Get weekly updates via email!
tip of the day THU 18 DEC 14
Is your skin dry? Switch from using a bar soap, which strips moisture from your skin, to a shower gel or body wash.
  • Good House Keeping
    End your year on a sweet note with the December issue of Good Housekeeping magazine!
    Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: FIRST LOVE  (Read 18814 times)

mishyewarians

  • Guest
Re: FIRST LOVE
« Reply #60 on: August 14, 2012, 12:13:00 AM »
May slight kilig siguro..kasi naco- conscious ako e..alam ko tinitignan ako.. ;D ;D feeling ko nanghihinayang hahaha.. Pero hindi na yung same feeling before kasi may sarili na kami family..kaya lang talaga, cant help na medyo laitin yung wife nya, napakaselosa naman kasi, lalo na pagdating sa akin.. ;D

prix

  • Office Girl, Loving Mom of JGP & A
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 296
  • I just want to love u forevermore! <3<3<3
Re: FIRST LOVE
« Reply #61 on: September 10, 2012, 10:53:08 AM »
first love ko when i was 14, actually magclassmate kami sa isang subject nung 2nd year & lagi ko syang tinutukso sa isa naming classmate na girl kasi akala ko crush nya pero nung mag 3rd year kami nag start na syang manligaw sa akin so nagulat ako & dun ko nalaman sa friend nya na 2nd year pa lang pala crush nya na ako.. :o hiyang hiya talaga ako sa dami ng ginawang kakulitan sa kanya..  ;D Nagtagal kami for almost 8 months kaso parang wlang ngyayari sa relatonship namin masyado kasi syang mahiyain & kung magkakaron man ng times na dapat makasama kami eh mgacocounter strike pa sya with his bestfriend. i decided na makipag break na skanya sa letter lang & he replied na tanggap nya yung hinihingi kong break-up dahil alam nyang hindi nya ako nabi2gyan ng time & after how many months sumulat ulit sya sa akin nangu2musta pero may iba na akong bf non (ang hubby ko ngaun) sa dami dami ng sinabi nya sa sulat ang pinakapaborito kong line na sinabi nya is "siguro yun na ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko, yung pinakawalan kita" wow! haba ng hair.. hehe.. ;D
Everyone wants to be happy, no one wants to be in pain but there's no rainbow w/o any rain -alyse- :)

mishyewarians

  • Guest
Re: FIRST LOVE
« Reply #62 on: September 17, 2012, 08:26:40 PM »
My 1st love.. Drum yata ng tears ang naiiyak ko sa kanya.. :)

snix

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1306
Re: FIRST LOVE
« Reply #63 on: September 23, 2012, 01:19:45 PM »
first love ko hindi ko naman naging bf.. he was my bestfriend's boyfriend or so we thought that time kasi lagi silang magulo..para bang complicated relationship nila lalo na ng tumuntong kami ni bestfriend ng college at dun ko din siya naging kaclose.. i was 16 and he was 18 and whenever he fought with my bestfriend he would run to me, text me..naalala ko yung plan ko sa phone nun pinacut ng nanay ko dahil tumaas kakatext sakanya lol! kahit antok na antok nako naging motto ko na kelangan ko siya pakinggan..madalas inaabot ng hanggang 5am pagtetext namin tapos 8 ng umaga pasok ko..yung phone ko laging nakavibrate at hawak ko sa isang kanay habang nakahuga ako para pag nakatulog magigising agad pag nagtext siya ;D

naalala ko pa dati naconfiscate phone ko dahil nahuli akong katext ko siya..;D madalas din kami magkasama habang inaantay namin matapos classes ni bestfriend, magkakalapit lang kasi schools namin along taft..eventually naging close kami to the point na parang nagseselos sakin bestfriend ko.. and through all those times na lagi ko siya kausap at kasama, i realized i love him at naiiyak ako lagi dahil alamkong hindi pwedeng maging kami kahit pamalabo sila ng bestfriend ko..

dumating din yung point na tinanong niya ko hall seriously and half jokingly pano kung maging kami..
pero hindi ko inentertain.. ako na lumayo baka bumigay pako lol..they patched things up naman..

tagal ko rin iniyakan but eventually nawala din naman nararamdaman ko..to date, we remain good friends and still have pet names for each other.. i'm happy too na naging ayos din sila at nagkababygirl sila ng bestfriend ko so i guess my first love wasn't all that bad..i'm also happy with my bf now na common friend din namin dalawa

at dahil jan hindi ako naniniwala sa first love never dies :)
« Last Edit: September 23, 2012, 04:03:32 PM by snix »

