Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 19 SEP 14
Feeling angsty after a break-up? Vent to your friends over coffee—not on the Internet. There's no telling who will read your rants on Facebook or Twitter.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: NINANG ng Bayan!  (Read 18235 times)

runaway_bridesmaid

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 506
  • ces't la vie
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #100 on: November 14, 2012, 12:52:51 PM »
^^ang kapal naman ng face nun, obviously nanghingi lang talaga siya ng regalo!

buti na lang ngayon taon di nadagdagan ang mga tyanaks ko, next time tatanggi na talaga ako kung hindi ko talaga ka close or kaano ano yung kukuha sakin, sasabihan ko muna ng "sure ka gusto mo kong ninang ng anak mo kahit prinsesa ako ng kakuriputan?" lol ;D
Signature edited.

Dacian

  • Don't hope for a miracle. Make one.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 729
  • Death is fleeting... Love lasts forever.
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #101 on: November 14, 2012, 11:21:07 PM »
@tabbru & runaway_bridesmaid
yun nga din iniisip ko.  parang hindi naman ako pwedeng maging ninang kasi tapos na.  sabi nya kasi pwede naman daw yun.  ewan ko ba.  siguro dahil lang talaga sa gift.
Do some time with the one you love.

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1633
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #102 on: November 15, 2012, 11:17:19 AM »
^Sis sa totoo lang parang sobrang nakaka-offend yung ginawa niya sayo. Alam ba niya ang kahulugan ng pagiging Ninang? Kung gusto ka niyang maging Ninang dapat witness ka or involve ka sa binyag. Ano yan ang trato niya sayo ay hingian lang ng regalo?

Hindi ko talaga maintindihan sa iba kung bakit Santa Clause ang tingin sa mga Ninong at Ninang. Ngayon ko gustong maniwala na nagiging totoo pala ang Santa Clause.

fairytink

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #103 on: November 15, 2012, 11:40:45 AM »
sali ako dito! I have 30 - 40 inaanaks na, and still counting, sa dec2 meron pa 2 magkasabay! haisst!

Kady_14

  • Nanay ni Abudayday at Kutchikoy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1146
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #104 on: November 28, 2012, 07:06:35 AM »
ako, sort of. Kasi ang husband ko ang Ninong ng bayan, kinuha ata syang ninong ng lahat ng panganay na anak ng mga pinsan nya and gosh he came from a huge family. Pati mga kapitbahay and kakilala ng kakilala, akala nila maraming pera, di nila alam barat and ako ang magbibigay sa kanila kaya umayos sila hahahaha. So aside from mga inaanak ko talaga, pati mga inaanak nya kasama na sa listahan ko. Ang gawa namin for the past few years, yung mga talagang pumupunta meron naka-ready, then we have generic gifts pang boys and pang girls depende din sa age. kapag teens na, we give money na lang. P500

Yung generic gifts, para lang me mabigay kapag sakaling pumunta. Kapag hindi, tinatago ko and pang regalo ng kids ko kapag naiinvite sila sa birthday parties or kapag me classmate na mgbibirthday sa school. Pinapapalitan ko na lang ng gift wrapper.

ilykeee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 115
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #105 on: December 13, 2012, 10:40:34 AM »
Ang dami ko nang inaanak, ang ayoko lang na kukuha sakin ay kapag pinsan ko yung bata, yung parents nya ay tito at tita ko na halos same age na with my parents. Pag inisip mo ano yun magiging kumare/kumpare ko sila, samatalang pag makikita ko sila e ang tawag ko sa kanila e tito/tita. Ayoko talaga nito wala na ba ibang makukuha? kahit pinsan papatusin na ngayon.  :(

nageinna

  • awesome
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1194
  • taking joy in life is a woman's best cosmetic >",<
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #106 on: December 13, 2012, 12:56:41 PM »
ako 3 palang naman haha. ang ayoko lang is yung nanay pa mismo nung inaanak ko nagsasabi kung ano dapat ko ibigay sa anak niya. ok lang sana kung maayos yung pagkasabi diba, hindi yung demanding ang dating. tapos kakagraduate lang ata nung kid niya sa kinder, mag tetext pa yan "bigyan mo naman inaanak mo ng konti graduation niya kasi" duh? eh ni hindi ko nga nakikita madalas yung inaanak kong yun. once a year lang minsan wala pa. nakakainis lang. masyadong matakaw sa regalo.
--->always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else<---

