4 lang ang inaanak ko.
Yung 1st is pamangkin ng (ex) bf ko
2nd is anak ng barkada niya
3rd is anak ng friend ko
4th is anak ng best friend ko.
Of all my inaanaks, yung 4th lang ang active ninang talaga ako.
Wala lang akong choice dun sa first two, I was just around 18 then and nahihiya akong tumanggi at hindi ko alam na pwedeng tumanggi.
I gave gifts din dun sa 3rd na inaanak ko, kaya lang my friend (mommy ng kid) stole my cellphone kaya tumigil ako sa pagbigay.
**Share ko lang kwento mga Mods, thanks!
Matagal na kami hindi nagkikita ni Friend,mga 3 years na. One christmas pumunta siya sa bahay. i welcomed her and chicka to the max kami. Tapos kinuwento niya na iiwanan na niya husband niya for her bf and her bf gave her a phone but nakita ng husband niya. Then she went home na (I gave her my pamasko sa anak niya). The next day, the 26th, nasa house nanaman siya, chicka uli. When she was to go home na eh nag-cr muna siya.
Tapos mga 11pm may nagtext sa other cp ko, number lang. sabi nasa ______ place daw siya ang hinihintay bf niya. "Hiniram" muna niya cp ko kase raw wala siyang cp. The nerve.
After my 4th inaanak, around 3 or 4 times pa akong niyayang mag-ninang pero tumanggi na ako.
Meron pa nga akong Tita, younger sister ng dad ko, kinukuha akong ninang ng anak niya. Hindi ako pumayag kase hindi kami close, I don't like her and her family (kase parasite sila) and ang sagwang tignan, Tita ko siya and Kumare at the same time.