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4751
Re: FIRST LOVE
« Reply #64 on: September 23, 2012, 01:37:10 PM »
kapag ba nagkikita kayo ulit ng first love nyo after how many years of no communications, do you still feel something for them? bumabalik ba yun dating nararamdaman nyo para sa kanila o hindi na? may kilig pa rin ba?
Ay Oo, meron pang kilig -- for a minute or 2; then reality kicks in.  Lolz, as in -- the reason/s why you broke up.  Then, inis takes over, lolz

chick_gamer

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
  • Pretty, but sometimes slutty :P
Re: FIRST LOVE
« Reply #65 on: September 25, 2012, 07:54:50 PM »
1st love ko d ko pa rin nakikita until now. haha!

I was on vacation with my family sa province, dun kami tumuloy sa bahay ng friend ng mom ko. I was 13yo that time. I saw his pic sa isang album, and oh boy! feeling ko nagba-blush ako na d ko malaman habang nakatitig sa pic nya. ang cute-cute nya. (well, d naman totally gwapo pero ang lakas ng dating saken eh!)haha! i stole the pic and put it on my wallet. Nalaman ko na pamangkin pala sya ng dating asawa ng friend ng mama ko. hinde na ko masyadong nag-usisa kasi nahihiya ako dahil tinutukso na nila ako sa guy. haha!

sobrang napraning ata ako kay guy at ginawa ko syang imaginary bf. haha!everytime na may nagtatanong saken kung may bf ako pinapakita ko lang pic nya at sinasabi kong bf ko. haha! gumawa-gawa pa ako ng mga scenario naming dalawa para lang may maikwento. haha!

college na ko ng magka-bf, and still naiisip ko pa rin sya.. ramdam ko kasi na magkikita kami. i tried to search him sa fb pero wala eh. nag-google pa nga ako pero d ata sya nag-exist sa mundo. haha! until one day, gumimik ako with an old friend. picture taking ang peg. yung friend ko ang nag-upload sa fb and nakita ko sa tagged pics ko na may comment yung guy. super kinabahan agad ako sa notification pa lang kasi familiar sa akin name nya eh.. pagkakita ko, sya nga!!d ako pwedeng magkamali. officemate pala sya ni friend. parang gusto kong tumambling sa tuwa. d ko alam kong maiihi ba ako or titili. haha! inadd ko agad sya sa fb and super explain agad ako ng ibang details kung pano ko sya nakilala para lang ma-accept nya friend request ko.

to my dissapointment, kita ko sa fb nya na may family na pala sya. he has 2 kids pa.. aray naman! :(  pero siguro natuwa din sya sa kwento ko kaya sya nagpupumilit na magkita kami. gumawa pa sya ng ibang account sa fb para makausap ako na hinde malalaman ng wife nya. well, nung una inientertain ko pa pero hinde ako nagbother na makipagkita kasi lagi kong kasama si bf eh. walang chance. and kasi habang tumatagal nawawalan na ko ng gana na kausapin sya. iniisip ko kasi na may family na din sya tapos naglalandi pa sa iba. tyaka eww! ang dami nyang yabang sa katawan. feeling nya siguro eh patay na patay ako.. nag-a-i love you pa. pfft! ::)

until now d ako nakipagkita. d na rin ako bata.. at tyaka ang layo nya sa pinangarap ko na guy. kabaliktaran ata lahat. haha!
« Last Edit: September 26, 2012, 04:23:17 AM by chick_gamer »
Love will always fail you. If you let it.

lenjeearroyo24

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 168
Re: FIRST LOVE
« Reply #66 on: September 28, 2012, 09:55:19 AM »
pinagsisisihan ko that i broke up with him. because it's seems he's too good to be true. Feeling ko di ko masuklian yung pagmamahal niya AT kung karapat dapat ba ako sa kanya. that time ang hirap maka-move on halos umabot ng ilang taon. but still, he's always on my mind..

pink_stardust

  • Jed's one and only :)
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 415
  • she's all that =)
Re: FIRST LOVE
« Reply #67 on: October 13, 2012, 09:58:08 AM »
kailangan ba first boyfriend or girlfriend para maconsider na first love?

or ito ba yung unang tao na you had feelings for, kahit di naging kayo?

or second/third/fourth and so on na boyfriend/girlfriend mo na sa tingin mo eh unang minahal mo?
It is very difficult to go back and make a brand new start.