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1633
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #107 on: December 13, 2012, 01:04:23 PM »
^Same here 3 lang rin ang inaanak ko but good thing walang demanding na parents.  ;D Grabe naman yang Nanay ng isa mong inaanak, sino ba yan? But parang obligado kang magbigay. Ayoko rin ng ganyan yung parang pinepwersa ka magbigay mas lalo akong nawawalan ng gana. Buti hindi ako ang nasa lagay mo or else baka kinuripot ko na yan ng matindi.

Habang kaunti pa ang inaanak ko galante pa ako sa pagbibigay ng gifts yung mahal talaga saka hindi parating iisa ang regalo ko sa kanila sa birthday at Christmas usually 2 or more. Kasi maaayos naman sa akin magulang nila eh! Pero yung magdedemand? Nako asa! Baka magbigay ako ng pamunas na worth P25.




nageinna

  • awesome
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1194
  • taking joy in life is a woman's best cosmetic >",<
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #108 on: December 14, 2012, 11:52:52 AM »
^actually pinsan ko yung nanay niya. but diba nakakawala naman talaga ng gana pag ganon. parang feeling mo tuloy kinuha ka lang ninang dahil alam nilang nag reregalo ka o para hingan ka lang ng mga regalo
--->always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else<---

Purple_Power

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1633
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #109 on: December 14, 2012, 02:54:42 PM »
^Exactly the point parang ganun ang treatment niya  saka parang yun ang objective niya na kaya kinuha ka niya para makalusot na hingan ka ng regalo according to her demands. So how's your relationship naman with your cousin? Comfortable naman ba?

 ;D May kutob na nga rin ako na baka sa ibang cousins ko gawin ko ito kapag naging Nanay na sila tapos kunin nila akong Ninang kasi magiging prankahan na ito na ayoko yung ang objective ay hingian ng regalo. Dapat regaluhan ng mga pangaral eh! Total naman kadalasan binyag sa Catholic Church ang gagawin ko dyan magreregalo talaga ako sa bata ng Santo kahit yung maliit saka ng mga novenas, rosary or even prayers, basta yung mga materials that has something to do with religion. Pag marunong nang bumasa bible dapat ibigay. I am sure maiinis sila run dahil hindi luho ang binigay ko pero hindi ako nagbigay sa kanila para maging regalong pang-asar kundi yan yung pangaral. Ayoko ngang bigyan sila ng pera.  ;D

nageinna

  • awesome
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1194
  • taking joy in life is a woman's best cosmetic >",<
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #110 on: December 15, 2012, 09:27:01 AM »
^we're not super close din since sa bulacan sila ako taga manila naman. so once a yr lang talaga may chance magkita. and lalo na pag pasko talagang lumuluwas pa yan para mag hakot ng mga regalo. pag nagkikita naman kami, hindi naman siya awkward kumilos. feeling close pa nga eh mega chicka pa sakin. sabay hirit maya maya about sa inaanak ko. o diba. minsan nahihirapan narin ako mag isip ano ireregalo kaya angpao nalang binibigay ko. but feeling ko si mother lang nag eenjoy sa angpao eh. haha. kaya as much as possible laruan nalang. para enjoy talaga ni bagets tutal siya naman inaanak ko eh  ;D
--->always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else<---

nessy

  • the drama queen
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 543
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #111 on: February 04, 2013, 06:25:39 AM »
ako konti lang rin ang mga inaanak ko. pero si hubby, grabe certified ninong ng bayan! last christmas, meron talaga akong tinarayan na inaanak niya. paano ba naman, he's already 22, may asawa at anak na, tapos pumunta ba naman sa bahay at nanghihingi ng aguinaldo at ang gusto pa, pera ang ibigay. hello! matanda ka na, may asawa at anak na, tapos, heto ka manghihingi ng pera? ang kapal ng face!
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

Kady_14

  • Nanay ni Abudayday at Kutchikoy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1146
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #112 on: February 04, 2013, 08:46:46 AM »
^ ay wag mo na yun bigyan, kung tutuusin dapat siya na nga me bigay sa inyo.

