Hi sis michipoo. I can feel your pain. I had the same experience a year ago.
Tama iyang ginawa mo, dinelete mo lahat ng connected sa kanya, sa fb. Mas maganda rin kung inalis mo iyong mga things na galing sa kanya. Noong nagbreak kame last year, feeling ko sobrang liit ko at feeling ko kalahati na lang ako.
What I did was, alis ako ng alis, kahit tambay lang sa mall, basta makalimutan ko siya saglit, I also kept a diary, doon ko sinusulat lahat, after ko magsulat umokey na ko.
Nagluksa ako for two months, meaning puro iyak at drama mode.
If I were you eto gawin mo:
1. Dapat magkaroon ka ng 'pagluluksa' moment - isang linggo? isang buwan? dalawang buwan? Para mailabas mo lahat ng pain.
2. Labas ka ng bahay, parlor, read a book sa park. Or anything outdoor.
3. Wag ka muna magcheck ng fb, fs, email. Baka ma temp ka na contact-kin siya at iview profiles, or makausap anybody na connected sa kanya. Reason is para hindi ka magkaroon ng confusion, o baka maguluhan ka pa.
4. Ipamigay, itago, o itapon ang gifts from him. Ako ang ginawa ko binenta ko iyong iba, pianagregalo ko at iyong iba dinonate ko sa Ondoy victims. Getaway sa lahat ng things na reminds you of him.
5. Maghanap ka ng kausap, kahit sa text, girltalk, kahit aso nyo kausapin mo just to have 'someone to talk to'. Iba kase pag may kausap ka.
6. If there are times na kailangan umiyak, gawin mo. Pwede mo ding isulat sa isang notebook o diary ang lahat ng nararamdaman mo. Magsulat ka ng hate letters.
7. Pray na tulungan kang mawala ang pain.
Good luck sis. Iyan ang mga ginawa ko to move on. Now I am okay

We just broke up. Hindi ko na kaya. At nararamdaman ko na hindi niya na ko kailangan kasi yun ang pinapakita niya. I cant even feel his love. masyado na masakit.. iyak lang ako ng iyak. I want him, mahal ko siya pero para sakanya parang sagabal nalang ako.
I deactivated my fb account and deleted all my friends there para if ever matempt ako na buksan ulit yun, wala na ko malaman na anything about him. kahit sa skype,ym, and ther online accounts. i deleted his number din, hindi ko kabisado number nya so there's no way i can contact him.
The thing is, I am alone. how can I handle this? yung pain. Ayoko magkwento sa family ko at sisters ko kasi ayoko na magalit sila kay ex. at ayoko nadin magkwento sa friends ko kasi alam ko sawa na sila makinig sakin dahil lagi na ako nagddrama sakanila about him. Wala ako malabasan ng sama ng loob. Di ko malabas yung sakit na nararamdaman ko. 