But you can always start from now and make a brand new ending.

lenjeearroyo24

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 168
Re: FIRST LOVE
« Reply #68 on: October 14, 2012, 10:13:40 AM »
kailangan ba first boyfriend or girlfriend para maconsider na first love?

or ito ba yung unang tao na you had feelings for, kahit di naging kayo?

or second/third/fourth and so on na boyfriend/girlfriend mo na sa tingin mo eh unang minahal mo?

puwede rin yung unang tao na you had feelings for, kahit di naging kayo.

he was the one who was the most todo bigay in love with me among all my suitors.i knew he love me sobra,and i thought i did with the same intensity.but i have to admit,there were times that i just wasn't interested in him.i just didn't care.

mbeeyap

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 281
  • ♥ Life is simple, it's just not easy ♥
Re: FIRST LOVE
« Reply #69 on: October 14, 2012, 02:22:01 PM »
hi skul klasmeyt kami, 3rd yr. though we were classmates, di kami close kasi may kanya-kanyang grupo, and we were a class of 50 (madami kasi public). grupo ko yung mga girls na tahimik at matalino(haha). grupo nya yung mga kalog at maingay na girls at sya lang ang guy.
wala akong kahit anong romantic feelings towards him until he made his move.

pag naglilinis kami sa room,he was always
helping me out, he smiles shyly whenever I talk to him, and one time while doing a dance production, his eyes were fixed on me and made everyone else look at my direction(he's a popular guy). pero clueless parin ako.

then he texted me, sabi nya hindi raw sya makatulog kakaisip sa crush nya (alam naming lahat sino crush nya). kaya sabi ko itxt na lang nya si girl para makatulog na sya. biglang nagalit, ang manhid ko daw! aba nagulat naman ako at napaisip sa sinabi nya, and then it hit me. haha.

so yun, ligawan den naging kami. pero hindi kami yung typical bf/gf. parang nagkakahiyaan lang kami sa isa't-isa. yung pagnagkikita kayo hindi mo alam pano sya harapin sa sobrang hiya. hahahahaha natatawa ako pag naiisip ko yun.
we never kissed. we just held hands. he likes to chat with me thru a piece of paper during class hours, na ipapasa pa sa ibang kaklase kasi di naman kami magkatabi.

but we had a couples name. JaM'z.
his first initial and mine. ang korny. haha. and he branded all his stuff with it including his shoes.

then came christmas. he was a rover scout, and was attending a jamboree somewhere in the visayas. he only texted me a few times kasi sabi nya wala raw signal. pero I had a gut feeling that something's amiss. and I was right!

when he came back, he was different. someone was always calling him on his cellphone. and everyone who joined the jamboree whom I knew couldnt look me straight in the eye, as if nagiguilty sila. my friends confronted him kasi ayoko. inamin nya naman. I called it quits.

4th yr, hindi nya tinapos kasi may sakit daw sya.

college, we went to the same university. and he's more popular than ever. turned out he's GAY.

sa hiSkul reunion, our former classmate opened his wallet and found a piece of paper we used to chat with each other. and just recently, my bestfriend found out his password sa account nila(they work for the same company), which is my name.

we haven't seen each other for a couple of years. but we're still friends.
The purpose of life is a life of purpose.

keenphoenix

  • Probationary
  • Posts: 6
Re: FIRST LOVE
« Reply #70 on: November 06, 2012, 11:33:22 PM »
First Love ko nung HS. Ang sarap ng feeling yung tipong pinakilala ka na sa buong angkan nya. First GF nya ko pero ako nagka BF na ko bago siya. Pero I know he's my first love kasi sa kanya lang ako umiyak ng ga-balde nung naghiwalay kami. I was only 15 then, so mejo mapusok. Parang feeling mo kaya mo na ibigay lahat kasi mahal na mahal mo. Nakipag split siya sakin after may mangyari so ayun, para kong sinilaban ng buhay kasi feeling ko wala ng tatanggap sakin na ibang guys. At ang siste, after a week, may ipinalit na siya sakin. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa at dahil dun, lumipat ako ng ibang school. 6 years after, nagkita kami ulit. Naging parang kami ulit tapos pakiramdam ko bumalik lahat ng feelings ko sa kanya. Sinabi nya sakin na babalikan daw sana nya ako pero lumipat na ko ng ibang school. He drives by our house pa daw para masilip kung nandon ba ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung totoo. Sabi ng bestfriend ko may unfinished business lang kami noon kaya feeling ko mahal ko pa siya. Tapos yun, hindi din nag workout yung relationship since based na ko dito sa Manila at nalaman ko na may isa pa pala siyang GF maliban sakin. So eto ngayon, OK naman na ako. Mas OK naman kasi ang nakuha kong kapalit niya.  ;D

