graZiousa

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 155
hello mga sis!

naku sis,hindi ka nag iisa. Nangyayari kanhit kanino yan kasi we have differences yon nga lang hindi lahat naiintidihan ang tinatawag na differences. Pag may nakita na iba sa nakasanayan nega na agad ang comments.

Ang nangyari sakin since my husband is sales agent sa liquor company, dami sya kasama na salesman at ang asawa ng mga salesman na yon pag may gathering andun din. Ok naman ang pakita, kami2x ang nag uusap while inuman ang mga boys. Dami nakakarating sakin na sinabi daw ni kuwan na ganito ako na ganyan.. I dont mind lang, until nung nakauwi ako galing work overseas. Parang bomba na sumabog ako sa narinig ko na asawa ng manager nagkwento sa isang asawa ng salesman na kaya daw ako maraming pera pag uwi ko kasi nagpapagamit ako ng arabo dun.. Di na ako nakatiis, kinausap ko wife ni manager, deny to death ang lola. maayos naman ang pagkausap ko sa kanya, pero block nya ako sa fb. nalaman ko rin na sa kanya galing lahat ng kumakalat na issues na sa kanya pala galing lahat. Nasaktan ako kasi ang alam ko kaibigan ko sya, sa harapan lang pala pagtalikud ko nanaksak pala. Haist!

marami akong leasson na-learned.

may12

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 331
Nangyari din sa akin 'to noong elementary pa ako.

May isang girl from another section na tuwing nakakasalubong ko eh panay ang irap at pagpaparinig sa akin ng kung ano-ano. Hindi ko siya kilala talaga so hindi ko alam bakit ganun siya sa akin. Dumating pa sa point na niyaya niya akong mag-suntukan nalang daw kami.  :-\

Hindi ko siya pinatulan hanggang sa huli. Mahiyain kasi ako nun. Siguro kung ngayon nangyari 'yon eh iko-confront ko talaga siya.  ;D
« Last Edit: July 21, 2013, 07:11:25 pm by may12 »

molybdenumstudios

  • Casual Blogger
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1126
  • A Casual Blogger and a
    • Molybdenum Studios|Where photography and opinions collide
Well, I cannot blame these people if they do not like me for some reason. I believe they're simply a waste of my time, kaya there's a reason why I only choose whom I want to be with.

Kidding aside, they're good-looking naman in some way, they're smart and diligent naman, but I have no idea why they look down on me. Must be the superiority complex they're emulating.

Same with people who look down on someone who make a big mistake--that does not make them more superior AT ALL. Sadyang mapanghusga lang ang mga kagaya nila kaya ganun. (:

Just saying.
Stupidity leads to pestilence.

fairywinkle79122

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 507
Nangyari din sa akin 'to noong elementary pa ako.

May isang girl from another section na tuwing nakakasalubong ko eh panay ang irap at pagpaparinig sa akin ng kung ano-ano. Hindi ko siya kilala talaga so hindi ko alam bakit ganun siya sa akin. Dumating pa sa point na niyaya niya akong mag-suntukan nalang daw kami.  :-\

Hindi ko siya pinatulan hanggang sa huli. Mahiyain kasi ako nun. Siguro kung ngayon nangyari 'yon eh iko-confront ko talaga siya.  ;D

sis! sobrang naka relate ako sayo ;)
nung elementary ako meron rin girl from other section na lagi akong iniirapan,hindi ko alam kung bakit eh hindi naman ako pala away na bata(ngayon lang ako matapang sa may tangka mang agaw sa asawa ko hehe) ;D transferee ako from other school,bale grade 5-6 ako dun sa school na yun lagi niya akong iniirapan..hannggang sa nung HS kami hindi ko na siya nakita dahil sa public school siya nag highschool..ngayon sa facebook a year ago in-add niya ako tapos nag PM sakin nag sorry..hanggang ngayon in-explain niya na hindi rin niya alam bakit ba mainit ang dugo niya sa akin noon ::) grabe rin eh,2 taon akong kina bwisitan na hindi niya alam kung bakit!


ito naman ako ang bwisit..another story..

naiinis ako kasi yung kinuha kong ninang ng anak ko,siya naman ang nag prisinta,pilit ina-add si hubby sa fb,eh ayaw nga ni hubby..mga 1 o 2 taon rin naka pending yung request niya nagtaka ako paano napounta sa ibabaw yung request eh natabunan na yun sa dami ng request sa fb ni hubby..nakita na lang raw ni hubby lumabas kaya in-accept na niya..naiinis lang ako hindi naman sa threatened ako kay girl kaso,ayaw na nga i-add ng hubby ko,pinipilit pa niya..tapos tuwing nag chat kami tanong pa ng tanong tungkol sa hubby ko..gusto pa dadalaw pa sa anak ko,eh ayaw nga ng hubby ko na may pupunta dito..kaya ayun nainis na ako sa kanya >:( feeling ko interesado ba siya sa asawa ko o ano?hinala ko yung friend request niya,baka na-cancel na niya sa tagal tapos in-add niya uli kaya ganun..simula nun nainis na ko sa kanya lagi-lagi sa fb hindi ko na siya pinapansin,ganun kasi yun,makita ko lang ang isang butas na ikakainis ko sa tao,forever na yun..

det060403

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 798
Some are just being judgmental and unreasonable, some feels insecure and defeated with your mere existence.
obviously, one can never please all... so why bother? but then again, sometimes its just really fun to watch how these people make a fool of themselves as they try to bring you down.
Sometimes you turn back. Sometimes you walk away. And sometimes, you find the place you're meant to be, & you stay there.