We stop giving kapag 18 na. Tanda na yun.

nessy

  • the drama queen
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 543
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #113 on: February 04, 2013, 10:26:28 AM »
^ ay wag mo na yun bigyan, kung tutuusin dapat siya na nga me bigay sa inyo.

We stop giving kapag 18 na. Tanda na yun.

oo nga sis Kady_14. ang kapal talaga. kilala ko kasi ang parents ng bata na yon. dito rin kasi sa lugar namin nakatira ang mga yon eh. kakaloka lang. pati yong mother nong bata na yon. noong dumaan ba naman sa tapat ng house namin before christmas, sabi sa tatay ng hubby ko, "kuya, pupunta si _____ (name ng anak niya) kay _________ (name ng asawa ko) sa pasko ha mamamasko daw siya.
and i was like, "ano? ang tanda na ng anak mo at may pamilya na ang kapal pa ng mukha na mamasko?" smile lang ang mapakal na mukha ng nanay ng inaanak ng hubby ko.

but then again, talagang thick faced nga, talagang pumunta pa sa house namin with his wife and daughter. eh di nakatikim ng hindi maganda sa akin. kapal kasi eh!  >:(
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

Kady_14

  • Nanay ni Abudayday at Kutchikoy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1146
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #114 on: February 04, 2013, 10:36:31 AM »
^ dapat biniro mo na me meaning. Me inaanak din si husband na malaki na. Inaanak nya ata yun as in bata pa sya. Unang inaanak nya. I think college na yung inaanak nya ngayon. The last time he visited us for Xmas, ayaw na magpamano ng asawa ko, apir na lang daw. (Kasi naman the boy looks older than his age and si husband kasi mukhang bata) kaya mukha silang konti na lang magbarkada.

Ayun di na pumupunta. hahahaha.... pero mabait naman yun. Niloko lang ng asawa ko. Sabi nya, "apir" na lang! hahahaha....

Kaloka naman yang inaanak nyo na yan, wala bang work? Baka matindi pangangailangan? lol. My inlaws has inaanak na kapag sila dinadalaw mga twice a year lagi me dala food. Madalas cake eh almost senior na sila so bawas bawas sa sweets na. Hala sa amin pinapadala.

Dapat ganun, IMO kasi palit na. Tayo na mgbigay sa mga God parents since tayo na ang able.

Is there a rule or anything na pwede tumanggi? Me gumawa na ba nun? Lalo kung di mo naman talaga feel? I might sound off pero kasi nakakainis talaga. May officemate naman ako before na kinuha siya nun isang officemate namin na Ninang nun anak nya. Newbies pa lang sila pareho sa office namin, OK na sana pero sabi ni Mommy na papabinyag kay other officemate. "Uy kunin kitang Ninang ni (baby) ha, di ko na kasi makita yung mga kaibigan ko eh!" (LOL) hahahaha  Bad trip na bad trip yung isang officemate ko. Pero nakakatawa dun ng-Ninang pa din sya.
« Last Edit: February 04, 2013, 10:40:47 AM by Kady_14 »

nessy

  • the drama queen
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 543
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #115 on: February 04, 2013, 10:50:11 AM »
^ dapat biniro mo na me meaning.


di ko na nagawang daanin sa biro kasi nga na-imbey na agad ako.tinarayan ko na nga eh pati yong mother. pero ewan ko talagang thick faced lang yata talaga sila.
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

pinktee

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #116 on: February 04, 2013, 06:46:16 PM »
Hi newbie here!  :P