miss parker

  • My self is my BOSS. Been an entrep for 4 years and loving it :)
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 464
  • thank you Lord!
    • Tinay Shop.. your online Beauty Shop!
Re: FIRST LOVE
« Reply #71 on: November 11, 2012, 03:58:54 PM »
kapag ba nagkikita kayo ulit ng first love nyo after how many years of no communications, do you still feel something for them? bumabalik ba yun dating nararamdaman nyo para sa kanila o hindi na? may kilig pa rin ba?

Hindi mawawala yan sis. Our first love will always be the first remembrance saten ng "kilig" ng "feeling of love, being loved back and loving someone"

ako im lucky, i got to marry my first love :)
Beauty comes from within.. but wouldn't it be better if BEAUTY SHOWS FROM INSIDE OUT?

hedonista

  • mastering law of attraction
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 724
  • extremely grateful. thank you thank you thank you
Re: FIRST LOVE
« Reply #72 on: November 13, 2012, 05:51:08 AM »
First Love.

Never ko pa nakwento kahit kanino. Dito na lang. :)

Late bloomer. Hated men. Abhorred marriage. Father being womanizer. Mom being battered wife.

When I was 24 I met him at the office. He was my subordinate. His personality was challenging. Bad boy look and all. I know that in every tough guy, there's always a soft side. I am not a very smiley person before. My face hurts when I smile. But this guy, ruined everything. I learned to smile and laugh and enjoy the world around me. He was so funny. His sense of humor got me. When he held my hands for the first time, i felt warm and kilig...at 24. I said to myself, so this is how it feels like. I was happy everyday I went to work. I started wearing clothes other than black. I was the gothic type, intimidating person in the office who is almost always pensive and antisocial mode. He made me Glee-happy. I want to sing every time I am with him. I fell in love. He had baggage from an ex. I waited. Until one day he confessed that he loves me. My face never hurt again every time I smiled. :)

We are now married with 1 kid. He was my first and last love. We are going through some marriage issues but we still get back to same frequency of bliss.

My first and last love. :)
Nothing can come into your experience unless you summon it through persistent thoughts.

tomatostellar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1022
  • something infinitely interesting
Re: FIRST LOVE
« Reply #73 on: November 13, 2012, 06:30:08 AM »
~fake first love~

akala ko love ko na sya e, ayjusko natatawa ko sa sarili ko. grade 5 ako 3rd yr hs sya (talandi jooskoo!!)
pero kahit nung graduate na sya noon ng HS, sya pa din crush ko, fast forward, medyo nanligaw sya 1st year HS ako, wala nangyari. fast forward ulit, nanligaw ulit 1st year college, wala ulit nanyari., torpe kasi or maybe he didn't like me enough, di ko ma-tancha. Parang di talaga kami nagkakilala I only have an idea of him

~real first love~

first boyfriend, we we're college classmates, nanligaw nung 1st yr, basted, nanligaw ulit sembreak bago mag 4th yr, basted ulit, pero few days after that naging kami. haha galing! it was a great love! during our relationship my family struggled w/ business problems, it was the lowest of low in our lives and he was there for me. we we're together technically 1 yr 10 months, pero parang mga 3.5 yrs coz of the way we were after we "broke up". eventually things fell apart for us, but i am grateful for the love he let me experienced :)

I wish both of them well. At sana last na tong bf ko ngayon :)

http://stellarchild.blogspot.com/
"If you do not breathe through writing, if you do not cry out in writing, or sing in writing, then don't write, because our culture has no use for it."
~Anais Nin

patchi2012

  • Napapako sa 500 post
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 442
  • mRs. A
Re: FIRST LOVE
« Reply #74 on: November 13, 2012, 12:20:21 PM »
I was 12, he was 12, first yr. highschool, we're seatmates. He was so madaldal, while i'm the quite-shy type, sa sobrang kadaldalan nya and bein' so annoying, dahil mahilig syang sumagot sagot ng pilosopo sa teacher and madre binabato sya ng eraser, sad to say ako ang tinatamaan, todo pasalamat naman sya sakin for saving him, then one time he told me na he'll stop na, para di na daw ako mabato, which i answered him back,"buti naka realize ka, coz i hate you", bigla syang na shock, then he started papansin na, like may dalang food for me, since seatmate kami and napaka bata pa, we even exchanging drinks from our jug and when he know na fave ko ang apple nagdala sya, and when he showed it to me, sabay sabi ko naman na sorry, i want the red one not the green. And i saw sadness in his eyes, ewan ko ba bakit nagmamaldita ako sa kanya lagi.

