naku sis, hindi maganda ang pedigree, lately may recalls siya (though ibang product naman nila yun). may dogs na nag-renal failure dyan. yung friend ko Vitality puppy binibigay nya, maganda sa coat ng golden nya.
ang 2 months sis pwede na maligo yan, unless kaka-vaccinate lang, in that case, wait 5 days after vaccination. pero 2 months pwede na talaga, make sure lang di malamig yung tubig and papatuyuin mo siya

fun magpaligo sis, lalo na pag gusto ng golden mo ang water---which btw, hindi lahat ng goldens ay gusto, I have two who hate baths

kung nagkakamot siya baka dahil sa diet, or may skin condition siya, or may ticks/fleas. kung ako sayo, paliguan mo na siya (basta hindi ininject ng vaccine a few days prior), then observe kung kakatihin pa siya. use a mild shampoo for puppies, wag yung pang tick and flea agad kasi i know mas drying tong mga ganyan, lalo siyang magkakati.

yup, friendly sila, and super cute pa.

i have 2 boys na turning 5 months, isa ay shy type, isa mas mayabang. haha. i also have 2 girls, 8 years old yung isa and 3 years old naman yung isa pa.

pero may nameet kaming golden na nag ggrowl sa puppies ko.

feel ko mali na yung pagkaka-palaki sa kanya...