Share ko lang experience ko sa pag accept ng pagiging ninang. Kasi ako nung kinukuha ako ng pinsan namin na close ko nuong childhood na may sangkatutak na panloloko, panggagancho at pangagamit sa pamilya namin (specifically sa mother ko) para  maging ninang ng unang anak nya ay tumanggi ako. Kahit na sobrang ipilit pa nya saken na maging ninang ako ng anak nya dahil yun daw napag usapan namin nung mga bata pa kami. Eh kaso naman bata pa kami nun and maayos pa pinagsamahan namin pero ngayon after all ng lahat ng nagawa at ginawa nya syempre iba na. I don't know kung ang mean pero eventually kasi kawawa din yung bata diba kung tatanggap ka ng di bukal sa loob mo. In my case parang madadamay lang yung bata dun sa gulo namin nung nanay nya kasi never naman sya nagrepent sa ginawa nya parang wala lang sa kanya. Kaya para saken better na tumanggi na lang lalo na kung ayaw mo talaga kasi ang purpose naman talaga ng pagiging ninong or ninang is para gabayan yung bata. And hinde naman ako minalas sa pagtanggi ko.  ;D

@nessy: hello  :) sa tingen ko tama lang naman yung ginawa mo dun sa sitwasyon na yun. May mga tao talaga na sadyang nuknukan ng kakapalan sa mukha (magugulat ka na lang kung ano pa ang kayang hingen o gawin ng mga ganyang tao). Isa pa kung pinagbigyan mo sila sigurado akong uulit pa yung mga yun at hindi madadala. Ayus din yan para mapaisip din sila kung tama ba ginagawa nila.  ;D

nessy

  • the drama queen
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 543
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #117 on: February 05, 2013, 03:55:22 AM »

oo nga sis pinktee, now everytime i see the mother, tumitingin sa akin, pero hindi rin naman ako papatalo siyempre titgnan ko rin siya. medyo abusado ang mga taong ito. tapos the other day, pumunta ba naman sa bahay namin, medyo may problema doon sa bunso niyang anak parang may kaaway yata, tapos humihingi ng tulong sa hubby ko. sabi ko at wala akong pakealam kahit narinig niya, "ano yan, pupunta dito tapos magsusumbong parang hinahanapan ka ng kaaway? bakit kung saka-sakali na magkaproblema tutulungan ka rin ba ng mga yan?" (sorry OT)

tapos sagot sa akin ni hubby, kesyo wala daw kasi yong kumpare niya (tatay ng inaanak niya) ang sagot ko naman, eh di sige puntahan mo ang kaaway, pagbalik mo dito wala ka ng asawa. eh di pinabayaan na lang ni hubby. hehe

back to topic, dapat kasi alam rin natin kung hanggang saan/kailan lang dapat tayo magbigay eh.
« Last Edit: February 05, 2013, 12:36:05 PM by mama squeak! »
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

nageinna

  • awesome
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1194
  • taking joy in life is a woman's best cosmetic >",<
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #118 on: February 05, 2013, 09:38:34 AM »
lol natawa naman ako dun sa may asawa't anak na eh namamasko parin. kakapalan nanaman talaga yun diba. ako naman, nung naka graduate na ko and nakahanap ng trabaho, ako na nag umpisa magbigay sa mga god parents ko. even now that i am married ganon parin. sariling kahihiyan na yun kung nag asawa na lahat lahat eh naaatim parin mamasko sa mga ninong/ninang nila.
--->always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else<---

nessy

  • the drama queen
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 543
Re: NINANG ng Bayan!
« Reply #119 on: February 05, 2013, 11:11:34 AM »
oo nga. ewan ko kung saan non kinuha ang kakapalan niya.  :-\

daig pa siya ng inaanak ko. meron akong inaanak na 16 years old na. pero every christmas pumupunta sa house pero para mag-mano lang. last christmas ni-try ko na bigyan ayaw na tanggapin nahiya na.  ;D
Sure God created man before woman.  But then you always make a rough draft before the final masterpiece.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.