He was a jock, while i'm the bench girl, just there watching in the corner, while lots of girls ay tumitili sa kanya, pero i just have this smile kase bago mag start ang game dumadaan muna sya sa classroom namin, and he let me cut his fingernails. He told some of my lunch buddies na, i was the girl that he wanted to marry someday, and he even announced in our classroom in front of our classmates and teacher na crush nya ako. So tinukso na kami, everytime na may execution ng dance moves sa PE class, kami pina-partner, kaya mas lalong lumalakas ang kantyawan, which i  hated, he noticed it, kaya medyo nagka ilangan na kami.

Gap started na and yun yung time na i missed him, nawala na din ang tuksuhan and dun ko na realize na "eto na ba ang love?, ang bata ko pa", he belong to popular group in school kaya the more na nagkalayo na kami, kahit mag classmate pa kami. And i guess na yung group na yun somewhat influenced him to avoid me, kaya nung may nag transfer sa school na girl, group pa nya mismo nagreto kaya naging sila, ay, young love nga, it hurts talaga. kahit 15 nako and may nanligaw sa kin, i just wished na twas him, there's this incident since i was in a school band, and hapon na matapos ang practice, so yung mga naiwan sa school except my bandmates are yung mga mag bf/gf na nag de-date, i saw him with his gf, awkward kase kung san sila naka upo dun pa naman ako dadaan, he was looking at me deeply, and his gf noticed, na try pa ng gf nya na e move yung face nya paharap to her. Her gf even gaya-gaya kung ano hairstyle ko like if may ponytail ako, or mag headband or mag clip lang, minsan same design pa ibang color lang, which is weird lang.
There are times that i caught him staring at my pic, since yung mag nasa top 10 kase ng class, dini-display sa isang corner ng classroom namin, pag nagka banggaan sa hallway we couldn't even look at each other. Mag classmate din ang mga sibs namin, kaya nagulat ako nung nakita nya bro ko and he told him na ako daw gf nya sa school, kaya nagsumbong yung bro ko sa parents ko, kaya more na na confuse ako what he's up to.

On our last year sa highschool nag break sila ng gf nya, then i noticed na lagi akong pinaparinggan ng barkada nya na, pwedeng ibalik ang old flame, walang masama. Plus, binabati na nya ako minsan, in a pabiro way, pero feel ko na naiilang pa din sya. Yung isa kung classmate na naging gf din ng kabarkada nya, told me na pls do come on our graduation party, i ask why, then sagot nya basta come, someone wanted to say something to you. Too bad, di ako pinayagan ng papa ko pumunta, kaya iyak ako ng iyak, naisip ko, ano kaya kung pumunta ako?. Nung college nalaman ko na dun sya nag college sa mindanao area, kaya wala na kung news sa kanya that time, then i've just heard na nagkabalikan sila ng gf nya, naging pariwara din sya, never finished school, sayang he was too promising pa naman sa sports. Nalaman ko last year they got married, kase nga yung gf nya lang daw di nag give up sa kanya. He was in fb i just added him lang nung nagpakasal na din ako, para walang issue sa wife nya, that girl kase really hated me and her friends bullied me during my highschool years.
Sabi ng mga friends ko may unfinished business daw talaga kami, i cried for him talaga nun, kahit di naging kami, i told my parents about it, at tawa sila ng tawa sa kin, lalo pa when i told them na, the relationship ended bago pa man umusbong, well, tama sila that good thing di natuloy daw since God gave the best for me, well, i was happy na din coz since married na sya nag strive din, he went to Midlle East, where he worked in tough labor talaga, muntik ko na syang di makilala sa pics, he look old and a bit chubby na din, coincidence na dun din sa country na yun nag wo-work si hubby, but he's in med field, kaya tama nga sabi ng parents ko na balang araw maiintidihan ko ang lahat.