Sharing our SDE by BTP
http://vimeo.com/84460012

ching-chung-chang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77

opposite naman ako... may isang tao dati na kapag nakikita ko eh sobrang naggigigil at kumukulo talaga ang dugo ko.

hindi ko talaga maintindihan kung bakit kasi she's so nice naman. and she's quite friendly. pero di ko talaga maatim ang presence niya. pero in fairness naman to me and hindi ko naman siya binastos or inaaway or ini-snub.


angelzero

  • Chock Full of Hoot
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 581
  • If you're an evil witch I will punch you for fun!
^same here. ako yung may ayaw. madami akong ka-batch nung hs na nasa "popular" group na ubod ng epal. di naman nila ako inaano pero ayoko lang sa kanila. esp. this one girl na transferee nung 1st year hs kami na sobrang epal! tapos naging classmate ko sya nung 2nd year and i saw how horrible she really is. i have a barkada na close dun sa girl na yun and she tells me na mabait naman daw yun, strong personality lang. pero di nag iba tingin ko sa kanya. but i didn't act on it naman kasi di rin naman ako palaaway.
Right thoughts
Right words
Right action

Katcatz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
  • Im obsessed!
Me din nakakaramdam ng ganon parang ayaw sayo ng tao kaya ginagawa ko hindi ko kinoclose i simply ignore. Sino ba sila sa tingin nila. Hehe madame naman ako friends.

happie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 465
Meron talagang people na hindi jive.  I feel a strong hatred towards another woman actually, feeling ko she
doesn't deserve the life she has now, pero wala naman talaga siyang major na ginawa sakin.  She used to commute to go
to work, and actually lived with a middle class aunt until she was introduced to this guy I know na well-off.  Pag
swerte ka nga naman talaga, may itsura siya in fairness pero wala talagang maayos na background or initiative.

molybdenumstudios

  • Casual Blogger
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1126
  • A Casual Blogger and a
    • Molybdenum Studios|Where photography and opinions collide
opposite naman ako... may isang tao dati na kapag nakikita ko eh sobrang naggigigil at kumukulo talaga ang dugo ko.

hindi ko talaga maintindihan kung bakit kasi she's so nice naman. and she's quite friendly. pero di ko talaga maatim ang presence niya. pero in fairness naman to me and hindi ko naman siya binastos or inaaway or ini-snub.

Siguro dahil super friendly siya, parang "fake" ang tingin mo sa kanya... am I right or wrong? Hehe.
Stupidity leads to pestilence.

hazelbrown_eyes27

  • Miss NO pushover!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 904
 ^ oo nga may ganun din ako na kinaiinisan. Parang there is something not normal pag uber friendly.
super bubbly in an infuriating way. Parang pa bubbly at TH na magustuhan ng lahat.
Dont even bother explaining! I cant believe you.

oreo08

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 496
meron din akong mga tao na hindi ko agad gusto first meeting palang... parang may kutob? di ko maexplain basta hindi ko sila agad gusto

alice_alice

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 533
May iilan na ayaw o di ako feel doon sa opisina namen, pero okay lang talaga saken transparent din naman akong tao kitang kita rin pag di ko gusto yung iba doon. Nagegets ko namang di kame magkawavelength at wala din namang dahilan para kausapin ko sila.

Ang importante naman eh mas maraming may gusto na maging kaibigan ako kesa dun sa ayaw.

ching-chung-chang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 77
Siguro dahil super friendly siya, parang "fake" ang tingin mo sa kanya... am I right or wrong? Hehe.

you're spot on sis... she likes using po and opo din, which also irritates me kasi i'm only a couple of years older and I don't look majonda naman haha

pinksuman

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 101
  • "A Work In Progress"
bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
answer: kase inggitera sila, walang magawa sa buhay, insecure kaya ang daming time i-pick ang mga bad things sayo na wala naming kakwenta kwenta :)

molybdenumstudios

  • Casual Blogger
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1126
  • A Casual Blogger and a
    • Molybdenum Studios|Where photography and opinions collide
@ching-chung-chang Well the "po" and "opo" thing is only used kapag senior natin talaga ang tao to the point that mga more than 4 years ang age gap. Grabe ang awkward naman pakinggan nun... po at opo pa talaga hehe.
Stupidity leads to pestilence.

happie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 465
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #218 on: August 08, 2013, 01:15:51 am »
^ oo nga may ganun din ako na kinaiinisan. Parang there is something not normal pag uber friendly.
super bubbly in an infuriating way. Parang pa bubbly at TH na magustuhan ng lahat.

I know!  There is this one person who infuriates me kasi sobrang bait, friendly and masayahin.  Is that even normal?

cloudzy_09

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 407
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #219 on: August 08, 2013, 06:38:35 am »
Some are just being judgmental and unreasonable, some feels insecure and defeated with your mere existence.
obviously, one can never please all... so why bother? but then again, sometimes its just really fun to watch how these people make a fool of themselves as they try to bring you down.

This is so true sa akin noong college ako may 2 ako k group na ayaw sa akin I think na insecure lang kasi lagi ako top sa group namin and sila laging kulelat basta natatawa na lang ako sa kanila

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
Jackie Forster Gets Extreme Haircut for Daughter Who Has Leukemia
The actress shows her support for her baby girl.
28
FNites! What Reminds You of Summer?
Send us a photo and we might feature it on the website!