since friend kami sa fb, he greeted me during my wedding day, he chatted me, and make pahapyaw bakit recently lang ako nag asawa, i told him na maybe dahil dun palang binigay sakin yung true love ko, he told me na maybe i wasn't looking daw noon, at bakit ang layo pa ng province ng hubby ko. I feel na he wanted to tell me something. Well i just stop dreaming about him, nung time na naka pag usap kami kahit sa chat lang, kaya part na lang sya ng nakaraan ko.
« Last Edit: November 13, 2012, 12:43:44 PM by patchi2012 »
A heaRt tRuLy in-L0vE neVer L0ses h0pe but aLways belieVes in the pr0mise of L0ve, no maTTer h0w L0ng the time and h0w faR the disTance

den.nica

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: FIRST LOVE
« Reply #75 on: November 20, 2012, 02:31:13 PM »
love this thread para kong nagbabasa ng pocket book :D keep posting sisses!  ;D

1st love sobrang haba kung ikkwento ko. we're bf/gf for 10 years and naghiwalay kase may 3rd party sya maski nagpplan na kami magpakasal.
we were 14 nung naging kame and 24 nung naghiwalay... We were classmates. sobrang in-love sya sakin during HS as in every week may gift sya sakin (he's very rich), every day hatid sa bahay. inaantay ako every uwian maski abutin pa ng gabi if may activity sa girl scout or kung anong anong club ( yes active and nerdy ako pero maaga naglandi :D ). sya nag lilinis ng classroom if ang row ko ang cleaner. legal kami sa bahay namin and sa bahay nila... sobrang ideal. pero nung malapit na graduation namin ng HS may nameet sya na ka dance revo (uso pa dance revo nun hehe) and naging sila. 1st time nya nag cheat. pinatawad ko.

Magkaiba na kami ng school nung college then nag cheat na naman sya. pinatawad ko....
Nung pareho na kami nagwowork nag cheat sya. pinatawad ko ulit. ako pa nagmakaawa na ako piliin nya. pag naaalala ko nakakatawa na lang na nakakainis:D

well lagi ko sya pinapatawad kase baliw ako nun hehe. feeling ko wala na akong ibang lalakeng mamahalin kundi sya lang. then nung last na nag cheat sya ayun nagmakaawa pa rin ako hehe. pero this time ayaw nya na ko piliin. kaya ayun mega cry ako as in. laki ng pinayat ko! halos gumuho mundo ko... pag naiisip ko kakaloka lang hehe. habol pa rin ako baliw lang talaga. then nung napagod na ako sa kalokohan ko, sya naman yung mega contact sakin kase nahihirapan daw sya sa gf. lagi nya compare sakin... dedma ako sa emails, sa text sa tawag.

after 2 years nakilala ko si hubby and after 1 yr na mag bowa we decided to get married.

may balita pa rin ako sa kanya since we have common friends. sabi nila sila pa nung pinalit sakin pero ilang beses na rin nya ni cheat yung girl. Buti na lang! ngayon ko naisip na buti na lang nag break kami maski maloka loka ako nun kase sa sobrang mas okay yung pinalit ni God sa 1st love ko :)


tomatostellar

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1022
  • something infinitely interesting
Re: FIRST LOVE
« Reply #76 on: November 21, 2012, 12:48:34 PM »
natatawa din ako na naiinis sayo sa kakapatwad mo sa kanya LOL
pero good for you at naka move on ka :) when one door closes nga naman oh
http://stellarchild.blogspot.com/
"If you do not breathe through writing, if you do not cry out in writing, or sing in writing, then don't write, because our culture has no use for it."
~Anais Nin

piatos

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 850
Re: FIRST LOVE
« Reply #77 on: January 10, 2013, 07:56:21 PM »
1st love ko  nung 1st high school ako.  Doon ko naexperience na may nagpapahalaga sa beauty ko, nagkaroon ng self-confidence etc.  Hindi lang kami naging kami

luckyrenold

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: FIRST LOVE
« Reply #78 on: January 16, 2013, 10:34:57 AM »
Still the same guy. 3 years now.
High School palang kami on going parin. Funny thing is we've been schoolmate for almost 4 years. Pero nung 4th yr lang kami nag kakilala. And to think na we only got 3 sections on our school that time. Weird right? LOL

jenger109

  • no time for negativity! :)
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 501
  • God is good!
Re: FIRST LOVE
« Reply #79 on: February 07, 2013, 12:26:17 AM »
Since first yr to 4th yr high school.. It made me believe that first love really never dies.
You don't need to attend every argument you are invited to.. :)

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.